7.17.2009

Angels

We had our first OSCE exam (layman: an exam wherein you get graded at how you examine a patient) yesterday. Ang napunta sakin ay isang batang babaeng ang pangalan ay ANGEL na ayaw sumunod. Putek. Tipong: "Ma'am the patient is conscious, alert... and somewhat unresponsive..." I should have said: "The patient is conscious, alert, irritating and is ignoring me completely."

Nagpanic pa ko at sobrang unsystematic ng ginawa ko. As in tumatalon ako from examining the hair to the arms to the nails kasi ang kulit nung bata. So much for being an ANGEL. Sayang. Tapos, for the first time ever in my entire life, nagkaroon ng disadvantage ang pagiging half-deaf ko dahil nasa left side ko yung consultant at hindi ko alam kung may mga sinasabi siyang hindi ko naririnig at baka nabastos ko pa siya ng hindi ko naman sinasadya. As in. Tapos dahil nagpanic ako, nawala na sa isip ko ang palipatin yung bata sa side ko (na amlamang hindi niya naman ako sundin). Bwisit talaga. Ang ganda pa naman ng consultant ko (Dr. Cubillan ata.. basta letter C yung start ng apelyido niya). Matanda na siya pero alam mong kung babalik siya sa 20's niya ngayon na, magiging crush mo siya. Hahaha. At mabait naman siya. Ngayon, umaasa na lang ako sa kabaitan niya para ipasa ako.

At hindi lang yan ang tragedy ng buhay ko. Yung pesteng written exam sa derma ay hindi ko rin natapos at hanggang number 50 lang ako (mind you, hanggang 100 yun! 100!). buti na lang hindi pinasubmit yung scantron (layman: answer sheet) habang nagkokodachrome exam (layman: exam kung san magpapakita sila ng picture at magiidentify ka) kaya nagawa kong magshotgun ng letter C. hahahaha. At BUTI NA LANG nakita ko na ang numbers 61 - 75 ay tumataginting na true or false kaya A or B lang ang sagot. Haha. Nanghiram talaga ako kay pito ng liquid paper at binura ko ang sampung letter C sa answer sheet ko na kamusta naman automatic mali na pala kasi wala namang option na letter C! haha.

Sana lang talaga, nagwork ang literal na last minute na paghahabol ko sa exam na yun para man lang maka 50 percent. Grabe. Imagine, I survived one of the hardest exams of LU3 which was Neurology last week and now, I DRAMATICALLY FAILED ONE OF THE EASIEST. Ang pathetic ko grabe.

At nalungkot naman ako. Pero sa di inaasahang dahilan, mas nalungkot ako na nagago ko na't lahat yung tatlong exam ko nung umagang yun, as in wala akong ginawang matino, pero ok lang sakin. Yung tipong kung hindi ko nga ata kinuwento sa mga kaklase ko ang tragedy ng buhay ko nung mgaa panahong yun at sinabi kong ok lang yung exam, they would have believed me and I WOULD HAVE BELIEVED myself kasi ok lang talaga ako. Mas masama pa yung naramdaman ko after nung OSCE kesa nung written kahit na mas sayang at mas nagago yung written. As in talagang feel na feel kong wala akong pakeelam at ang mindset ko talaga deep inside ay kaya kong bawiin yun eventually. Nagpakalungkot na lang ako kasi somehow alam kong dapat malungkot ako at may sinayang akong isang bagay at na mahirap bawiin ang Dermatology grade kung Orthopedics ang kasama niya sa isang subject. Somehow, alam kong ang panget talaga nung nangyari pero deep inside, may calming presence lang na parang walang nangyaring masama and everything's going to be fine. Yung ganun.

Pero hindi yan yung cool thing na naganap. Siyempre dahil nga nagpakadepress ako, feel na feel ko namang walang nangyaring maganda nung araw na yun. Sabi ko nga kay God, grabe lang God ah! ang tindi naman nito! In fairness naman sa Kanya, sa mga pagkakataong feeling mo wala Siya at all, pag binalikan mo ulit at tiningnan mo ng mabuti, makikita mo na hindi ka Niya iniwan. Una, sa OSCE, nagpanic at nagkalat ako at para mabawi yun, kahit papano mabait yung consultant na binigay niya sakin. At ngayon, umaasa na lang ako sa kabaitan niya. haha. Pangalawa, yung written exam, kahit hindi ko siya natapos tragically, unlike sa naunang batch, hindi kagad pinasubmit yung scantron namin at nagawa kong makasagot ng ilang items habang nagkokodachrome. Pangatlo, yung kodachrome, dahil kailangan ko ngang balikan yung written, kailangan isang tingin lang dun sa lesions sa skin alam ko na kagad yung sagot. True enough, hindi ako nahirapan magidentify masyado, which was weird kasi alam ko nung nagrereview ako hirap na hirap ako eh (so either mataas ako dun or bagsak ako sa exam na yun. haha.). Imagine, without these three instances eh di sana sure na na bumagsak ako.

Narealize ko naman na oo nga, minsan kahit sa mga pagkakataong sobrang hirap nung pinagdaanan mo at feeling mo talaga wala si God dun para tulungan ka, marerealize mo na amli ka and that, in fact, everything would have been worse if He was not there at all. There are things to be thankful for even during bad times. And these are the real angels, sent by Him, of those moments.

Salamat God. :)

No comments: