4.13.2007

cameo role

"dude, extra ka lang."

haha. ang sakit. it's like saying: you're unimportant, so don't act like as if you are.

pero no offense, totoo naman eh. nag-eextra lang kami for the movie. at, katulad ng sabi ni ma'am jams, a production talaga is all about waiting. ako, ang reklamo ko lang naman ay may mga tao samin na katulad ni christmas na nanggagaling pa from Laguna, spents 400 pesos to commute from there to pisay (take note, 200 lang ang bayad samin. so kulang pa pampamasahe.), spend 4 hours just to get to pisay, and then does nothing pagdating dun sa set. wala lang. kawawa naman siya di ba?

yun lang naman. sana lang hindi kami 8 hours naghihintay. sobra naman ata yun. 6 ng umaga kami papupuntahin tapos 4 kami magagamit? brutal. yun lang naman. nanghihingi lang kami na sana may plano talaga yung buong thing. yung, kung pwede malalaman namin kung ilang sequences kami magagamit for the day, kung magagamit ba talaga kami o hindi, ano yung expected time na magsisimula yung pagshoot nung sequence namin and all that, etc. sayang kasi yung oras eh. i do a lot of things nowadays to prepare for college. and i miss those things just because i want to be a part of this production. at dahil para sa pisay to. at dahil idol ko si aureus.

hindi kami nagpapaimportante. we just want a better, more planned schedule (grabe kaya, 16 sequences dapat tapos apat lang yung nagagawa. something's wrong.) tsaka yung paninindigan na kapag sinabi nila na 10pm makakauwi na kami, nakakauwi talaga kami at hindi aabot ng 230am bago kami talaga makauwi. sayang kaya sa load. paulit-ulit kaming magtetext sa parents namin na hindi pa tapos yung shooting. tsaka kawawa parents namin eh. sila yung naghihintay.

yun lang naman. hindi naman talaga nagrereklamo. kung feeling mo ganun, pwes basahin mo ulit at subukan mong basahin ng may consideration at mas malawak na understanding. nahihirapan kasi kami. hindi biro. we just don't want to quit because we're doing it for the school at nakakahiya lang talaga kay direk aureus na sobrang bait.

yun lang naman.

tsaka, isa pa, ako alam ko kung gaano kahirap mag-direk. naalala ko pa nga na nagagalit ako sa classmates ko dahil lang pagalagala sila eh habang naghihintay at kung bakit hindi sila mag-stay put sa isang lugar. kaya naiintindihan ko kung gaano kahirap magplano at magschedule. alam ko na may tendency talagang ang mga extra ay hindi mo mapapansin for most parts at di mo maaasikaso. pero yun nga. you can at least make the schedule more favorable for them. para di rin sila nahihirapan sa kahihintay. parang nung nagshoot kami para sa pinoy. ginawan ko ng paraan na lahat ng scenes na may extra, gagawin na lang in one day or at least mas maaga para makauwi na sila asap. ganun. tsaka come to think of it, kung nagagawa naman nila yung 16 sequences, we would have been of use more siguro.

ewan, sana lang mas maging maayos na. they called for a one week suspension of shooting eh. sana magawan na nila ng plano. it would be a great movie eh. :)

"come on, guys, i need my beauty sleep." -- sleeping beauty @ 2am

No comments: