I realized on my way back home that I have to blog about Batch 2013's orientation program for us freshies for a very important reason: Crush ko si Ate Serine! Haha. She's pretty. Actually, the moment she entered the room, I immediately wished she's also a freshie. Then again, it wasn't exactly my lucky day. Ate Serine is, VERY unfortunately, a sophomore (or LU II, whichever you prefer, but I think the latter is more appropriate, hehe.), and is Nico's buddy that SHOULD HAVE BEEN MINE, if only I was able to snatch first Nico's card during the Buddy Selection, which was entitled BUDdychotomous Key, by the way, and is really cool expecially if you remember Bio 1 in Pisay (the greatest moments of my life *daydreams* hehe. Go Ma'am Cardenas!). There. I asked him to switch but he refused. :(
And why the hell am I talking in straight english? "ko" at "si" palang ang tagalog dun ah! Rob, this is your fault. Haha.
Deh. MAraming "bloggable" thing na nangyari kanina. Ang galing kasi gumawa ng Batch 2013 ng activities eh. At ang Pinaka-astig: "The Undercover 2013".
Anung nangyari sa activity na yun? Wala lang naman. All of a sudden, naging 41 lang naman ang intarmed students. Tapos niloko nila kami sa pamamagitan ng pagpapatake sa amin ng quiz na, ayon sa kanilang panlilinlang, ay magiging basehan kung sino ang maaaccelerate sa amin papuntang 2013. In short, kung sino ang highest, second year na kaagad. Siyempre nagulat naman kami, at oo, naloko ako kaya hindi ako magkaintindihan kung ipapasa ko ba yung exam o ibabagsak ko. Pero siyempre feeling ako eh. Mahirap pala ng sobra yung exam (tapos inisip ko pa na mapeperfect ko. haha.), kaya bagsak talaga ako. Pero pagkatapos namin kumain ng lunch, inaannounce na lang nila na merong dalawa sa amin ang nagpapangap lang na isang taga-batch 2014 at, sa lubos na katotohanan, ay talagang kabilang sa batch 2013 at pinaglololoko lang kami all the time na ka-batch namin sila. Naks. Siyempre lahat kami nagulantang. Kaya naman pala may ma-aaccelerate eh, kasi may mga taga-batch 2013 naman pala talaga samin. Bwiset. Tapos yun pinahulaan nila at makaraan ang ilang sandali, nagladlad na ng tunay na pagkatao ang mga mapagpanggap.
Haha. In fairness, yung isa dun sa mga nagpapanggap, si Kuya Kim, nung nasa may lecture hall kami ng BSLR-E, akala ko din originally med proper na siya. haha. Pero hindi ko siya sinulat dahil naniwala ako na isa siya sa makakasabay kong magtapos sa Dalubhasaan ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas pagdating ng taong dalawang libo at labing-apat. Hindi pala. haha.
Ayun. At SOBRANG astig nung trailer thing na pinakita nila samin. WOW. kamusta naman ang P90 na budget na ang layo ng narating. haha.
Tsaka mabait silang lahat. :)
Pero pinagod nila kami sa pamamagitan ng isang walang hiyang amazing race sa may UP Manila Campus. Katulad ng sinabi ko, wala kaming campus grounds at kalat-kalat ang building. Mantakin mo ba namang ang first station namin ay nasa Padre Faura at kasalukuyan kami noong nasa Pedro Gil. Waw. Ang LAYO. Pero wala eh. Magaling kami. Third Place. Haha. Best na yun ah! :P
At may tradition na dapat may cheer ang bawat batch:
Batch 2010: "Basta 2010, Bigatin!" (wowowee!)
at ang BAtch 2013: "Dos Mil Trese, Lahat Posible! (Globe. Haha.)
May sponsors yung batches! Hehe.
Overall, this has been the best Orientation Program I've attended. Astig ang 2013!
EDIT: ang daming beses ko nang naedit ang entry na to! ang dami ko kasing mali sa grammar. anu ba yan. hehe. may mali pa ba?
No comments:
Post a Comment