3.05.2007

No comment(s)

my blog seems so quiet. unlike my previous one, where i would have at least one comment everytime i post, this one seems so barren. hay. ganun talaga yata ryan kapag TINAGGAL MO ANG TAGBOARD AT COMMENT OPTION NG BLOG MO.

haha. wala lang. i'm just not used to people not replying to what i say. and i'm not really regretting what i've done. (by the way, intentional ang pagtanggal ko ng tagboard at comment option ah). i just realized that by doing what i've done, i have removed other people's right to say what they have to say. in short, one way na ang bato ng kuro-kuro at pananaw sa snake pit na ito. and, it seems, well, somehow unfair.

pero bakit ba? nakakatrauma na rin kasi ang masyadong pagtanggap sa pananaw ng iba. minsan ang laki ng impluwensiya sayo, sa mga praan an madalas ay hindi nararamdaman o kahit alam man lamang ng nagbigay ng komento sa iyong sariling opinyon, na nabubulag ka sa kung ano nga pala ulit ang pinaninindigan mo. minsan kasi ikaw mismo, natatangalan nila ng karapatan na sabihin ang gusto mong sabihin at ipahayag sa mundong ito na malaya kang talaga.

at minsan naman rin, hindi mo lang talaga maamin na naduduwag ka sa kung anung pwedeng sabihin ng iba.

kaya oo, kung anuman sa dalawan yan ang dahilan, gusto ko na ganito na lang blog ko sa kasalukuyan, habang hindi pa nagiiba ang ihip ng hangin. mas gusto ko na lang na manatili itong tahimik. sumisigaw ng sariling pananaw, ngunit mag-isang naninindigan. walang kaaway. walang kakampi. mag-isa.

oo. namimiss ko na ang comments mo, ikaw na nagbabasa nito. sabagay, mukhang konti na lang naman kayo eh.

No comments: