Ikaw?
(Sinula ito ni Andrew Faner Torres. :) Alpha Company, Cadet 1st Lieutennant yan! hehe.)
---//
Bitin?
Andrew Torres
Ang Pilipinas ay minsang kinainggitan ng mga bansang nakapaligid dito dahil sa taglay nitong likas yaman at mamamayan. Ito lang naman ang tahanan ng mga taong nagbuwis ng buhay, nakipaglaban para sa kasarinlan at nagtagumpay. Mangyari ma'y magkaroon ng isang diktador, ang alab ng puso sa bawat Pilipino'y patuloy na nagliyab, sumigaw, lumaban at muli, nagwagi. Kaya't hindi na nakakagulat kung ang Pilipinas ay gawing inspirasyon para sa kaunlaran ng mga karatig bansa nito.
Ngunit ngayon.. Pilipinas. Isang bayang magiliw. Isang perlas sa dulong silangan. Ang minsa'y inspirasyon, ngayo'y isang alaala na nga lang ba?
Kahirapan. Kasalanan. Kadiliman. Wala na. Wala nang bukas. Wala nang pag-asa. Sabihin mo mang lumalakas ang piso sa dolyar, pakinggan mo naman ang daing ng mga taong palubog na ng palubog ang estado ng buhay. Di na ito bago sa yo. Malamang paglabas mo ng village mo, o kaya pag bumibiyahe ka papunta sa paaralan mo'y hindi pwedeng hindi ka makakita. Alam mo na ang tinutukoy ko.
Maaaring ito'y isang batang di mo malaman kung buhay pa't nakahilata sa hagdan ng MRT, nakakapit sa kanyang pinakamamahal at pinakaimportanteng gamit sa mundo. Hindi cellphone o laruan. Isang wasak na baso ng Waffle Time na siguro'y tinapon na ng isang mamimili sa Quezon Ave. Yun lang ang lalagyan niya ng baryang ihinulog ng isang aleng malamang ay lito rin kung may pulso pa nga ang bata.
Maaari naman itong isang pamilyang binabaklasan na ng kanilang minsa'y tinawag na tahanan. Ngayo'y di na nila alam kung saan na sila magsasalo-salo sa isang pakete ng pancit canton, o kaya'y kaning panis na sinabawan ng kape. Di na nila alam kung saan sila magkikita-kita pagkatapos nilang mag-iba-iba ng landas sa Pasig para magbenta ng basahan o ng sampaguita dahil ang kanilang bahay ay mga reta-retasong kahoy na lang.
[drama mode: OFF]
Wala? Mukha bang wala na talagang pag-asa? Di pwede. Bawal.
Naniniwala ako na hindi pa tapos ang lahat. Naniniwala akong ang Pilipinas ay isang God's work in progress. Naaalala mo ang mga Israelites nung nandun sila sa Egypt at silang lahat ay mga alila. Di naman bago ang kwentong ito. Moses. Pharaoh. ayun. Ganun din diba? Pero isa nga siyang proseso. Hindi naman naging malaya yung mga Israelitang yun nang ganun-ganun lang. Taon-taon din silang naghirap. At ngayon, naniniwala ako, sa perpektong timing ni God, ang ngayong kinakaawaang bansa nati'y muling mailalagay sa mapa at maididiscuss na rin ang Pilipinas sa SocSci2 ng mga taga-India o Japan. XD
Ang lahat ng ito'y hindi aksidente. Hindi aksidente na tayo'y isang kapuluan. Hindi aksidente na nasa kalagitnaan tayo ng mga bonggang bansa at mga isla at tayo'y hindi tinamaan ng tsunami na yan. Iniingatan tayo eh. Kasi ang Pilipinas ang magiging launching pad ng mga misyonaryong kakalat sa buong mundo. Ngayon pa nga lang nakakarinig na ko ng mga papuntang Africa eh. hehehe.. wenk. Hindi aksidente na Pilipinas ang pangalan ng bansa na to.. na ipinangalan kay Haring Philip ng Espanya.. na ipinangalan naman sa Philip na alagad ni Kristo.
Walang aksidente. Balang araw.. ang Pilipinas pa ang magpapakain ng mga nagugutom na bansa.. dahil sumosobra na tayo sa pagkain at baka mabulok lang ang stock natin dito. Balang araw.. may mag-aapply sa bahay namin na isang taga-ibang bansa para maging DH namin at maglalaba siya ng damit ko. XD Balang araw.. ang Pilipinas ang mangunguna sa pangangampanya ng isang malinis na eleksyon. Hahaha.. Mukha ba tong joke? Hindi ito joke.
Marami sigurong di maniniwala. Marami sigurong magbabasura ng post na to. Pero maniwala ka man o hindi, nasa henerasyon ka na magsisimula ng pagbabago, sa henerasyong gagamitin, sa henerasyong rebolusyonaryo. Di aksidente na Pilipinas lang ang opisyal na Kristyanong bansa sa Asya. Pag-isipan mo. Para saan pa nga ba?
--//
yup. tama siya. ito na ang henerasyong rebolusyonaryo! :)
No comments:
Post a Comment