5.31.2007

Amici

Amici means friends. Naks. Akalain mong bukod sa naenjoy ko ang Libre ni clar, may natutunan pa kong foreign word! :P

Para kay Clar, HAPPY BIRTHDAY!!! 18 ka na at dalawang taon na lang, hindi ka na rin teenager. hehe. Salamat sa pagiging malaking bahagi ng buhay ko. Di ko na rin matandaan kung paano tayo naging magkaibigan. Ang naalala ko na lang ay bigla na tayong naguusap nung engjourn workshop. Those workshops couldn't have been the same without you! Actually, Eng journ couldn't have been the same. Nakakainspire kasi yung passion mo for journ. Nakakabilib ng sobra na nagpursigi rin ako para maging magaling sa ginagawa ko. Nung una, nagworkshop ako kasi gusto ko lang matuto pa ng lalo sa pagsusulat sa english. Wala akong plano magcontest nun. Pero dahil sa inyo ni ray2, nainspire na akong subukan. Buti na lang pala! haha. Sana mapagpatuloy mo yung writing career mo kahit comp sci ang course mo. :P At siyempre, lalung hindi kita makakalimutan dahil sa pamamagitan mo, at ni Rob at ng marami pang taong nakapalibot sa akin, mas lalo kong naintindihan kung bakit matagal ko nang minamahal ang relihiyon at mga paniniwala ko tungkol sa Kanya. Lumapit ako ng sobra, di pa man ganun kalapit, mas malapit pa rin ng di hamak ngayon kaysa dati. Sobrang dami kong tanong na gumugulo sakin for so long na sinagot niyo lang in a quick second. At lahat yun ay dahil sa inyo. For that, I owe you guys a lot. Thank you so much. :D

I guess all I want to say is that I'm overwhelmed by the fact that God made ways for me to become your friend. Blessing ka, sobra.

Sana madagdagan pa ng sobra-sobrang dami ang 18 years ng buhay mo dito sa mundo. Thanks for making a mark in my life. :D

5.19.2007

enrollment adventures # 2

block 13 ako. the Filipino Block. haha. unlike Nico, though, I'm not depressed about it. hehe. Nagustuhan ko nga yung block ko eh. kahit papano, babalik na ko sa wikang minamahal ko ng lubos. nagsawa na rin ako sa kasusulat sa ingles noh. Eng Journ pa lang at STR, buryong-buryo na ko eh. alangan namang hanggang college putaktihin pa rin ako ng mga: "Be consistent with your tenses, Ryan." bwahahaha.

----

Andami palang taga-Pisay sa I-med eh! as in! sa huling bilang ko, merong 15 na Pisay-Diliman, 3 na Pisay-Ilocos, 3 na Pisay-Bicol, 1 na Pisay-Cagayan, 1 na Pisay-Visayas, at 1 na Pisay-Davao.

naks! 24 out of 40 mula sa Pisay System! haha. masaya to. :P

----

wala na kong masabi. haha. sa totoo lang, ang adventure ko na lang tuwing enrollment ay yung pagcocommute mula sa bahay namin sa QC papunta sa manila. mantakin mo ba namang nung isang araw eh biglang tumigil yung MRT. akala ko nga sasabog na kami eh. hehe. umandar naman ulit, pero siyempre napeste yung mga tao. late na nga, mas lalo pang nalalate. :P

5.15.2007

Naniniwala ako. :)

Ikaw?

(Sinula ito ni Andrew Faner Torres. :) Alpha Company, Cadet 1st Lieutennant yan! hehe.)

---//

Bitin?
Andrew Torres

Ang Pilipinas ay minsang kinainggitan ng mga bansang nakapaligid dito dahil sa taglay nitong likas yaman at mamamayan. Ito lang naman ang tahanan ng mga taong nagbuwis ng buhay, nakipaglaban para sa kasarinlan at nagtagumpay. Mangyari ma'y magkaroon ng isang diktador, ang alab ng puso sa bawat Pilipino'y patuloy na nagliyab, sumigaw, lumaban at muli, nagwagi. Kaya't hindi na nakakagulat kung ang Pilipinas ay gawing inspirasyon para sa kaunlaran ng mga karatig bansa nito.

Ngunit ngayon.. Pilipinas. Isang bayang magiliw. Isang perlas sa dulong silangan. Ang minsa'y inspirasyon, ngayo'y isang alaala na nga lang ba?

Kahirapan. Kasalanan. Kadiliman. Wala na. Wala nang bukas. Wala nang pag-asa. Sabihin mo mang lumalakas ang piso sa dolyar, pakinggan mo naman ang daing ng mga taong palubog na ng palubog ang estado ng buhay. Di na ito bago sa yo. Malamang paglabas mo ng village mo, o kaya pag bumibiyahe ka papunta sa paaralan mo'y hindi pwedeng hindi ka makakita. Alam mo na ang tinutukoy ko.

Maaaring ito'y isang batang di mo malaman kung buhay pa't nakahilata sa hagdan ng MRT, nakakapit sa kanyang pinakamamahal at pinakaimportanteng gamit sa mundo. Hindi cellphone o laruan. Isang wasak na baso ng Waffle Time na siguro'y tinapon na ng isang mamimili sa Quezon Ave. Yun lang ang lalagyan niya ng baryang ihinulog ng isang aleng malamang ay lito rin kung may pulso pa nga ang bata.

Maaari naman itong isang pamilyang binabaklasan na ng kanilang minsa'y tinawag na tahanan. Ngayo'y di na nila alam kung saan na sila magsasalo-salo sa isang pakete ng pancit canton, o kaya'y kaning panis na sinabawan ng kape. Di na nila alam kung saan sila magkikita-kita pagkatapos nilang mag-iba-iba ng landas sa Pasig para magbenta ng basahan o ng sampaguita dahil ang kanilang bahay ay mga reta-retasong kahoy na lang.

[drama mode: OFF]

Wala? Mukha bang wala na talagang pag-asa? Di pwede. Bawal.

Naniniwala ako na hindi pa tapos ang lahat. Naniniwala akong ang Pilipinas ay isang God's work in progress. Naaalala mo ang mga Israelites nung nandun sila sa Egypt at silang lahat ay mga alila. Di naman bago ang kwentong ito. Moses. Pharaoh. ayun. Ganun din diba? Pero isa nga siyang proseso. Hindi naman naging malaya yung mga Israelitang yun nang ganun-ganun lang. Taon-taon din silang naghirap. At ngayon, naniniwala ako, sa perpektong timing ni God, ang ngayong kinakaawaang bansa nati'y muling mailalagay sa mapa at maididiscuss na rin ang Pilipinas sa SocSci2 ng mga taga-India o Japan. XD

Ang lahat ng ito'y hindi aksidente. Hindi aksidente na tayo'y isang kapuluan. Hindi aksidente na nasa kalagitnaan tayo ng mga bonggang bansa at mga isla at tayo'y hindi tinamaan ng tsunami na yan. Iniingatan tayo eh. Kasi ang Pilipinas ang magiging launching pad ng mga misyonaryong kakalat sa buong mundo. Ngayon pa nga lang nakakarinig na ko ng mga papuntang Africa eh. hehehe.. wenk. Hindi aksidente na Pilipinas ang pangalan ng bansa na to.. na ipinangalan kay Haring Philip ng Espanya.. na ipinangalan naman sa Philip na alagad ni Kristo.

Walang aksidente. Balang araw.. ang Pilipinas pa ang magpapakain ng mga nagugutom na bansa.. dahil sumosobra na tayo sa pagkain at baka mabulok lang ang stock natin dito. Balang araw.. may mag-aapply sa bahay namin na isang taga-ibang bansa para maging DH namin at maglalaba siya ng damit ko. XD Balang araw.. ang Pilipinas ang mangunguna sa pangangampanya ng isang malinis na eleksyon. Hahaha.. Mukha ba tong joke? Hindi ito joke.

Marami sigurong di maniniwala. Marami sigurong magbabasura ng post na to. Pero maniwala ka man o hindi, nasa henerasyon ka na magsisimula ng pagbabago, sa henerasyong gagamitin, sa henerasyong rebolusyonaryo. Di aksidente na Pilipinas lang ang opisyal na Kristyanong bansa sa Asya. Pag-isipan mo. Para saan pa nga ba?

--//

yup. tama siya. ito na ang henerasyong rebolusyonaryo! :)

5.12.2007

enrollment adventures # 1

haha. wala lang. natawa lang ako kasi nung nagpadental ako nung tuesday, tapos nakita nung dentist na intarmed course ko, sabi niya:

"Uy I-med! Kelangan ko bang mag-english???"

Hahahaha. Connection??

----

Mahirap magenroll sa UP-Manila dahil pakalat-kalat ang mga buildings nito. nakahalo ang Robinson's, ang DOJ, at marami pang iba. Hindi ko na nga alam minsan kung nasa UP grounds pa ba ko o hindi na eh. Tapos nakakaligaw. At parang lahat ng building dun luma. As in yung old spanish house yung dating tapo pagpasok mo may chandelier pang hindi gumagana na sasalubong sayo. hahaha.

----

tinanong nung isang doctor nung nagpa-medical ako: "Hindi mo ba inanong sa parents mo kung nabakunahan ka na? Hinanap at tiningnan mo ba yung baby book mo?"

haha. baby picture ko nga dalawa lang ang nagexist eh. yung isa kasama ko pa kuya ko. baby book pa kaya???

Kasalanan ni Cheska at Rob.

haha. eto na. may patag-tag pa kasing nalalalaman. :P

Each player of this games starts with 6 weird things about you. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.

1. Ang "Rob's suka" ko ay pork and beans. For some reason, nasusuka ako kapag iniisip ko ang pork and beans lalu na kapag naaamoy ko yun. seriously. :)

2. I'm half-deaf. Is that weird? I think so. Si Sir Vlad nga hindi makaget-over dyan eh. As in kapag may exam, ibubulong niya yung sagot sa left ear ko. Eh yun yung hindi nagfufunction. So much for bonus points. :P Tapos magtatatalon siya and all that kasi hindi ko narinig yung binulong niya kasi nga, duh, bingi nga yung tenga na yun. haha. tapos nalaman ko na half-deaf din si Ceasar at yung left ear niya din ang bingi! haha.

3. Pawisin ako. SOBRA. Di ba dani? :P As in kunwari galing ako sa isang air-condirtioned room tapos lumabas ako, tiyak, within a minute or two, pinapawisan na ako. tapos after around five minutes, tumatagaktak na pawis ko. Tapos pinapawisan din ako ng todo-todo kapag kinakabahan, nasasaktan ng matagal, etc.

4. Sa bahay namin, may isang rule: wag mong tatanggalan ng electric fan si Ryan. Kasi kapag naiinitan ako, nabibwisit ako ng sobra at nagiging pasigaw ako magsalita tapos hindi ako makapag-isip at all. As in hindi ako mapakali at wala akong magawang kahit ano. hehe.

5. Wala akong ibang t-shirt na pambahay kundi white t-shirt. as in yung plain na walang design at kung meron man, sobrang konti. imposibleng makita mo ko sa loob ng bahay namin na nakasuot ng ibang damit na hindi white t-shirt.

6. Kapag nag-iisip ako, kinakausap ko ang sarili ko. hahaha. Naobserbahan nga ata ni ma'am simpas at ni jackie yun eh. Tuwing exam, kinakausap ko ang sarili ko lalu na akpag hindi ko sigurado yung sagot o kaya ubod ng hirap nung tanong. Tipong:

"Sigurado ka ba sa letter A, Ryan? Pwede rin kasi yung letter B. Hindi naman porke't hindi tunog maganda, hindi na yun yung sagot."
"Eh kasi nga po, Mr. Ryan, mas logical yung letter A. "
"Bahala ka. Wag mo kong sisihin kapag B yung sagot. Tingin ko B yung tama."
"Hmmm. Sige na nga, B na lang. PWede rin naman eh."

Haha. Sinasabi ko yan sa sarili ko ah! hahahaha. Ewan ko kung bakit ko ginagawa yan. Siguro para masiguro ko talaga sa sarili ko na hindi ko dinadoubt yung sagot ko. Na agree yung buong katawan ko dun sa sagot ko. hehehe.

I tag Cecile, Maisie, Joji, Garrick, Ben, Catalan. :)

5.06.2007

I'm now Dark and Handsome.

there... All I need now is a few inches to add on to my height and girls will surely go wild for my extreme sex appeal. :)

Or , maybe not. hehe. basta ang kumontra sa handsome, insecure!

--//

pero di nga, kung dark at dark rin lang naman ang pag-uusapan, hindi ako pwedeng mawala sa kategoryang yun. Grabe naman kasi, pag ikinukumpara ko yung kulay ng braso ko sa kulay ng katawan ko (naka t-shirt kasi ako nun eh kaya hindi naapektuhan yung katawan ko ng galit na galit na sinag ng araw), sobrang layo. parang kape at gatas. hahaha.

at ang masaklap dun, hindi ako nagbeach. NAGPINTA AKO NG BUBONG. opo, kung inaakala mong normal na mangitim kapag pumunta ka sa beach, pwes, hindi ako nagpunta sa beach. NAGPINTA LANG AKO NG BUBONG.

ang saklap eh noh. yung skin tone ko nagtransform mula sa light brown hanggang double extra dark brown dahil lang sa pagpipinta ng bubong. hahahaha.

pero kung iniisip mo ngayon na sobrang lungkot ko dahil sa pagiging ita ko in a short span of time, pwes mali ka ulit.

lahat na nga yata ng tao dito sa bahay namin pinagalitan ako dahil sumama pa daw ako sa FEAD Work Camp namin sa Mendez, Cavite. (hindi ko ikukuwento kung anong mga details ng ginawa namin. nakaktamad. hahaha. punta na lang kayo sa blog ni Mark Jason. :P) tapos pag-uwi ko SOBRANG itim ko na. hindi ko naman maipaliwanag na kahit pa siguro umitim pa ko ng mas maitim pa sa kasalukuyang kulay ko ngayon, ok lang. kasi sa limang araw na yun, nakatulong ako.

opo mga pare, social work yung pinagkaabalahan ko. tumulong kami sa isang elementary school doon sa cavite. simple lang ginawa namin: nagpinta ng bubong, inayos yung classrooms at naglagay ng rain protection (in lay man's terms, trapal) dun sa classrooms. Yun lang. Simple, pero mahirap gawin, lalu na kung libre at ang tanging layunin mo lang ay makatulong.

Sa totoo lang, nung una, hindi ko naman pinasok yung work camp dahil gusto kong makatulong. para po kasi yun sa scholarship ko mga pare. required ang social work sa application process namin sa FEAD. at nag-aapply ako sa FEAD para may ipambayad ako sa Dorm namin sa Manila. Or else, meron na lang akong 165 pesos para pambili ng pagkain sa isang buong semester. kamusta naman yun? kaya nung una, determinado lang akong tapusin. para sa scholarship. yun lang.

pero alam niyo kasi, yung work camp na inattendan ko, nakakabilib. sobra. pagkatapos nung work camp, feeling ko umattend ako ng retreat pero mas malalim ng konti kasi hindi lang ako lumapit kay God, nakatulong din ako.

teka nga, teka nga. akala ko ba nagpinta lang kayo ng bubong? bakit ang lalim na ng realizations mo?

hehe. ewan. puro naman optional lahat ng practices of piety na ginawa namin. pero lahat kasi ng seniors (sila yung mga pasok na sa FEAD at hindi na applicants na sumama samin sa work camp), nakakabilib yung Catholic faith. kahit yung director namin. para bang bigla akong nauntog sa pader at tinanong ang sarili ko: "Bakit nga ba hindi ko sila katulad?" Bakit hanggang ngayon shaky ang faith ko. at bakit ba hindi ako nagbabasa ng Bible? Yung tipong ganun. Wala silang conscious effort para maapektuhan ka pero maapektuhan ka pa rin nonetheless.

hehe. tsaka I felt God again in one of those mental prayers that we did. ang sarap ng pakiramdam. :)

(note: 6 hours lang kami nagtatrabaho kada araw. after nun may activities, like mental prayers, get-togethers, games, etc.)

tsaka inexplain din nila sa isa sa mga talks na ginawa namin after working kung bakit kami nagwowork camp. ang pagkakaintindi ko (hehe, may ganun bigla. hindi ko na kasi natatandaan fully yung explanations), ang mga tao talagang ginawa para magtrabaho. kahit sa Bible iniimply na yun. We were created to work. kaya ang pinakasimple pero ang may isa sa malalaking impact na paraan ng pagtulong ay ang pagtatrabaho. parang yung ginawa namin. kung tutuusin simple lang ang pagpipintura ng bubong (mainit lang talaga ng sobra dahil yero yun at bukod sa sinag ng araw na tumatama sa balat mo, pinapalala pa yun ng reflection nung mga sinag sa yero. kaya siguradong masusunog ka) at pwede mo naman talagang bayaran na lang ang kahit sino para gawin yun. pero isipin mo, ang Pisay nga may budget na't lahat nahihirapan pa rin sila sa maintenance ng mga facilities, eh pano pa kaya yung Panungyan Elementary School? Eh mukha ngang nahihirapan na silang kumuha ng pera pambili ng libro eh, pambili pa kaya ng pintura at pagbayad sa isang taong magpipintura? kaya malaking tulong na rin kung magagawa mong mapinturahan yung bubong ng mga classroom nila ng libre. para naman kahit papano, alam mo na tatagal yung bubong a hindi dadating yun panahon a puputakihin sila ng tulo tuwing umuulan.

kaya pagkatapos ng talk na yun, napagtanto ko na dapat hindi ako nagpipintura ng bubong dahil para lang matapos na yung kelangan kong gawin para dun sa application ko sa FEAD. dapat, sa bawat stroke ng brush, inaalala ko na meron akong natutulungan kaya dapat ko siyang pagbutihan.

siguro dun ako namangha. ang pagtulong hindi kailangang "big difference" kaagad ang maiaambag sa komunidad. hindi importante kung big difference o small difference ang nagawa mong pagbabago. kahit yung maliit na bagay lang na napinturahan mo yung bubong, may impact yun. kahit gaano kaliit. basta you made a difference. and you helped people through that.

ang mahalaga, may mapapangiti ka sa nagawa mo, kahit isa lang.

kaya nga nagpalit na rin ako ng ambisyon eh. dati, sabi ko sa sarili ko paggraduate ko sa Pisay, gusto kong makagawa ng malaking pagbabago sa komunidad na kinagagalawan ko pagkatapos ko ng college. ngayon, gusto kong makagawa ng maliliit na pagbabago na magbibigay daan sa isang mas malaking pagbabago sa komunidad na kinagagalawan ko pagkatapos ko ng college.

naks. sabi ko sa inyo nakakabilib yung Work Camp na inaattendan ko eh. :)

kaya para sa mga nangaasar (ehem, joji, ehem. hahahaha. joke! namimiss na kita! :P malapit na birthday ni jeric!), masaya ako na maitim ako noh! Kasi kapalit ng skin tone ko ang pagngiti ng iba. :)