4.26.2006

grr

ano ba?!!! kunga anu-ano nang tinype ko para ma-access yung PHIVOLCS-SSIP website natin bakit wala pa rin?!?!



hay. basta yun. gumawa kami ng website. Unfortunately, for computers that have normal-sized monitors, the website won't look pretty. Pano ba naman kasi, nakaformat yun dun sa mga higanteng monitor ng PHIVOLCS. haha.



 ***



Nakakatawa ang PBB Teen Edition.



May mangyayari kaya dung iba bukod sa pag-usapan nila ang mga crush nila, mag-away sa peanut butter at mandiri sakali mang may daga sa loob nung bahay?



E pano ka ba naman kasi makakakuha ng maganda at makabuluhang storya dun sa show eh ang lahat nung housemates mayaman at isa lang ata ang point of view sa buhay. So malamang walang maging conflict. Hindi naman nila nirerepresent ang kabataan eh. Kasi kung ganun nga, dapat meron dung mga:



ATHEIST, God-chaser, REBELDE, nagtitinda ng sampaguita, MINOR DE EDAD NA GRO, conservative, LIBERAL, makabayan, WALANG PAKIALAM SA BAYAN, relihiyoso, JOLOGS, at kung anu-ano pa.



at least iba't-iba yung pag-iisip ng mga yan. Kapag nag-usap sila, hindi lang basta tungkol sa crushes nila at angst. At least, kahit papano, lalalim yung usapan.



Oh wel, what do you expect. It's for ratings, man. Future artista yung mga yun. Tsktsk. Wawa naman.



***



May isang babaeng bwisit sa PHIVOLCS. Feeling-boss. hmph. 



No comments: