4.19.2007

UP ako, ikaw?

sabi ko kay ed, something is weird because i was never attracted by anything to go to ateneo. even the oh-so-elegant application form (that costs 500 pesos), the "good" environment (at least wala daw snatcher at catholic school siya), the 100% scholarship, and the fact that I will leave cheska, jecay, and rob did not affect me at all.

sabagay, UP ang kapalit ng lahat ng iyan eh.

and i guess, tama si dani. UP na ko simula't sapul. mas gusto ko maging iskolar ng bayan kesa maging, uhm, kulay blue. kaya kung hindi ako nakapasa sa intarmed, 50-50 pa rin ako sa MBB at ME ng ateneo. haha. buti na lang pala nakapasa ko. at least di ko na kelangan maginee-minee-my-nimu.

bakit? bakit hindi. para sakin, (ayan na naman yang mga nagbabasa ng blog ko na nagtatangkang magviolent-reaction, pwede ba, tinanggalan ko na ng comment option ang blog ko. haha. beh.), kahit manakawan ako ng cellphone o kahit never ipopromote ng UP ang relihiyon o mga paniniwala ko na matagal ko nang inaalagaan, aalagaan at mamahalin, yun pa rin siguro ang pinakamagandang environment. "it's the closest thing to real life" - jackie canlas (naks naman may quote pa. haha.)

hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko tong post na to. siguro gusto ko lang sabihin na gumawa ako ng desisyon base sa sarili kong pananaw at sa kung ano ba talaga ang gusto kong marating. kaya nga masaya na rin ako para sa mga kaibigan ko eh. kasi kahit na hindi ko na sila makakasama (kasi iiwan ko sila), alam kung yung tatahakin nila, yung gusto talaga nila. kaya Ed, saludo ako sa pagkuha mo ng math course. :)

sa huli, para sakin, UP ung rurok. at karangalan kong mag-aral do'n.

Iskolar ako ng bayan, ikaw?

:(

isa lang talaga ang bagay na makakasira ng araw ko in a split second.
shet.
i never asked for this.
its a curse you know.

4.18.2007

VLADdy joke!

haha. This post is a tribute to the greatest pisay teacher of all time: Sir Vladimir Lopez.
And to our wonderful pisay Econ Mag (that got a 103/100 group grade, btw. haha. :) ), entitled, MAXIMA: Pisay's Best Survival Guide.

i got this from Alba and Henson's article, entitled "Sir Vlad Expreiences". haha. punung-puno ng econ jokes! eto oh:

When Sir Vlad was driving with his friends, a physicist, a chemist, and a mathematician, he was caught by the MMDA because he is driving beyond the speed limit. Quickly, the physicist commented at the MMDA, “You should question the earth instead, because in our inertial frame the earth is rotating at the speed limit”. The chemist also commented “You should blame the engine, if the engine combust properly then adequate energy is released and you didn’t have to change gear”. The mathematician asked “Are you sure we are traveling at the speed limit?, because we are only approaching the speed limit and not touching it”. Shocked by his friends’ remarks, he decided to show off. He bribed the MMDA and by him lunch. The MMDA quickly let them go and left them. His friends were shocked. They asked him how he knew that he needed money. Sir Vlad replied “There is no such thing as a free lunch”.

hahaha. to pa:

A friend of Sir Vlad who became successful, develop a new permanent writing material named KARL. And Sir Vlad knew that his friend was a big fan of Karl Marx, he asked his friend, “Did you name your product after Karl Marx”. “No!” replied his friend. “Then why did you name your product KARL” Sir Vlad asked again. His friend replied “It is because Karl marks.”.

hahaha. eto pa!

President Macapagal Arroyo requested Sir Vlad, to compute for the countries’ GNP. While calculating for the countries’ GNP, Sir Vlad noticed the chicken manure as a Philippine Good. He quickly said, “The Philippine goods these days… it is so gross.”

One day, while shopping, Sir Vlad overheard a woman said, “What the heck! Prices of rubberbands are always changing. What is the reason behind this?!”. Sir Vlad answered the woman, “This is because rubberbands are elastic.”.

One day, Sir Vlad and Sir Job meet in the hallway. Irritated with Sir Job features, Sir Vlad said to Sir Job, “Get a new job”. When Sir Job realize this statement he replied “You are vladdy right!”.

haha. adik. :P enjoy.. :)

4.13.2007

M.D.

"Med students preffered"

haha. may nakalagay na ganyan dun sa dorm namin sa manila. kasama ko sina pito at joreb. tapos sina nico at KG nagcoconfirm pa. :) haha. masaya to!

ngayon lang talaga pumasok sa isip ko na wala na ko sa pisay. i've been doing a lot these days - shooting, tutoring people, etc - just to earn money reserves for college. kasi seryoso, ang mahal magdorm. kelangan ko ng isa pang scholarship para makakain. else, pambabayad ko na lang sa dorm.

pero hindi eh. hindi yung graduation, yung pagkatanggap ko ng news about the intarmed, yung pagpunta namin dun para makita yung dorm, o kahit yung mga nababasa ko na goodbye pisay entries ng batchmates ko ang nakapaguntog sa akin sa katotohanan na, hoy, hindi ka na pisay scholar.

kundi yung post ni cheska na hindi siya magiintarmed. tsaka ko lang napagtanto na, shet, oo nga pala, hindi ko na sila makakasama. sina cheska, jecay, walo sa barkada ko na naging parte ng buhay ko for so long and the rest of the batch. oo nga pala, tapos na ang high school.

i miss pisay already. especially the people that made it super special. bagong mga tao na naman makakasalamuha ko. bago na naman.

mamimiss ko kayong lahat. you guys just don't know how much i would.

alam mo ba, alumnus na ko ng pinakamasayang high school sa Pilipinas. graduate na ko sa lahat ng hirap. pero sana pala, hindi na lang.


7 years before real life comes. hope you guys will have a challenging yet lesson-filled pursuit of happyness. tsaka, till next time.


I WILL NOT FORGET.

cameo role

"dude, extra ka lang."

haha. ang sakit. it's like saying: you're unimportant, so don't act like as if you are.

pero no offense, totoo naman eh. nag-eextra lang kami for the movie. at, katulad ng sabi ni ma'am jams, a production talaga is all about waiting. ako, ang reklamo ko lang naman ay may mga tao samin na katulad ni christmas na nanggagaling pa from Laguna, spents 400 pesos to commute from there to pisay (take note, 200 lang ang bayad samin. so kulang pa pampamasahe.), spend 4 hours just to get to pisay, and then does nothing pagdating dun sa set. wala lang. kawawa naman siya di ba?

yun lang naman. sana lang hindi kami 8 hours naghihintay. sobra naman ata yun. 6 ng umaga kami papupuntahin tapos 4 kami magagamit? brutal. yun lang naman. nanghihingi lang kami na sana may plano talaga yung buong thing. yung, kung pwede malalaman namin kung ilang sequences kami magagamit for the day, kung magagamit ba talaga kami o hindi, ano yung expected time na magsisimula yung pagshoot nung sequence namin and all that, etc. sayang kasi yung oras eh. i do a lot of things nowadays to prepare for college. and i miss those things just because i want to be a part of this production. at dahil para sa pisay to. at dahil idol ko si aureus.

hindi kami nagpapaimportante. we just want a better, more planned schedule (grabe kaya, 16 sequences dapat tapos apat lang yung nagagawa. something's wrong.) tsaka yung paninindigan na kapag sinabi nila na 10pm makakauwi na kami, nakakauwi talaga kami at hindi aabot ng 230am bago kami talaga makauwi. sayang kaya sa load. paulit-ulit kaming magtetext sa parents namin na hindi pa tapos yung shooting. tsaka kawawa parents namin eh. sila yung naghihintay.

yun lang naman. hindi naman talaga nagrereklamo. kung feeling mo ganun, pwes basahin mo ulit at subukan mong basahin ng may consideration at mas malawak na understanding. nahihirapan kasi kami. hindi biro. we just don't want to quit because we're doing it for the school at nakakahiya lang talaga kay direk aureus na sobrang bait.

yun lang naman.

tsaka, isa pa, ako alam ko kung gaano kahirap mag-direk. naalala ko pa nga na nagagalit ako sa classmates ko dahil lang pagalagala sila eh habang naghihintay at kung bakit hindi sila mag-stay put sa isang lugar. kaya naiintindihan ko kung gaano kahirap magplano at magschedule. alam ko na may tendency talagang ang mga extra ay hindi mo mapapansin for most parts at di mo maaasikaso. pero yun nga. you can at least make the schedule more favorable for them. para di rin sila nahihirapan sa kahihintay. parang nung nagshoot kami para sa pinoy. ginawan ko ng paraan na lahat ng scenes na may extra, gagawin na lang in one day or at least mas maaga para makauwi na sila asap. ganun. tsaka come to think of it, kung nagagawa naman nila yung 16 sequences, we would have been of use more siguro.

ewan, sana lang mas maging maayos na. they called for a one week suspension of shooting eh. sana magawan na nila ng plano. it would be a great movie eh. :)

"come on, guys, i need my beauty sleep." -- sleeping beauty @ 2am