no. i just put environment, math, biochem, and the flying creatures on the title so that people who only read blog titles would be mislead.
i hate IT when people make someone feel like as if a blog entry can destroy the world and that merely expressing your feelings towards a certain topic is already an act of blowing things out of proportion.
NO. blogging is personal. I can say here that I hate every single person that walks slowly in front of me and no one SHOULD give a damn about it. yes, you can comment all you want on how i should not hate etc. but you're already crossing the line if you're gonna tell me not to post anything about how i should feel towards people.. no, you don't have that right. anyone can post anything about how they're feeling because that is their RIGHT. after all, a blog is a person's virtual property. and you can tell the blogger how wrong he or she is or how he should not be like that. but you can't tell, AND YOU SHOULD NOT TELL, the person that he or she should not post an entry that relates to how he or she feels because that is not your right.
kaya pwede kong murahin ang kahit sino sa blog na to. pwede kong tawaging plastik, gago, tanga, manhid, walang hiya, walang kwenta, sira ulo, papapel, mapagkunwari, tarantado, hayup, at kung anu-ano pa ang KAHIT SINO sa blog na to LALU na kung yun ang talagang ang talagang nararamdaman ko. at yung makakabasa, ang pwede niya lang gawin na hindi ako masasaktan ng sobra-sobra ay sabihin sa akin na mali ako sa nararamdaman ko o kaya pag-isipan ko ulit ang nararamdaman ko o kaya pwede niya rin akong murahin pabalik in retaliation. pero hindi niya pwedeng sabihing hindi ako dapat nagpost ng ganun kasi para niyang sinabing dapat hindi ako makaramdam ng ganun.
pwede ba yun? nabibwisit ka tapos pag sinulat mo nararamdaman mo magkukunwari kang hindi nabibwisit? ano ka hipokrito?
hindi naman ibig sabihin na kapag nagpost kang walang kwenta ang isang tao sinisiraan mo na siya eh. opinyon mo yun eh. respetuhin dapat ng iba. pwede nilang kontrahin pero hinddi nila pwedeng sabihin sa iyo na bawiin.
hindi rin nangiissue ang isang blog entry kung ang layunin mo lang naman talaga nung sinulat mo yun eh maglabas ng saloobin. there is a question of intention. at kung hindi mo alam ang intensiyon nung nagsulat, o kung hindi obvious sa sinulat niya, you should take it as if he or she wrote that to express what he or she feels.
kung ma-blow out of proportion ang isang issue dahil sa isang blog entry, pwes kasalanan yun nung mga nagbasa. kung may sobrang nabwisit at sinabing nakakabwisit ang isang tao sa blog entry tapos naging malaking issue na, malamang yun ay dahil pinagtsismisan yun nung mga nakabasa. yes, the author would have some liability pero masasabi mo bang kasalanan niyang nabwisit siya kaya niya yun nasulat? blogs are like diaries anyway, you can write personal thoughts. kasalanan niya pa bang tsismoso yung mga nagbabasa AT PINALAKI yung issue?
kasi aminin na natin. kapag nagpost ang isang tao tungkol sa isang bagay na kinaiinisan niya, ang usually comment ng mga tao: "tungkol san to??" o kaya "sino to?". o di ba pagiging tsismoso yun? eh kung hindi ka na lang nakekeelam after mo basahin yung post? eh di hindi lalaki yung issue di ba?
at oo, nakakainis naman siguro kung may pipigil sa iyo dahil lang gusto mong sabihin sa isang blog entry na naiirita ka sa isang taong gumugulo ng isang bahagi ng internet life mo. masama bang sabihing nakakairita siya? i don't think so. eh naiirita ako eh. pakelam ng kung sinong magbabasa?
*** kung tinapos mo ang pagbabasa nito. astig ka. ignore this after you read it.
No comments:
Post a Comment