nasubukan mo na bang tumingin sa langit tuwing gabi, yung gabing wala kang makikitang kahit isang bituin sa kalangitan?
nasubukan ko na eh. tapos pakiramdam ko nasa loob ako ng isang holen na kulay black. at mag-isa lang ako.
siguro kaya ginawa ni God ang mga bituin noh? pra sa tuwing makikita mo sila, mararamdaman mo na may kasama ka.
para kahit gaano kadilim, may nagsusumikap na kuminang para sayo.
na kahit na abutin siya ng araw, nandoon pa rin siya at patuloy kang sinasamhan.
salamat God. you've always been there no matter how dark it is, and how lonely i feel.
No comments:
Post a Comment