6.09.2009

Gusto ko ng DOG TAG eh, bakit ba?

I saw the commercial. I got interested. I read Bikoy's article. I got pissed at how he undermined the capability of the "I" or the individual to make change. I almost signed up. I read though that it can be a political or a commercial ploy to use people. I read how it takes up so much personal information from people. I decided not to sign up. Then, I read an article days after that questions raised against it have been answered.

I still doubted singing up. After all, I personally don't think I still need this campaign to pledge something I have pledged to myself, to God, and to my country way back when I was still grade 5. (and mind you, I have done many things to actualize my pledge. :P) This promise to the countrywas also strengthened by the fact that I have been Iskolar ng Bayan twice, high school and college, ang that the taxes of the Filipino people literally allows me to pursue my studies and have allowances every month. I owe my people. I know that. I doubt what I can do for my country is even enough to repay my debts.

So no. I don't need the campaign. I was happy that something like it exists though. I have always believed that a collective action is impossible yet for Filipinos unless you have started planting in their minds that hey, we have to start being good citizens to effect change in this country. Sabi ko nga nung una: "Buti naman para may kasama na kong naniniwalang may pag-asa pa tayo." Pero nung nabalitaan ko na may issues pa pala kahit ang isang campaign lang na ang layunin na nga ay magbigay ng paq-asa sa mga Filipino, nanghinayang ako. SOBRA.

Sana sinagot na lang kaagad nbg DDB yung issue na sila nga may-ari. At sana hindi talaga magamit ang campaign na to sa sariling kapakanan lang ng iilan. Mahiya naman sana sila.

At nakakalungkot na na hanggang sana na lang tayo palagi. It makes us feel so powerless that all we can do is to say 'sana'.

Kaya nga SANA, kung ano man talaga ang point ng campaign na to, mahiya naman ang mga tao sa likod nito at wag nila gamitin to sa sarili nilang kapakanan. Don't be hypocritical by trying to effect HOPE on people and destroying the same trust where those people can derive their hope from.

At magsisign-up na ko. Di dahil buong puso ako naniniwala (dahil sinira ng mga issue na to at ng kawalan ng kakayahan ng kung sino man nagsimula nito na tanggalin ang lahat ng posibleng security issues na bumabalot dito), kundi dahil gusto ko ng DOG TAG.

--//

for links on the issues and arguments raised against this campaign go here: http://573f4n.multiply.com/journal/item/258/Ako_Mismo?replies_read=2

6.05.2009

June 15. Singing idol: Ben Lopez. Eme reunion. Cesium reunion with promil kid Cy Tamura.

June 15?!? grr. seriously, masaya naman ako na nadagdagan ng isang linggo ang bakasyon. pero alam mo kasi yung mindset na talagang lahat na ng bagay tinapos ko ngayong linggo para talagang mapaghandaan ko yung pasukan tapos lo and behold, hindi ko pala kelangan magpakapagod ng sobra kasi mamomove din ang pasukan?!? grrr.. tsaka hindi ko gusto ang postponement ng mga pasukan lalu pa kasi nagkacrunch time minsan ang profs at schedule mo ang malilintikan pag nagkakataong kinukulang sa oras. kaya no, i am not that happy like everyone else.

besides, for some reason, i'm still not treating the A(H1N1) virus as an alarming thing. hala. kailangan ko na siguro iresearch to.

---///

Naadik yata ako sa Legally Blonde Musical nung August last year (o july ba?) dahil sa Nat Sci 4 group namin. Dapat kasi magmimeeting kami nun ng hanggang 12 midnight kung kailangan para matapos yung mga kailangan for the project. eh nanlibre ako ng ice cream (isang gallon tapos lima kaming kumain. bwahaha.) at junk food. tapos tinamad na kami wala pang one-fourth yung tapos so nanood na lang kami ng musical na nasa Zen ni ricky. bwehehehe.

at ayun, nagustuhan ko naman ng sobra na 2nd sem na ata, kinakanta ko pa rin. hahaha.

ano ngayon? well, nalaman ko kasi nung wed lang na isa sa mga kaklase ko nung 1st year high school (emerald) na sobrang bow down ako sa ganda ng boses, si Ben Lopez, haha, ay nagtrumpets at ang recital nila ay Legally Blonde. Tapos siya si Emette! Waah! Lead role! Naka naman!

Nakakabwisit nga lang siya kasi hindi man lang niya kinalat eh di sana nanood kaming eme. sayang. :(

May videos si cecile sa multiply. pero for contacts lang so, there.

At in fairness, ang galing niya. super. vocal-wise, sasamba ka. haha. nung kinakanta na niya yung chip on my choulder narealize ko na sobrang bagay siya for the role. at ang ganda ng boses niya. (hesitant nga lang ng konti at parang nahihiya pa siya. but his voice makes up for it. lalu na high notes. :P)

---///

I WOULD NEVER AGREE TO HAVE TWO DIFFERENT OVERNIGHTS CONSECUTIVELY AGAIN.

nakaka-drain ng energy. as in. sobrang pagod na pagod ako for some reason. (siguro kasi prior to that din, nagenroll ako ng isang buong araw, tapos nagorientation din ako ng isang buong araw. tapos naghabol din ako ng requirements for almost half a day at sobrang wala akong tulog.)

Emerald had its annual summer gathering, this time sa antipolo resort naman. usual videoke, swimming, food, and cards. tsaka may alcholic drinks na this time! hahaha! natawa nga ako eh! pero konti lang naman. pinagexperimentuhan lang kami ni dani bilang taste-testers ng kanyang concoctions at pinagpractice-an ng pangarap niyang maging barista. haha. and the videoke was great. nakakatawa na kapag si Ben yung kumakanta, naiisip ko na kapag narinig ng kapitbahay, hindi niya iisipin na videoke at aakalain niyang radyo lang. hahaha. ayun. i was relaxed indefinitely after a suuuuper long day. thanks eme.

Cesium din nagreunion para kay anj kasi ngayon lang ulit siya bumalik ng Canada. Ayun. The usual. naglunch tapos nagbowling. hahaha. tapos pumunta kami sa bahay ni Cy Tamura. Tapos kung ano-ano na ginawa namin dun. haha. TV, cards, etc. we also devoured 5 whole pizzas in 5 minutes. haha. masarap ang Viva Lasagna ng Pizza Hut. :) the best yung drinking game nila Tiglao. Hahaha. Nakakatawa silang lahat. Ayun. May swimming din. Nakakatawa yung shit shit na game. nakakalito. :P Salamat Cy!!!

---///

oh ayan na. tapos na ko magrant. :)

Bago mo ko patayin...

hindi ko kasalanan ang flood sa inbox mo. as in. wala akong ginagawang kahit ano. hindi nga bukas yung multiply window sa comp ko eh! :( at hindi ko pa rin alam kung saan galing ang command sa multiply account na to na kuhanin ang lahat ng entries ko sa isa pang blog, for the second time around!!

so, pasensya na. well, as if namang big deal ang pag-flood ng inbox eh hindi naman siya parang email. pero, oh well, pasensya na pa rin.

multiply, sana hindi mo pin\apanindigan ang title mo at hindi mo minumultiply ang posts ko sa blogger dito sa account na to. MAMATAY ka na multiply, kahit software ka!

i officially hate multiply. maybe i should change my site's title to: "Multiply sucks and so do you" or "Multiply should die. Gusto mong sumama?" or "Fuck off Multiply, hindi ako willing na gamitin ka, bandwagon lang talaga" or "I hate multiply, do i need to expound?"

5.11.2009

Why can't I be a prince?

Sabi sakin ni Carla, I can't be a prince. For reasons she said, i believe her. I don't have that prince material in me. Ang malungkot lang dun, kung anu man ang dahilan kung bakit hinahadlangan ako ng mundo para maging isang prinsipe, hindi ko naman kontrolado - hindi ko hawak.

At hindi ba yun na nga ang pinakamalungkot sa lahat? Kung wala kang magawa sa isang bagay na nagpalungkot sa iyo dahil nilimitahan nito ang kung sino ka - o kung ano ang maaari mong gawin.

Lalu pa't pati pala pagsusulat ko, pwede maapektuhan. Pero kasalanan ba ng manunulat kung ang interpretasyon ng mambabasa'y nakadepende sa sumulat nito? Wala ba akong karapatang magkaroon ng sariling opnyon o kaya'y pagmumuni-muni sa mga bagay na hindi pwedeng maging ako - katulad ng pagiging isang prinsipe?

Kasalanan ba ng manunulat kung ang kapasidad pala para maging mas epektibo ang kanyang isinulat ay idinepende ng nagbabasa sa sariling pagkatao ng nagsulat?

Ang unfair naman ata. Just because the world judges you in a way that is not necessarily true, it drives you into a limitation that may not necessarily exist, but affects you still.

Gusto ko maging prinsipe. Sa totoong buhay at sa mga sinusulat ko.