6.08.2007

I knew it was her.

And up to this day, she's the only one that can make me freeze in an instant and make my heartbeat go ten times faster.

Nanginginig ako literally. as in. at pagkakitang pagkakita ko sa kanya na nakaupo sa front lobby ng pisay, lumiko ako kaagad at dumiretso dun sa transparent na salamin na nagsisilbing dingding na naghihiwalay sa front lobby at cashier para lang, guess what, magsalamin. at nung nagsasalamin na ako, narealize ko na para akong babae na nagiging self-conscious bigla kapag nakakita sa crush nila at, oo, nahiya talaga ako at ganun ang naging reaksyon ko. kaya, naglakad na lang ako pabalik kung saan siya nakaupo para kausapin ko na lang siya. pero nung malapit na ko sa bench na inuupuan niya, hindi ako tumigil at sa halip, naglakad pa ako at umupo sa isang bench na malayo dun sa inuupuan niya. nagtetext siya nun kaya hindi niya ako napapansin. pero shet, ako nanginginig na ako sa kaba sa dahilang hindi ko mawari at hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. magpapakilala ba ko o hindi na lang? naisip ko baka pag nilapitan ko siya tapos kinausap ko siya tapos hindi pala siya yun at kamukha niya lang, nakakahiya. yung tipong:

"hi. diba classmates tayo dati?"
"ha? hindi kita kilala."
"ah, ok. sori."

baka akalain niya pick-up line lang iyon. tapos naisip ko pano kung siya nga yun, edi eto na yung pagkakataon na makausap ko siya ulit after what seemed like an eternity of not hearing any news about her. pero kung ano pa man ang naiisip ko nung mga sandaling yun, wala akong sinunod na kahit ano sa mga yun at nanatili lang ako sa upuan at patuloy na nanginginig. as in. tapos ang lakas ng tibok ng puso ko. parang all of a sudden, naging hayok sa dugo yung katawan ko na pinipilit nilang magpump ng sobra yung puso ko. hindi na talaga ako magkaintindihan nun. ano ba kasing ginagawa niya sa pisay? it's actually the last place i'd expect to see her. buti na lang dumating si ***** at ****. and ***** saved me from the extreme uneasiness I was feeling during those times dahil dinala niya ako sa gym. and for what seemed like half an hour. i was back to my old self.

pero yun kasi ang epekto niya sakin eh. ever since i was a kid, everytime i'd see her, the next few hours would be filled with thoughts ABOUT her and nothing else. ewan ko ba, closed book na kami pero hanggang ngayon ganun pa rin.

after a while nagpumilit na rin akong bumalik kami sa front lob. at nung nandun na kami, i wasn't directly looking at her - only at the edge of my eyesight but i knew she was looking at me too. ilang beses ko siyang nahuling nakatingin pero hindi pa rin ako nagrereact kahit naguusap at nakaupo kami ni kariz sa isang bench na two benches away lang mula sa inuupuan niya. i was trying to pretend not to notice. pero sa loob ko, i was so happy. REALLY happy. kasi naalala niya pa ako. kahit yung kung ano lang ang itsura ko.

pero hinihiling ko na rin nung mga panahon na yun na dumating na yung tatay ko. kasi naman, as usual, TWO hours late na siya. at hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag dumating yung point na hindi na ako makapagkunwari na hindi ko siya napapansin.

then ****** came, and guess what, nag-hi sila sa isa't-isa. so that confirms the fact na siya nga yun. tapos, eto namang sira-ulong ******, tinawag ako at pinagalitan dahil hindi daw ako namamansin samantalang kanina pa nakupo dun yung dati naming classmate. hindi ko na alam nun kung ano yung sinabi ko. basta nagpalusot ako. at deep inside, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagbatch shirt lang ako ngayong araw na to at hindi ako nagsuot ng mas magandang polo o kung anu man. tsaka bakit hindi ko sinunod ang first instinct ko na magsuklay at mag-gel. mukha tuloy akong tanga.

at hindi lang yun, ang walang hiyang ****** ay nilabas pa ang camera niya at nagrequest ng picture. siguro kung nakaloud speakers ang heartbeat ng isang tao, nabroadcast na sa buong pisay ang lakas ng tibok ng puso ko nung mga panahon na iyon. hindi naman ako makahindi dahil nakakahiya. at hindi man halata, gusto ko nang kainin ng lupa noong mga panahong iyon habang kinakausap ko namin siya ni ******.

turns out nakapasa pala yung kapatid niya sa pisay. in short, batch 2011 yung kapatid niya. at sinusundo nila ng mom niya. badtrip. now i have another reason why i want to be a pisay student again.

NAKAKAINIS siya kasi siya lang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito. siya lang ang tanging tao na makakapaginspire sakin na sumulat ng mga love story at ang tanging tao na pwedeng maging dahilan para sumulat ako ng ganitong tipo ng blog entry kahit sobrang labag sakin ang gawin ang mga bagay na yun (di ba Cheska?) kasi nga gusto ko morbid. at siya lang ang may kapangyarihang iparamdam sakin ang ganung tipo ng extreme uneasiness.

it's not really the romantic feeling in any way na katulad nung mga scenes sa mga sucky teenage romantic TV series. at least, siguro naman hindi na ko in-love sa kanya. nagulat at nahihiya lang talaga ako. siguro parang remnants lang ng isang first love ng isang tao. hindi yung first girlfriend ah. yung tipong first cupid-strikes-you-with-an-arrow-and-falls-head-over-heels-with-a-person-accepting-everything-about-her-and-loving-her-no-matter-what kind of love. siguro kaya first love never dies. dahil may mga ganitong remnants na nananatili sa isang tao. kung sa bagay, siya ang unang taong (at tanging tao so far, by the way), without actually doing or saying anything at all, na nakapagparealize sa kin nung bata pa ako na: "hala, kelangan maligo na ko araw-araw para pag nagkakilala na kami, hindi siya mahihirapan na makasama ako kasi ang baho ko."

see, I knew it was her the moment na nakita ko siyang nakupo dun sa front lobby. how could i forget? at, in fairness, after so many years, she's still the most beautiful girl I've ever seen.

I may never have this kind of (a VERY unexpected) chance to see you again but I still wanna say, I'm sorry.