1.23.2010

random number 6

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

----------------------------------------

Nakakalungkot na nagiging pang-rant na lang lahat ng random posts ko. Letse.

Hindi ko alam pero nainis talaga ako sa inyo. Oo, hidni ko kayo pwedeng awayin dahil matagal pa pagsasamahan natin for sure. Pero pramis, hindi ko alam kung kelan kayo gumawa ng ganung desisyon. Wala akong inagreehang kahit ano, ni wala nga akong nabalitaang may pinagusapan pala. Tapos, with all your ngisi powers, sasabihin niyo sakin, ipagmamalaki niyo yung apparently napagusapan natin, as if spitting at my face na kasalanan ko na kinailangan ng ganung arrangement?!

Bakit, sino bang nangiiwan sa ere. Oo, aaminin ko hindi ko rin naman natatapos yung buong thing kapag iniiwan niyo ko sa ere at may mga trabaho pa ring kelangan niyong gawin once dumating na kayo. But I never thought I was meant to finish all of it. Besides, I almost always get overwhelmed by the amount of work I have to do. But I never fail to make a contribution. Sa apat na beses na ginawa natin ang punyetang iyon, wala ni isa dun ang wala akong natulong.

The last time we did it, marami rin naman ako nagawa bago kayo dumating lahat. At oo, nagtampo ako after we have finished doing it. Kasi naman, wala kayong sensitivity sa work at hand. Actually, yung isang tao lang. Marami na nga ako nagawa, and I was working on it habang kayo ay ginagawa ang mga extra curricular activities niyo na lagi na lang dahilan kung bakit laging parang ako lang ang naiiwang gagawa ng punyetang yun, tapos sakin pa napunta yung pinakamahabang part, tapos oo nga tapos na kayo sa part niyo, pero, at least dun sa isang person concerned, hindi niyo man lang magawang magoffer ng tulong sakin. I actually had to assign that person to do a part for me para matapos na rin ako kasi tapos na naman siya. And the person did, tapos umalis at nagliwaliw. Well, tapos na naman nga siya. Pero alam mo yung feeling na wala man lang willngness to actually finish the job muna bago magliwaliw? I mean, bakit ako andun pa rin ako at gumagawa tapos yung kararating lang na natapos kagad kasi maikli lang naman yung nakuha niyang part eh pwede na magliwaliw??

Kung tutuusin nga, kasumbat-sumbat kayo nung gabing yun eh. At oo, alam kong dapat din sisihin yung kawalan natin ng sistema, pero kasalanan ko lang ba yun? Di ba kasalanan niyo rin kasi tayo naman dapat nagiisip nun? So the mere fact na iniiwan niyo ko lagi to do that, apparently kasi kapag gagawa na tayo nun nagsusulputan extra curricular activities niyo na wala naman kayo kapag manonood kayo ng sine or something else. Oo, pwede na ngang coincidence. At oo, yun naman ang turing ko sa mga yun eh. At kaya nga iniintindi ko lang kayo. Kasi dapat. Kasi tama na intindihin ko lang kayo. Kasi tama na pagbigyan ko kayo kasi responsibilidad niyo rin naman yung pinupuntahan niyo eh.

Pero wag niyo namang iparamdam, ni isumbat, sa akin na wala akong karapatang magtampo, o kahit magpasaring lang sa isang bagay na totoo naman. ANG KAPAL NAMAN SIGURO NG MUKHA NIYONG LAHAT KUNG INISIP NIYONG WALA AKONG KARAPATAN MAGTAMPO. Iniiwan niyo naman talaga ako eh. :(

Sana wala namang sumbatan na nagagalit ako. Oo, ako na palaaway at pessismist. Oo, ako na laging nangongontra. At oo, matalas dila ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun na sa tuwing magtatampo o magagalit ako, walang dahilan. Na nagpapaka-palaaway lang ako. Na nagiinarte lang ako. Kasi this time around, may karapatan talaga ako magtampo sa inyo.

WAG NIYONG ISUMBAT SAKIN NA KAYA GUSTO NIYO NG BAGONG SISTEMA AY PARA HINDI NA MAGKATAMPUHAN.

Punyeta kayo. Parang wala lang akong karapatan magtampo ah.

Kung pwede lang magalit sa inyo, ginawa ko na.

Oh well, dalawa lang naman ata sa inyo ang makakabasa nito. I'm sure yung iba masyadong busy.

1.03.2010

random number 4

RULE: bawal magcomment sa random posts ko. beh. ang magcocomment panget. at may tae sa pwet. at may putok. tsaka buhok sa leeg. ewww.

-----------

Sorry. Kelangan na nitong lumabas eh para makapagKUB na ko or else babagsak na talaga ako.

I've never hurt someone so much - so much that when you look back, you'd still see what a bastard you are. I've never hurt You so much, too, in so doing. Ako na ang pinakamababang uri ng tao sa mga oras na to.

I'm sorry...

12.28.2009

In your face!!!!! (Election Bitterness Post Number 5)


Ayan. Pilipino na ko ulit. No longer disenfranchised. hehe. :)

Dec.28, 2009. Pumila ko ng 715, nagbukas yung office ng 830, natapos ako ng mga 920. :)

So plus 2 hours sa pila hours ko na ginawa to be registered, it becomes 15 hours! Waha.

Kung binasa mo yung kwento ng pagpila namin para sa kapirasong papel na to, makakarelate ka kapag sinabi kong hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra-sobra nung nandun na ko sa loob ng office at mga tatlong pilahan na lang matatapos na ko. (yes, bukod sa napakahabang pila sa labas, meron pa ulit sa loob. pero kung galing ka sa labas at pipila ka na lang sa loob, pramis kebs ka na. with all that hard work, alam mong matatapos ka an eh. :P) As in effort na talaga ang pagpigil ko sa bibig ko para hindi ngumiti ng todo kasi hello, ang weird kaya. magpapalagay ka lang ng precinct number, todo ngiti ka na parang may auditions. Hahahaha.

At di matatawarang euphoria ang naramdaman ko nung sinabi saking: "Ok na." at lumabas na ko sa exit nung office. I've never thought those two words could mean so much! LOL.

Sayang lang talaga mag-isa na lang ako kanina. Di kasi nagrereply si haliMAU. Tapos, nasa Cebu pa kasi si JB at 12 pa kanina yung balik niya. Si pito naman, usapan namin 4am. At least ako dumating ng 7. Siya magtu-12 na, papunta pa lang. HAHA. Di ko alam kung natapos sila kasi umuwi na ko eh. Sana. Para Pilipino na rin kayo ulit. Haha. :)


I would like to thank:
JB, Mau, my kuya and Pito for keeping me company the first time.
Rob, Jhing, and all else na hindi ako tinantanan ngayong break para magpareg ulit. Thank you for believing in me. LOL.
Kabataan party-list led by Raymond Palatino for filing the petition to extend the voters' registration
and Associate Justice Conchita Carpio Morales for granting the petition.
(sige na nga, salamat na rin sa COMELEC)

Isa to sa mga di ko malilimutang achievement para sa taong to. :)

12.19.2009

Christmas Wishlist

1.) Sana po hindi na kami mamatayan ng daga sa research sa mga susunod na taon. Please. Para po sa ikapapasa namin. We will be good doctors, promise! (wahahaha. bargaining na eh noh.) :)

2.) Sana po magkaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o kahit Acute Lung Injury lang yung negative control namin.

3.) Sana magkaroon ng significant differences sa acute lung injury sa pagitan nung mga daga namin na may genistein at nung negative control (see, number 2 wish).

4.) Nahiling ko na ba na sana hindi na kami mamatayan ng daga? Sana po hindi na kami mamatayan ng daga. :)

5.) I wish the Copenhagen talks would not end with what happened this year.


Oo, member pa ko ng ygroup ng One Earth kahit hindi na ko nakapagactivate ng membership. Pramis, pag tinopak na ko one day at lumevel na naman ang pagiging proactive ko sa mga orgs, babalik na ko. wahahaha. Anyway, yun ang dahilan kung bakit alam ko na sadly, the Copenhagen talks are not doing so well.

(Kung hindi mo alam, ang Copenhagen ang venue ng UN Climate Change Conference kung saan sinusubukan nilang gumawa ng isang legally binding treaty for the whole world to follow para ma-curb ang effects ng climate change. Ako na ang conyotic.)

Sadly, however, the developed countries are still not giving it their all for a treaty that can probably save the world. The US and China, in particular. (Oo, anti-US forever ako. Pero seryoso ang point ko dito.) They came in late in the talks and now, Obama brokered a deal in closed doors na parang consolation prize lang kasi hindi mapagkasunduan yung key points. So they just created a deal that is not legally-binding anyway. Some see the deal as a stepping stone. I see it as stupid. Why should anyone settle for a consolation prize in issues that concern, say, the annihilation of mankind?

Pero sige na. Sha-shut up na ko. Kasi hindi ko pa masyadong napag-aaralan yung issue. At hidndi ko pa rin napagaaralan ng ganun ka-grabe ang provisions na dapat nasa treaty para maging effective iyon sa pag-curb ng climate change. One thing I'm sure about is, though, that the deal was not legally binding at any point and no concrete commitments were done by the developed countries which almost makes it powerless. But if some believes that it may just be a stepping stone, then I wish that it'd be a beacon of hope so that the next talks on climate change next year would produce something that may help preserve what the earth has. Sana.

5.) I wish US's national health care bill would be passed.

For someone who does not like US, I'm really sincere on this one. Partly because it's just sad that it's such a real country but capitalism prevails too much that even with all that money, they can't spend for their own health. Yet, i want it passed mostly because of the Philippines.

Oo, dahil sa Pilipinas. Aminin mo man kasi o hindi, medyo gaya-gaya pa rin tayo. Kung mapapasa ang national health care bill na to sa US at timing pa na elections din next year, meaning kung mapasa to around a time na may bagong presidente ang Pilipinas, kahit sino pa siya, posibleng konting ingay na lang din ang kailangan at magkaroon na rin tayo sa bansang ito ng mga matagal nang kinakailangang reporma sa mga batas ukol sa kalusugan. Malay mo, manggaya na naman tayo ulit sa US. At sa pagkakataong ito, susuportahan ko ang panggagaya natin.

The passage of that bill may bring an oppurtunity to change the health system of the Philippines. Kahit pa sabihin mong mahihirapan tayong baguhin ang ssistema at magsulong ng mga reporma dito sa Pilipinas (lalu pa't kung Cheap Medicines Act nga lang halos magkanda letse-letse eh), who wouldn't want an oppurtunity?

6.) Tapos, kung pwede pang mag-wish at magkatotoo ang number 5, hihilingin ko na rin na sana, kahit malabo (pero yun naman ang point ng pag-wish di ba?), magkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng Universal Health Care - yung toong tipo ng UHC at di yung mapagpanggap na uri.

Aaminin ko, naging teary-eyed ako nung isa sa mga segments nung UHC forum na impromptu nating inattend-an sa UP Diliman. Kung bakit exactly, hindi ko alam. Pero sure akong isa sa mga dahilan ay masaya akong malaman na may paraan naman talaga para sa isang UHC sa Pilipinas at na may mga taong gagamitin ang mga kakayahan upang maisulong ito.

Oo, ako na ang dramatic. Pero kasi naman, the concept of UHC in itself is very fantasy-like especially with the state of the Philippines now. Pero pramis, kung meron man akong wish bago ako mamatay, yun ay ang makitang natupad ang isang UHC para sa Pilipinas.