sabi ko kay ed, something is weird because i was never attracted by anything to go to ateneo. even the oh-so-elegant application form (that costs 500 pesos), the "good" environment (at least wala daw snatcher at catholic school siya), the 100% scholarship, and the fact that I will leave cheska, jecay, and rob did not affect me at all.
sabagay, UP ang kapalit ng lahat ng iyan eh.
and i guess, tama si dani. UP na ko simula't sapul. mas gusto ko maging iskolar ng bayan kesa maging, uhm, kulay blue. kaya kung hindi ako nakapasa sa intarmed, 50-50 pa rin ako sa MBB at ME ng ateneo. haha. buti na lang pala nakapasa ko. at least di ko na kelangan maginee-minee-my-nimu.
bakit? bakit hindi. para sakin, (ayan na naman yang mga nagbabasa ng blog ko na nagtatangkang magviolent-reaction, pwede ba, tinanggalan ko na ng comment option ang blog ko. haha. beh.), kahit manakawan ako ng cellphone o kahit never ipopromote ng UP ang relihiyon o mga paniniwala ko na matagal ko nang inaalagaan, aalagaan at mamahalin, yun pa rin siguro ang pinakamagandang environment. "it's the closest thing to real life" - jackie canlas (naks naman may quote pa. haha.)
hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko tong post na to. siguro gusto ko lang sabihin na gumawa ako ng desisyon base sa sarili kong pananaw at sa kung ano ba talaga ang gusto kong marating. kaya nga masaya na rin ako para sa mga kaibigan ko eh. kasi kahit na hindi ko na sila makakasama (kasi iiwan ko sila), alam kung yung tatahakin nila, yung gusto talaga nila. kaya Ed, saludo ako sa pagkuha mo ng math course. :)
sa huli, para sakin, UP ung rurok. at karangalan kong mag-aral do'n.
Iskolar ako ng bayan, ikaw?
1 comment:
http://fmarla.wordpress.com/2009/09/02/student/
"Student"
Just wish to share my thoughts on the matter. ^_^
UPian din ako.
Post a Comment