grr.
ang hirap magalit kung pakiramdam mo kasalanan mo naman talaga kung ano yung nangyari at buti nga sayo dahil nangyari sayo yun.
ang hirap magalit kung pakiramdam mo maswerte ka pa nga at nangyari yun at na nakuha mo lang naman talaga ang dapat mong makuha.
pero mas mahirap na makitang hindi ka nagagalit dahil lang sa mga bagay na yan. lalu na't alam mo na buong puso mong kimamumuhian iyon.
tumayo ka na nga. tagal mo nang nakalugmok sa lupa, oy! siguro naman nakatikim ka na ng maraming putik para malaman mo na hindi talaga ito masarap sa kahit anong paraan.
No comments:
Post a Comment