Intro lang na walang connection:
Tinanong ng kaklase ko sa Imed sa teacher namin sa Chem 14 (si Sir Engle) dati kung bakit kailangan pa naming i-convert sa nanometers ang wavelength ng light at bakit hindi na lang meters. Ang sagot niya:
"Ganito lang yan class eh. Kapag hindi natin kinonvert, parang kang tinanong kung anong waistline mo tapos sumagot ka naman in kilometers."
hahaha. wala lang. isipin mo na lang:
"Miss, anong waistline mo?"
"0.00000078 kilometers."
hahahaha. parang kahit puro decimal place, malaki pa rin. lol.
--//--
College of Med recently had its anual "Tao Rin Pala" variety show. And Imed2014 had its first exposure to it din. Tao rin pala yung title asi gusto rin nlang patnayan na tao rin ang med students, nagvavariety show din kami. hahaha.
in fairness, the upperclassmen were REALLY good. As in todo performance. nakakabilib.
at siyempre di nagpatalo ang mga doctors sa PGH, part pa rin naman kasi sila ng College eh. at ibang klase pala magperform ang mga taga-dept. of surgery. haha. wala silang ginawa sa stage kundi nagtanggal ng polo at pants. yun lang. haha. imagine naked doctors undulating in the stage. haha. parang hindi tuloy kami makapaniwala na sila rin yng mga nagooperate sa mga tao sa OR! lol.
--//--
Alam mo ba na mabisang adsorbent ang activated charcoal para sa food coloring? haha. di naman masyadong obvious na gumagawa ako ng lab rep sa chem. pero di nga. kung may food coloring yung juice mo or something tapos ayaw mo nung kulay, lagyan mo ng activated charcoal tapos i-filter mo. tada!
di ko nga lang sure kung pwede pang inumin. :)
--//--
my blog is struggling for new posts nowadays. sorry ah. sobrang busy kasi eh. at malamang sa mga susunod na linggo ganun pa rin. bakit pa kasi kailangang mag-college eh! haha.
pasensya blog. till next time. :)
No comments:
Post a Comment