6.08.2007

Blame Sir Args

Sabi ko kasi kay Sir Args: "Sir Args! Nagscience course ako!" Kasi kapag nagdidirect ako ng mga presentations ng electron, lagi niya akong sinasabihan na hindi daw ako magsa-science course at mag te-theater daw ako. Kaya kanina, nung bumalik ako sa pisay, proud naman akong pinagmalaki na mas pinili ko ang larangan ng agham kesa sa sining.

pero hindi eh. Sir Args never fail to hit me back. Sabi ba naman niya:

"Intamed ka di ba? Okay lang. Matagal pa (panahon mo para marealize)."

wah. nakakaiyak. At sa totoo lang, mas natatakot na kong pasukin ang intarmed. Natatakot akong baka sa gitna ng seven years, titigil na lang ako bigla at magku-quit. Ayoko kasi ng may sinisimulan na hindi tinatapos. Kaya nga hindi ako sumuko sa Pisay noon eh.

Pero ngayon, nalilito na ulit ako. Si Sir Args kasi eh. Tsaka napagtanto ko na, kahit ngayon, excited na ko magstart ang pasukan di dahil sa classmates o kahit sa mga pag-aaralan namin. Excited na ko kasi merong mga play at contests ang med within the year. Katulad ng TRP, Mediscene, atbp. At excited na ko makapagdirect o kahit makapagrelay man lang ng mga ideya sa teatro. Kamusta naman yun.