haha. natuwa kasi ako ng sobra sa speech ng chancellor ng UP Manila dahil SOBRANG kinontra niya ang UP Diliman for some reason. haha. And here are the reasons he gave why UP Manila is the BEST UP Campus ever. (well, that is kung hindi ka taga-UP Diliman kasi kung diliman ka, imposibleng tanggapin mo ng buong puso ang huling statement na sinabi ko. hahaha.)
1. UP Diliman may be the flagship campus of the premier university in the Philippines, but UP Manila is the cradle (a.k.a. birthplace) of the UP System.
2. Real life is not very much mirrored by the looks of the UP Diliman Campus, as they often say. With all those trees and well-groomed grasses that complete a scenario of a huge garden, their campus is far from real life in the Philippines. Eh sa Manila: Paglabas mo pa lang ng building, may makakasalubong ka nang batang sumisinghot ng rugby! Tapos lakad ka lang ng konti, sandamukal na ang bangketa sellers! YUN ang real life! haha.
3. Kilala ang Diliman sa mga rally na palaging nagaganap sa loob ng campus nito. PEro di mo ba naisip, ang boring mag-rally sa Diliman. Ang audience mo mga puno. Eh pag sa Manila ka nag-rally, laging may advantage dahil ang audience mo ang DOJ at ang Supreme Court!
4. Ang rejection rate ng buong UP System ay 87%. Ang rejection rate ng Diliman Campus ay 92%. Pero ang Manila Campus, mas metikoloso, dahil ang rejection rate nito ay 95%!
5. Last but not least, walang panama ang Shopping Center ng Diliman sa Robinson's Place ng Manila!
Haha. Pero di nga. People should start realizing that UP Diliman is not higher than UP Manila or any other campuses. Mas mataas pa nga ang cut-off sa Manila kesa sa Diliman eh. Main Campus lang talaga ang Diliman at mas marami siyang course na maooffer. Pero hindi porke't nasa Manila ka, ibig sabihin mas magaling lahat ng nasa Diliman sayo. Mali yun. Andami kasing course sa Manila na wala sa Diliman. Medicine pa lang eh. Tapos Nursing. At marami pang iba. At good luck na lang kung meron ding fisheries ng UP Visayas ang Diliman.
So kung anuman ang pinakamagaling na campus, depende na yun sa yo at kung saan ka naka-enroll.
Pero enough about the campuses. Wala naman talagang war between them. Haha. Natawa lang talaga kaming lahat dun sa speech nung chancellor dahil talagang pinamukha niya sa min na hindi kami nagkamali ng pinuntahan. :)
3 comments:
I find this funny. Pero yung number 2, mali yun. Kasi sa loob mismo ng UPD may mga rugby boys. Malapit sa squatter's area. At may bangketa selelrs sa loob ng Diliman campus. Yun nga lang member sila ng association.
Would it be okay if I copied this and linked back to your blog? I find the points very amusing. XD
to anonymous: i won't mind. :)
although feeling ko maaaway na naman ako ng mga diliman. no offense ah. galing to sa chancellor namin! siya sisihin niyo! lol.
Post a Comment