12.19.2009

Christmas Wishlist

1.) Sana po hindi na kami mamatayan ng daga sa research sa mga susunod na taon. Please. Para po sa ikapapasa namin. We will be good doctors, promise! (wahahaha. bargaining na eh noh.) :)

2.) Sana po magkaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o kahit Acute Lung Injury lang yung negative control namin.

3.) Sana magkaroon ng significant differences sa acute lung injury sa pagitan nung mga daga namin na may genistein at nung negative control (see, number 2 wish).

4.) Nahiling ko na ba na sana hindi na kami mamatayan ng daga? Sana po hindi na kami mamatayan ng daga. :)

5.) I wish the Copenhagen talks would not end with what happened this year.


Oo, member pa ko ng ygroup ng One Earth kahit hindi na ko nakapagactivate ng membership. Pramis, pag tinopak na ko one day at lumevel na naman ang pagiging proactive ko sa mga orgs, babalik na ko. wahahaha. Anyway, yun ang dahilan kung bakit alam ko na sadly, the Copenhagen talks are not doing so well.

(Kung hindi mo alam, ang Copenhagen ang venue ng UN Climate Change Conference kung saan sinusubukan nilang gumawa ng isang legally binding treaty for the whole world to follow para ma-curb ang effects ng climate change. Ako na ang conyotic.)

Sadly, however, the developed countries are still not giving it their all for a treaty that can probably save the world. The US and China, in particular. (Oo, anti-US forever ako. Pero seryoso ang point ko dito.) They came in late in the talks and now, Obama brokered a deal in closed doors na parang consolation prize lang kasi hindi mapagkasunduan yung key points. So they just created a deal that is not legally-binding anyway. Some see the deal as a stepping stone. I see it as stupid. Why should anyone settle for a consolation prize in issues that concern, say, the annihilation of mankind?

Pero sige na. Sha-shut up na ko. Kasi hindi ko pa masyadong napag-aaralan yung issue. At hidndi ko pa rin napagaaralan ng ganun ka-grabe ang provisions na dapat nasa treaty para maging effective iyon sa pag-curb ng climate change. One thing I'm sure about is, though, that the deal was not legally binding at any point and no concrete commitments were done by the developed countries which almost makes it powerless. But if some believes that it may just be a stepping stone, then I wish that it'd be a beacon of hope so that the next talks on climate change next year would produce something that may help preserve what the earth has. Sana.

5.) I wish US's national health care bill would be passed.

For someone who does not like US, I'm really sincere on this one. Partly because it's just sad that it's such a real country but capitalism prevails too much that even with all that money, they can't spend for their own health. Yet, i want it passed mostly because of the Philippines.

Oo, dahil sa Pilipinas. Aminin mo man kasi o hindi, medyo gaya-gaya pa rin tayo. Kung mapapasa ang national health care bill na to sa US at timing pa na elections din next year, meaning kung mapasa to around a time na may bagong presidente ang Pilipinas, kahit sino pa siya, posibleng konting ingay na lang din ang kailangan at magkaroon na rin tayo sa bansang ito ng mga matagal nang kinakailangang reporma sa mga batas ukol sa kalusugan. Malay mo, manggaya na naman tayo ulit sa US. At sa pagkakataong ito, susuportahan ko ang panggagaya natin.

The passage of that bill may bring an oppurtunity to change the health system of the Philippines. Kahit pa sabihin mong mahihirapan tayong baguhin ang ssistema at magsulong ng mga reporma dito sa Pilipinas (lalu pa't kung Cheap Medicines Act nga lang halos magkanda letse-letse eh), who wouldn't want an oppurtunity?

6.) Tapos, kung pwede pang mag-wish at magkatotoo ang number 5, hihilingin ko na rin na sana, kahit malabo (pero yun naman ang point ng pag-wish di ba?), magkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng Universal Health Care - yung toong tipo ng UHC at di yung mapagpanggap na uri.

Aaminin ko, naging teary-eyed ako nung isa sa mga segments nung UHC forum na impromptu nating inattend-an sa UP Diliman. Kung bakit exactly, hindi ko alam. Pero sure akong isa sa mga dahilan ay masaya akong malaman na may paraan naman talaga para sa isang UHC sa Pilipinas at na may mga taong gagamitin ang mga kakayahan upang maisulong ito.

Oo, ako na ang dramatic. Pero kasi naman, the concept of UHC in itself is very fantasy-like especially with the state of the Philippines now. Pero pramis, kung meron man akong wish bago ako mamatay, yun ay ang makitang natupad ang isang UHC para sa Pilipinas.



No comments: