1.13.2008
The Three Metors/Earth-destroyers
The story starts with me enjoying a carnival/fair/whatever-basta-may-mga-booths with friends ata. For some reason, I went outside and looked at the sky. I saw the moon, or what I thought was the moon. After like 20 seconds, it startled me that the moon was REALLY big. I told someone (can't remember who) about my startling observation. He ignored me because he too made another discovery: apparently, something bigger than my REALLY BIG moon can also be seen at the other direction. And guess what, a smaller version of that thing that looks like Jupiter up close which my friend discovered can also be seen beside it. Startled that there is no apparent hiatus about the three gigantic objects in the sky, we ran back to the fair to tell everyone.
And then all of a sudden I was in my house, watching news reports. After some showbiz news, which startled me at how three objects at the sky were not urgent enough to dismiss talking about showbiz personalities, a news report indicated that the three gigantic objects were in fact, REALLY big meteors crashing to Earth in a matter of minutes. The metors, apparently were not detected by NASA and they just, uhm, suddenly appeared. Amazing.
The rest, I forgot. I remember that two of the meteors crashed on Earth though and I was still alive. But when the third one crashed, there was just light. And the dream ended.
But see, the reason I was able to remember it was because all throughout the dream there was a feeling of extreme fear and regret. But I didn't regret that I would leave the Earth already. I did not fear that the death would hurt.
All I felt was regret that I was not able to confess that much often to help cleanse my sins, that I was such a sinner the other day, that I was not responsible enough to read my Bible, etc. I feared that I was just unworthy to die yet. I knew I wasn't prepared and that the three meteors really came in such a bad timing. I feared not being able to see Him because I deserve not to.
I woke up really scared. Oh yes, I REALLY felt relieved that it was just a dream because I knew I wasn't a good son.
I never knew that that was how it felt like to be so unprepared.
--//--
the gospel today pertained to Jesus' baptism. wala lang. and the priest in our parish elaborated on how important this sacrament is. he also elaborated on what Catholic really means.
wala lang. matagal ko na rin kasing alam na ang ibig sabihin talaga ng "Catholic" ay "universal". so anyone is Catholic. at ngayon ko lang napagtanto na ang stupid ng pagtawag sa hindi Roman Catholics ng "Non-catholic" kasi imposible naman yun eh. universal nga tapos may hindi kasali, ang kulit ah! haha.
12.10.2007
This is a rant
It's nauseating. Grabe. Histology I can handle, but this? Torture! O, yeah, this is a rant. I can't help it see. Ranting is like the most efficient and effortless thing that one can do to fight extreme tiredness and bad schedules like this one:
8-10 am: Bio 22 Lecture Departmental Exam
1-3 pm: Chem 14 Departmental Exam
4-6 pm: Math 100 Departmental Exam
What's worse than two departmental exams on two critical subjects on the same day? Three departmentals on three critical subjects on the same day.
Did I mention the exams are on a saturday?
Where's the spirit of Christmas and the "be merry, have fun" mood on proffesors this season???
12.08.2007
Kinder pa lang, sugarol na
Yan ang nangyayari sa akin ngayon. Kaya nga ganyan kahaba ang panimula ng sanaysay na ito eh. Gusto ko kasing magpakaseryoso sa kung ano man ang isusulat ko ngayong gabi. Ay teka madaling araw na pala. Oo, produkto ito ng pagrerebelde ng katawan ko na mag-aral tungkol sa pagdami ng basic unit of life. Pero wala na yung kinalaman dito kaya hindi na ako magpapaliwanag pa.
Ngayong mga panahong ito kasi, kaibigan na ng mga kaibigan ko nung high school ang mga kaibigan ko noong bata pa ako. Kaya naman tuluyan nang nasira ang dating ipinagmamalaki kong “compartmentalized life.” Oo, ang buhay ko noon ay hinahati ko sa iba’t-ibang aspeto: pamilya, eskuwelahan-pre-school, eskuwelahan-elementary, eskuwelahan-high school, malalapit na kaibigan, kaaway, Diyos, atbp. At sinisuguro ko noon na walang dalawang aspeto ang magdadaop. Gusto ko kasi ng ganoon. Para maari akong maging kung sino ang gusto ko kapag kasama ko ang pamilya ko o kaya’y kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Para lang hindi magulo at kaya kong ibahin ang pagkatao ko ng hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang tingin sa akin ng iba. Para kung pakiramdam ng iba masungit ako tapos gusto ko nang maging mabait, tatalon ako sa ibang aspeto ng buhay ko at iibahin ang aking sarili ng walang kahirap-hirap. Pero wala eh, dahil bilog ang mundo, nasira ang aking nakagawian.
Ayos lang naman talaga. Siguro, sa paglaki ko ay unti-unti na rin akong nasanay na makihalubilo sa mga tao kaya nawalan na ng saysay ang pagiging hati-hati ng buhay ko. Nakakatawa lang kasi ngayon na yung mga kakilala ko nung bata ako, kakilala na rin ng malalapit kong kaibigan. Akalain mo nga naman.
Nung nasa pre-school pa lang ako, tandang-tanda ko noon ang hitsura ng isang babaeng may katabaan at laging nakapulbos. Siya yung tipo ng bata noon na talagang bantay-sarado ang pag-aalaga. Wala naman akong gusto sa kanya noon pero ganun yata talaga kapag bata ka tapos gusto mong maging top 1 kaso lang may humahadlang sa mga pangarap mo. Nauuwi ka sa pagtitig at pagmasid sa taong nakakatalo sa iyo sa larangan ng akademiko at iyong iniisip kung may magic ba ang batang iyon at ang galing-galing niya at na kung mayroon man ay hihingi ka. Ang pagkabata nga naman. Pati pala ako naapektuhan noon. Iniisip ko tuloy kung kusang may pagka-creative ang utak ko noon o may pagka-engot lang talaga ako.
Anu’t-anu pa man, hindi naman naging hadlang ng matagal sa aking mga pangarap ang batang tinutukoy ko dahil isang taon lamang (yata?) ang nagdaan at kinailangan niya nang lumipat ng eskuwelahan na siya namang ikipinalakpak ng aking mga tainga. Pero hindi naman ako isang mumunting demonyito noong mga panahong iyon para hindi man lamang malungkot sa kanyang pag-alis. Oo, para ako noong si Ipo Makunochi na ayaw pakawalan ang pinakamagaling na nakalaban at siyang nakatalo sa akin para magkaroon pa rin ako ng pagkakataong matalo siya. Sa totoo lang, kahit hanggang ngayon, para sa akin ay siya pa rin ang nanatiling pinakamatalinong babaeng nakilala ko kahit na noong pre-school ko lang talaga siya nakilala at isang taon lang kami nagkasama. Ganun kataas ang tingin ko sa kanya noon at hanggang ngayon. Kaya sa likod ng pagkatuwa na may pagkakataon na akong maging top 1 (wala eh, competitive talaga ako noong bata ako wala na tayong magagawa don. haha), nanatili ang pagnanais na sana, malay mo, isang araw, magkita kami ulit.
Ngunit ang dahilan ng pagnanais na iyon ay hindi ang upang magawa kong makipagpatalinuhan sa kanya. Hindi naman ako ganoon kababaw at ka-GC. Tao ako, kung iyong mamarapatin. Ang tunay na dahilan ay dahil bata pa lang kasi kami ni Jaimie, ang pangalan ng matabang batang mapulbos na aking kinukwento, sugarol na kami. Haha.
May pustahan kasi kami noon ni Jaimie. Bata pa lang kasi iyan, kakaiba na ang pananampalataya sa Diyos. Pero magkaiba kami ng relihiyon. Katoliko ako at Protestante yata siya, kung hindi ako nagkakamali. At ang pustahan: Sinong mauunang papasukin sa langit, ang mga Kristiyano o ang mga Katoliko?
Astig noh? Kung tutuusin, maaring maging malalim ang tanong. Pero kung seseryosohin, wala siyang sense. Kung konteksto kasi ang pinag-uusapan, na malamang hindi naman namin alam noon, Kristiyano din ang mga Katoliko at dahil “universal” ang ibig sabihin ng “Catholic”, Katoliko rin lahat ng mga Kristiyano. Mga kinder nga talaga oh, kunwari pa ang lalim ng pinag-uusapan.
Nakakatuwa lang dahil matagal na rin palang panahon ang nakakaraan noong nakipagpustahan ako kay Jaimie. At sa matagal na panahong iyon, nakakatawa rin na mismong ang mga Protestant Christians na nakilala ko sa aking paglaki ang naging mahalagang bahagi ng aking buhay at naging isa sa mga bagay na nagtulak sa akin para kilalanin ang aking sariling relihiyon, paniniwala, at ang nag-iisang Diyos na pareho naming sinasamba, pinasasalamatan, minamahal, at itinataas. Naging isa sila sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko, kung bakit nagkaroon ito ng direksyon, kung bakit mas may kahulugan ito ngayon at kung bakit nasa tamang daan ako ngayon dahil lamang sa pagkakaroon ng malalim na paniniwala sa Kanya. Kung tutuusin kasi, dahil sa iisa naman ang Diyos na sinasamba ng mga Katoliko at Protestante at nagkakaiba na lang talaga sa mga ibang paniniwala at ginagawa, napakadaling makihalubilo sa kanila. At napakasaya noon. Kaya nga taos-puso ang pasasalamat ko na sa pagtahak ko sa buhay na ito, nakatagpo ako ng mga taong katulad nila.
Marahil, yun ang gusto kong sabihin kay Jaimie sakali mang bigyan kami ng pagkakataon na magkita muli, lalu pa’t malapit na rin siyang kaibigan ng aking malapit na kaibigan at kabarkada ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako nakalimot sa pustahang dapat sana’y sa muling pagkapiling pa namin sa Kanya aming malalaman kung sino ang panalo. Gusto kong magpasalamat dahil iminulat niya ako sa aking mga responsibilidad sa pagkilala sa aking Ama at sa relihiyong noo’y ipinagtatanggol ko na. Gusto kong ipagmalaki ang taas ng pagtingin ko sa mga nakilala kong katulad naming Kristiyano na may di matinag na pagmamahal sa Kanya. Gusto kong sabihin na napagtanto ko nang walang mananalo sa pustahan namin dahil malamang sabay kaming papapasukin ng Diyos sa Kanyang kaharian bilang pantay Niyang mga anak.
Gusto kong sabihin na masaya ako’t walang matatalo sa pustahan dahil kalauna’y aming mapagtatanto na pareho naman pala kaming alagad ng Diyos at na matagal nang maliit ang mundo dahil konektado kami ng aming paniniwala sa Kanya.
At kaya nga marahil anu’t anu pa man, dahil sa Kanya, maliit ang mundo. Sobra.
11.12.2007
kaTULAD pa rin NG DATI
"Anong gagawin kung ang bagay na nawala ay hindi mahanap, hindi mapalitan, at hindi makalimutan? Tatanggapin."
-"Tulad ng Dati", Cinemalaya 2006 Best Picture
Nagkaroon ng "mini reunion" ang eme nung wednesday. Bakit? Para i-celebrate, supposedly, ang mga kaarawan nina ed (Oct.7), Ivy (Oct.26), at Jackie (Nov.4). Haha. Take note, Nov. 7 na yung reunion ah! Siguro ganun nga talaga pag magkakaiba na yung buhay niyo. Madalas hanggang happy birthday text message na lang. At kahit ganun lang, masaya ka na dun.
Pero nung wed., sinubukan naming maging unique. nagcelebrate kami kahit sobrang late na. Gusto pa naming sabihing "Better late than never" pero magiging masyado nang halata. Basta ang point lang, gusto lang din talaga naming magkita-kita. Kaya ayun, kahit halos wala naman talagang dahilan (except yung fact na manglilibre si Jackie. haha), nag-reunion kami.
Oo, dani, ginagawa ko ang post na to kasi nag-request ka. Pero totoo lahat ng sinasabi ko dito. Hindi ko na dapat ipopost ito sa blog na'to dahil napagtanto ko na rin naman ang sagot. Pero sige na nga, para sa'yo.
Nalulungkot ako sa imed dahil wala kayo. Kaya nung wed, kahit anong mangyari, sukdulang lakarin ko papunta sa pizza hut sa katipunan para lang makisali sa kulitan. alam kong magiging masaya ao sa araw na yon dahil makikita ko kayo. Di ako nagkamali.
Ayoko kasi talaga ng "changes." at kahit hindi ko masyado pinapansin, nalulungkot ako kasi hindi na kayo yung mga lagi kong kasama. kasi nagkakaroon na tayo ng iba't-ibang buhay. kasi nahihirapan na rin tayo minsan na mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay dahil magkakaiba na tayo ng tinatahak na daan. magkakaiba na experiences natin. di na iisa.
titigil na ko sa paggamit ng capital letters. nakakatamad pindutin ang shift eh. pero di tulad ng katamarang nararamdaman ko ngayon, di naman talaga ako tinamad na umasang kayo pa rin yung barkadang magpapasaya sakin kahit wala kayong ginagawang kahit ano.
tinanong ako ni dani nung party nina mara ng: "Aren't you guys glad na tayo ang magbabarkada?" Haha. Di mo lang alam dani, ang tagal ko nang nagpapasalamat. Sobra.
Kahit pilitin ko, hindi ko kayo mahanap sa imed. haha. wala kasi akong choice eh. kayo lang naman talaga yung kumportable akong kasama kasi kilala niyo ako. wala nang adaptations na kailangan. wala nang adjustments.
parang nung nasa bahay tayo ni Ed. wala tayong ginagawa pero masaya tayo. si Rob busy sa pagintindi sa mga responsibilidad niya na kahit dapat nagsasaya na siya all the way, mag-eexcuse talaga siya at gagawin ang dapat niyang gawin. just like why i'm so proud of him. Jackie was her usual self, loud and talkative. may saysay yung mga kinukwento at sinasabi. higit sa lahat, maingay. si Jeriq joke pa rin ng joke. tapos biglang nag-zoning at nag-gitara. tapos matakaw pa rin. si Jake din nagjojoke kahit hindi masyadong napapansin ng mga tao. si Ivy mahalay pa rin at humalay pa nga yata lalo. siyempre maingay din siya buong time at kwento ng kwento. si Joriel nakikipag-wrestling pa rin sa mga tao. Tapos si Ed, being his usual self, humihirit at the most unexpected moments hat makes us laugh hard. At si dani, tahimik at nakangiti, parang kala mo tuloy, katulad ko, nagre-reflect din siya at nao-overwhelm dahil once again, magkakasama kami.
Minsan natatakot ako na balang araw, sa sobrang layo na ng mga nangyayari sa'min, mahihirapan na kaming mag-bonding ulit. Yung bonding na parang ang bilis lang ng oras at wala naman kayo talagang ginagawang kahit ano pero nage-enjoy kayo.
Minsan naman gusto ko nang sipain ang sarili ko dahil ang cheesy talaga nitong mga naiisip ko at nararamdaman.
Kaya siguro hanggang ngayon, si Hopee at si Dane pa rin ang guso kong katabi sa imed. Kasi ayoko pa ring mawala yung barkadang dahilan ng karamihan ng mga ipinapasalamat ko sa buhay. Pero naaalala kong dahil nga rin pala sa inyo kung bakit natuto ako kung paano makisalamuha sa ibang ta, tumanggap ng mga bagong kaibigan, at maging bukas sa mga pagbabago. Dahil nga pala sa inyo kung bakit kahit dati, kahit gaano ako kausapin ng ibang tao, hindi ko sila papansinin lalu na pag hindi ko sila kilala, pero ngayon ako pa ang magsisimula ng pag-uusap.
Katulad nga ng sinabi ni Jett Pangan, kung hindi mahanap sa iba, hindi mapalitan ng iba, at hindi rin makalimutan, kailangan na lang tanggapin. Pero guso kong maniwalang hindi naman kayo nawawala at hindi mawawala. Andyan lang kayo sa may kanto, naligaw lang ng konti kasi hindi niyo alam kung paano lumiko ng medyo U-trn lang.
Sabi ko sayo cheesy eh.
Na-miss ko kayo, eme. Sobra. At wala pa rin kayong palya. Sa kabila ng mga pagbabago, katulad parin kayo ng dati.