2.24.2005

"Hindi ka pinanganak para sa kagustuhan ng ibang tao.."

May sinulat akong entry dun sa isa ko pang blog, entitled: "Revalation". Nakakatuwa, actually, kasi yun yung unang beses na nagsulat ako tungkol sa tunay na pangyayari sa buhay ko. At may nag-comment.. At eto ang sinabi niya (isang blogger na nagngangalang joiz):


"...may mga bagay talaga na hindi mapapasa-iyo, pero may mga bagay na hindi mo alam na kung mapapasaiyo iyon, makasasama lang sa yo.pero eto lang, hindi ka pinanganak para sa kagustuhan ng ibang tao. hindi ka isang picha na magpapatangay sa hagis ng kamay. gawin mo gusto mo.... hanggang sa hindi ka nakalalaya sa sarili mong kulungan, hindi ka sasaya..."



tama siya.. at wala na akong gustong iparating pa kundi ang sinabi niya..

Kudos sayo 'joiz'!

2 comments:

Anonymous said...

Ryan. Wow.

Hindi ko inakalang tulad rin pala kita. Lagi kang mukhang "masaya" eh. Hehehe. Tingin ko rin wala akong talents eh. Hindi ko rin trip ang sarili ko. Hindi ko kilala sarili ko. Ewan.

Pero alam mo ewan, pagnakakausap ko si ****c (kahit hindi na gaano), parang kahit hindi ko kilala sarili ko, ayos lang. Kasi parang napaka malaya niya na. Nakakalas na siya sa sarili niyang kulungan diba.? Ganun yung gusto ko maging eh. Parang sobrang natural na tao. Walang pakialam sa kahit ano pang iba.

^_^. Satingin ko magaling ka magsulat, at nagagandahan ako sa personality mo. Napakasipag mo pa. Kaya tingin ko malayo mararating mo. Saka marami karing kaibigan na nagmamahal sayo. Mahal ka nila kasi meron kang kwenta. ^_^

Ryan ROCKS.!

-Mithi

rAIx said...

wow! wait lang... c mithi cnabing magaling akong magsulat?!?!?! wow! this is an achievement!!! i can die now! yahoo!


hehe.. yeah.. i guess so... actually, alam mo malaya talaga yung gagong yun (sorry for the profanity pero kasi minsan ko lang mamura yun eh.. lagi kasi akong binabara.. hehe).. astig siya.. may pilosopiya sa buhay at alam kung ano ang gusto niya.. actually, gusto ko na rin maging katulad niya.. yung kung ano yung pakiramdam ng hindi mo na kailangan pang isipin kung ano ang iisipin ng iba.. ganun siya eh.. he doesn't care.. kung ano yung gusto niya, yun.. paninindigan niya kahit magkamatayan pa kayo.. idol ko yon.. sobra.. pero siyempre wag mo sabihin sa kanya... lalaki lang ulo nun.. eh mayabang pa naman yun.. naku malaking problema!

actually, ikaw ang pinakaunang nakaintindi ng mga nakasulat dito.. believe it or not, parang may secret code ang bawat letra sa blog na 'to na tanging ako lang ang makakaintindi.. at naintindihan mo.. astig.. pareho nga siguro tayo ng nararamdaman..

ako, ang pakiramdam ko kasi sa sarili ko, sa twing haharap ako sa salamin, ayoko ng nakikita ko.. di dahil di ko makita kung sino ako o ayaw lumabas ng tunay na ako (parang si mulan.. hehe), kundi dahil AYOKO ng kung ano yung nakikita ko.. Parang i prefer to see something else rather than the true me.. ganun...

pero dahil sa comment na binigay na 'to sakin ng kapwa blogger, naisip ko tuloy, gusto ko pa bang maging iba sa kung ano ako ngayon...

ang sagot: ewan.. f^ck life.. pagod na ko magisip..