Namimiss ko na yung ryan na nagbabasa. Yung pipilliin ang libro at kaalaman kaysa manood ng TV o kaya mag-internet.
Namimiss ko na yung ryan na puno ng curiosity. Yung uhaw pa sa kaalaman at gustong-gusto matuto.
Namimiss ko na yung ryan na optimistic. Yung alam niya na kahit ano pa mangyari, magiging maganda ang kakalabasan.
Namimiss ko na yung ryan na nagpapahinga pero hindi napapagod at tumitigil. Yung hindi pa marunong sumuko sa pag-abot ng pinakamataas na kaya niya.
Namimiss ko na yung ryan na hindi nakukuntento sa kung nasaan siya ngayon. Yung gumagawa ng paraan para mas makatalon ng mataas.
Namimiss ko na yung ryan na laging nakangiti. Yung hindi marunong malungkot kasi alam niya may bukas pa para bawiin ang lahat.
Namimiss ko na yung ryan na hindi kailangan ng kapal ng mukha para humingi ng tulong kasi alam niya na karapat-dapat pa siya – na hindi pa siya nakakahiya.
Namimiss ko na yung dating ako.
Sabi nila organisms survive because they change. Pero hindi pala dahil lang nakalampas ka sa mga isinambulat na pagsubok sa buhay mo, lahat na ng naging pagbabago sa iyo mabuti.
2.21.2008
Kaya mo bang sumalungat?
“Biology is destiny” daw.
Pero kung iisipin mo, hindi mo maaaring isigaw ang mga katagang iyan sa isang grupo ng mga tao saan man sa mundo, o kahit dito lang sa Pilipinas. Marami kasi ang hindi sasang-ayon. Marami ang magtataas ng kilay. May mga aayon, oo, at may ilan ding itatanong muna sa iyo kung ano ba ang Biology. Pero ang sigurado ko, may kahit isa lang na magagalit.
Pangungunahan na iyan marahil ng pederasyon ng mga bakla. Tiyak na tataas ang kanilang mga kilay, titilian ka gamit ang rurok ng kanilang vocal chords, at sasabihing isa kang malaking antipatika. Kung mayroon kasing mga taong nagsisilbing isang malaking halimbawa ng mga taong sumasalungat sa idinidikta ng kalikasan – ng biyolohiya – sila na yun panigurado. Para sa kanila, kung idinikta ng kalikasan na dapat ang bagay na lumalawit sa gitna ng kanilang mga binti ay para lang makapagparami ng lahi, pwes salungat sa kalikasan ang kanilang puso at damdamin. Kung sabagay, kung tama si Darwin, kalikasan na mismo ang nagbigay sa tao ng kapangyarihang mag-isip at ibahin ang kalikasang kanyang kinabibilangan. Kung ipinanganak silang lalaki, sino ka para pigiliin siyang maging bakla? Para sa kanila biology is not destiny. Lalu pa’t pinili nilang hindi makulong sa idinidikta nito.
Ang susunod na sisigaw sa iyong mga tenga ng nakaririnding pagtutol, marahil, ay ang mga estudyante, lalu na yung kinamumuhian ang asignaturang ipinipresenta mo bilang dapat ay tadhana ng isang tao. At sa ilang bahagi ng mga taon kung saan nagiging marahas ang ilang propesor dahil gusto nilang ipasaulo ang lima sa pinakamahahabang organ systems mula sa mga kabilang sa phylum Porifera hanggang sa tao, sasali rin sa mga sisigaw sa tenga mo ang ilang estudyante ng Intarmed.
At kung tutuusin, tatakas din ang isang malakas ngunit walang tunog na pagtutol mula sa puso ng ilang estudyante sa mga science high school. Kasama na rin marahil yung iba na sinasabing mas mahusay ang left hemisphere ng utak nila di hamak kaysa sa right hemisphere. Sila yung mga nakukulong sa persepsyon ng iba na dapat ang mga katulad nilang matatalino sa agham, ang maging tadhana habambuhay ay maging bahagi ng kung anumang larangan sa agham. Dahil kung hindi, sayang naman. Sila yung mga gustong kumawala sa idinikta ng kalikasan na, oo nga matalino sila, pero ang puso nila – ang bagay na natutuwa silang gawin – ay nasa larangang ibang-iba at hindi saklaw ng kung anumang kayang gawin ng left hemisphere ng utak nila. Paano kung mas mahal nila ang kanang bahagi ng kanilang utak? Di ba’t karapatan nilang tumaliwas?
Ang pagsigaw mo ring iyon, marahil, ay maka-aabot sa korte. Kakasuhan ka kasi nina Vicki Belo, Manny Calayan, at iba pang mga taong ang sinasabi sa iba’y kaya nilang palitan ang ibinigay ng kalikasan sa kanila. Maitim ka dahil sa dami ng melanin na nilalabas ng iyong melanocytes? Pango ang iyong ilong ayon sa mga genes na ipinasa sa iyo ng iyong mga magulang? Halos pumutok na ang iyong katawan sa taglay nitong taba dahil sa kasipagan ng iyong adipose cells na mag-ipon ng taba? Pwes kaya mong baliktarin ang mga iyan. Basta’t may pera ka na’y kaya mo nang baliktarin ang mga idinidikta ng kalikasan bilang iyong pisikal na kaanyuan. Kaya mo nang baguhin, kahit sandali lang, ang dapat sana’y tinadhana mong hitsura.
At marahil, isa rin ako sa mga tututol. Isa rin ako sa mga hahamon sa iba na tumutol sa isinigaw mo. Kung tama kasi si Darwin, at sa mga susunod pang taon ay hindi na siya sasalungatin ng mga bagong kaalamang maaring pumaibabaw at matuklasan, pwes nararapat ngang tumutol ang bawat tao dito sa mundo sa mga katagang ikinukulong tayo sa idinikta ng kalikasan. Kung tama si Darwin, pwes ayon sa biyolohiya, ang isang hayup ay mabubuhay para sa sarili niyang kaligtasan. Ang hayop mabubuhay kung gagawin nito ang lahat para sa sariling kapakanan. Survival of the fittest nga di ba. Ang isa para lang sa sarili niya dahil kailangan niyang maungusan ang iba nang sa gayon magpatuloy ang lahi niya. Kung tama si Darwin, hayup din tayong mga tao at nananatili ang konsepto ng natural selection kahit hanggang sa atin. Pero ako kasi, naniniwalang hindi tadhana ang biyolohiya dahil para sa akin ang buhay ng tao ay nakalaan para sa buhay ng iba. Nabubuhay ang tao para maging bahagi ng buhay ng iba. Binuhay ang tao para tulungangang payabungin ang buhay ng iba.
Idikta man ng kalikasan na tanging ang nagiisip para sa sarili lamang ang mabubuhay, ang pagsalungat marahil, ang pagsilbi sa iba at pag-alay ng sarili sa iba, ang makapagbibigay ng isang buhay na walang kapantay sa isang tao.
At dun magsisimula ang hamon. Hamon na sumalungat sa kung ano ang idinidikta ng kalikasan. Kasi kung gusto mo ang pagsalungat, kung isa ka sa mga taong rebelde o kaya paborito mo lang talagang sumalungat sa mga batas na itinatakda ng mundo at kahit ng kalikasan sa tao, ang mismong kalikasan sa ganitong pananaw ang pinakamasarap salungatin dahil sa buhay na kaya nitong ibigay sa iyo.
Dahil kung tao ka, kaya mong pumili. Kung tao ka, hindi ka magpapakasasa sa sarili mo dahil kung tama si Darwin, ang mga Homo sapiens sapiens lang ang may ganoong pananaw sa buhay.
Ang tao kasi iba. Marunong sumalungat.

1.13.2008
On doctors stripping on stage, Activated Charcoals, and the dullness of my blog
Intro lang na walang connection:
Tinanong ng kaklase ko sa Imed sa teacher namin sa Chem 14 (si Sir Engle) dati kung bakit kailangan pa naming i-convert sa nanometers ang wavelength ng light at bakit hindi na lang meters. Ang sagot niya:
"Ganito lang yan class eh. Kapag hindi natin kinonvert, parang kang tinanong kung anong waistline mo tapos sumagot ka naman in kilometers."
hahaha. wala lang. isipin mo na lang:
"Miss, anong waistline mo?"
"0.00000078 kilometers."
hahahaha. parang kahit puro decimal place, malaki pa rin. lol.
--//--
College of Med recently had its anual "Tao Rin Pala" variety show. And Imed2014 had its first exposure to it din. Tao rin pala yung title asi gusto rin nlang patnayan na tao rin ang med students, nagvavariety show din kami. hahaha.
in fairness, the upperclassmen were REALLY good. As in todo performance. nakakabilib.
at siyempre di nagpatalo ang mga doctors sa PGH, part pa rin naman kasi sila ng College eh. at ibang klase pala magperform ang mga taga-dept. of surgery. haha. wala silang ginawa sa stage kundi nagtanggal ng polo at pants. yun lang. haha. imagine naked doctors undulating in the stage. haha. parang hindi tuloy kami makapaniwala na sila rin yng mga nagooperate sa mga tao sa OR! lol.
--//--
Alam mo ba na mabisang adsorbent ang activated charcoal para sa food coloring? haha. di naman masyadong obvious na gumagawa ako ng lab rep sa chem. pero di nga. kung may food coloring yung juice mo or something tapos ayaw mo nung kulay, lagyan mo ng activated charcoal tapos i-filter mo. tada!
di ko nga lang sure kung pwede pang inumin. :)
--//--
my blog is struggling for new posts nowadays. sorry ah. sobrang busy kasi eh. at malamang sa mga susunod na linggo ganun pa rin. bakit pa kasi kailangang mag-college eh! haha.
pasensya blog. till next time. :)

The Three Metors/Earth-destroyers
I had a REALLY disturbing dream last night. Most of the time, I don't remember my dreams, no matter how good they were. But, see, this one's different because it struck me at the right place.
The story starts with me enjoying a carnival/fair/whatever-basta-may-mga-booths with friends ata. For some reason, I went outside and looked at the sky. I saw the moon, or what I thought was the moon. After like 20 seconds, it startled me that the moon was REALLY big. I told someone (can't remember who) about my startling observation. He ignored me because he too made another discovery: apparently, something bigger than my REALLY BIG moon can also be seen at the other direction. And guess what, a smaller version of that thing that looks like Jupiter up close which my friend discovered can also be seen beside it. Startled that there is no apparent hiatus about the three gigantic objects in the sky, we ran back to the fair to tell everyone.
And then all of a sudden I was in my house, watching news reports. After some showbiz news, which startled me at how three objects at the sky were not urgent enough to dismiss talking about showbiz personalities, a news report indicated that the three gigantic objects were in fact, REALLY big meteors crashing to Earth in a matter of minutes. The metors, apparently were not detected by NASA and they just, uhm, suddenly appeared. Amazing.
The rest, I forgot. I remember that two of the meteors crashed on Earth though and I was still alive. But when the third one crashed, there was just light. And the dream ended.
But see, the reason I was able to remember it was because all throughout the dream there was a feeling of extreme fear and regret. But I didn't regret that I would leave the Earth already. I did not fear that the death would hurt.
All I felt was regret that I was not able to confess that much often to help cleanse my sins, that I was such a sinner the other day, that I was not responsible enough to read my Bible, etc. I feared that I was just unworthy to die yet. I knew I wasn't prepared and that the three meteors really came in such a bad timing. I feared not being able to see Him because I deserve not to.
I woke up really scared. Oh yes, I REALLY felt relieved that it was just a dream because I knew I wasn't a good son.
I never knew that that was how it felt like to be so unprepared.
--//--
the gospel today pertained to Jesus' baptism. wala lang. and the priest in our parish elaborated on how important this sacrament is. he also elaborated on what Catholic really means.
wala lang. matagal ko na rin kasing alam na ang ibig sabihin talaga ng "Catholic" ay "universal". so anyone is Catholic. at ngayon ko lang napagtanto na ang stupid ng pagtawag sa hindi Roman Catholics ng "Non-catholic" kasi imposible naman yun eh. universal nga tapos may hindi kasali, ang kulit ah! haha.