6.05.2009

June 15. Singing idol: Ben Lopez. Eme reunion. Cesium reunion with promil kid Cy Tamura.

June 15?!? grr. seriously, masaya naman ako na nadagdagan ng isang linggo ang bakasyon. pero alam mo kasi yung mindset na talagang lahat na ng bagay tinapos ko ngayong linggo para talagang mapaghandaan ko yung pasukan tapos lo and behold, hindi ko pala kelangan magpakapagod ng sobra kasi mamomove din ang pasukan?!? grrr.. tsaka hindi ko gusto ang postponement ng mga pasukan lalu pa kasi nagkacrunch time minsan ang profs at schedule mo ang malilintikan pag nagkakataong kinukulang sa oras. kaya no, i am not that happy like everyone else.

besides, for some reason, i'm still not treating the A(H1N1) virus as an alarming thing. hala. kailangan ko na siguro iresearch to.

---///

Naadik yata ako sa Legally Blonde Musical nung August last year (o july ba?) dahil sa Nat Sci 4 group namin. Dapat kasi magmimeeting kami nun ng hanggang 12 midnight kung kailangan para matapos yung mga kailangan for the project. eh nanlibre ako ng ice cream (isang gallon tapos lima kaming kumain. bwahaha.) at junk food. tapos tinamad na kami wala pang one-fourth yung tapos so nanood na lang kami ng musical na nasa Zen ni ricky. bwehehehe.

at ayun, nagustuhan ko naman ng sobra na 2nd sem na ata, kinakanta ko pa rin. hahaha.

ano ngayon? well, nalaman ko kasi nung wed lang na isa sa mga kaklase ko nung 1st year high school (emerald) na sobrang bow down ako sa ganda ng boses, si Ben Lopez, haha, ay nagtrumpets at ang recital nila ay Legally Blonde. Tapos siya si Emette! Waah! Lead role! Naka naman!

Nakakabwisit nga lang siya kasi hindi man lang niya kinalat eh di sana nanood kaming eme. sayang. :(

May videos si cecile sa multiply. pero for contacts lang so, there.

At in fairness, ang galing niya. super. vocal-wise, sasamba ka. haha. nung kinakanta na niya yung chip on my choulder narealize ko na sobrang bagay siya for the role. at ang ganda ng boses niya. (hesitant nga lang ng konti at parang nahihiya pa siya. but his voice makes up for it. lalu na high notes. :P)

---///

I WOULD NEVER AGREE TO HAVE TWO DIFFERENT OVERNIGHTS CONSECUTIVELY AGAIN.

nakaka-drain ng energy. as in. sobrang pagod na pagod ako for some reason. (siguro kasi prior to that din, nagenroll ako ng isang buong araw, tapos nagorientation din ako ng isang buong araw. tapos naghabol din ako ng requirements for almost half a day at sobrang wala akong tulog.)

Emerald had its annual summer gathering, this time sa antipolo resort naman. usual videoke, swimming, food, and cards. tsaka may alcholic drinks na this time! hahaha! natawa nga ako eh! pero konti lang naman. pinagexperimentuhan lang kami ni dani bilang taste-testers ng kanyang concoctions at pinagpractice-an ng pangarap niyang maging barista. haha. and the videoke was great. nakakatawa na kapag si Ben yung kumakanta, naiisip ko na kapag narinig ng kapitbahay, hindi niya iisipin na videoke at aakalain niyang radyo lang. hahaha. ayun. i was relaxed indefinitely after a suuuuper long day. thanks eme.

Cesium din nagreunion para kay anj kasi ngayon lang ulit siya bumalik ng Canada. Ayun. The usual. naglunch tapos nagbowling. hahaha. tapos pumunta kami sa bahay ni Cy Tamura. Tapos kung ano-ano na ginawa namin dun. haha. TV, cards, etc. we also devoured 5 whole pizzas in 5 minutes. haha. masarap ang Viva Lasagna ng Pizza Hut. :) the best yung drinking game nila Tiglao. Hahaha. Nakakatawa silang lahat. Ayun. May swimming din. Nakakatawa yung shit shit na game. nakakalito. :P Salamat Cy!!!

---///

oh ayan na. tapos na ko magrant. :)

No comments: