7.04.2009

Coke

I am tempted to buy 1.5 liters of coke at the store outside the dorm. Paubos na ang dinalang 1.5 coke ng parents ko kahapon eh. Mind you, si mervyn lang ang taong kasama ko sa bahay at hindi siya umiinom ng coke kaya, oo, ako ang nakaubos. Another bottle would get me 3 liters of coke for just one day, which is bad...

pero kelangan kong magising eh...

Nasa dorm ako ngayon. Studying neurology for an exam on tuesday. Grr. Alam mo, gusto ko talaga mag-neuro eh. Kaso... haha... bahala na. Pero pag wala na kong maisip at kelangan na magdecide, magiimmunology na lang ako, tapos sasali ako sa mga organization laban sa AIDS at iimbento ng gamot. hahahahaha...

Anyway, the exam would have been fine if all this are happening in a condition similar to last year's. sanay na ko sa mga exam na sunod-sunod. I've adapted to imed life already...

pero iba pala ang med life. akala ko pareho lang. haha. i'm currently adapting to the stupid "non-routine-like" schedule we have now, meaning everyday we have different schedules alloted to different subjects discussing different topics everyday! This is sooo different from the routine-like schedule of normal college people.

Add to that the fact that we only have a single one-hour break everyday: 12-1, lunchbreak. Grabe, literal na 8-12 at 1-5 kaming may class! Tapos, madalas plenary pa kami, kung san nakaupo ka lang forever sa isang maliit na upuan na may pangalan mo at halos hindi ka makagalaw. Pathetic...

Dahil dyan, hindi ako makapagcommit ng time sa kahit anong org na gusto kong maging active. At kapag may gagawin akong org-related for the day, super stress dahil kelangan kong matapos at magawa lahat in just one hour. Ang sakit sa ulo...

Tapos, unlike before, I have 122 NEW classmates. Ewan ko. nasestress ako sa fact na andami dami namin. Andaming pangalan, andaming mukha, andaming personalities na kelangan mong pakisamahan... nakakapagod. Yung iba pa ang labo. Hindi mo alam kung galit o naka-poker face. Hindi mo alam kung naoffend mo na ba o hindi ka lang narinig. Ang labo talaga...

Add to that ang dynamics ng bago naming klase na pinalala ng fact na andaming strong personalities samin at andaming gustong pumapel...

Ako lang ba, o parang gusto ng lahat ng tao na magsalita sa mic?? Ako nga ayaw ko ipromote yung CYA event sa tuesday kasi nahihiya talaga ako kaya baka sa monday na lang... pero yung iba parang may obsession sa mic...

ayan wala na kong maisip. babalik na ko sa neuro...

No comments: