9.17.2004

Nilalang mula sa kailalim-laliman ng lupa

Hindi mo naiintindihan,
Dahil ayaw mong intindihin.

Sinisisi kita sa lahat-lahat ng nararamdaman kong kalungkutan ngayon.
Sinisisi kita kung bakit gusto kong maiyak ngayong mga panahong ito.
Sinisisi kita kung bakit hindi ako makaharap sa salamin ng hindi nakakahanap ng mali sa sarili kong pagkatao.
Sinisisi kita kung bakit hindi ako makuntento sa kung ano ako.
Sinisisi kita kung bakit gusto ko nang tumalon sa isang mataas na gusali nayong mga panahong ito.
Sinisisi kita ng buong galit
Punong-puno ng galit.

Kinamumuhian kita.
Kinamumuhian ko ang lahat ng nagawa mo sa akin masama man ito o mabuti.
Kinamumuhian kong nakilala kita.
Kinamumuhian kita dahil sa pagtanggal mo ng aking dangal.
Kinamumuhian kita.
Walang bahid na hesitasyon.
Namumuhi ako sa iyo.

Hindi ko naririnig?
Hindi mo ipinaparinig?
Punyales!
Pinipigilan ko na ang sarili ko na marinig ito!
Ayoko na!
Sawa na ako.
Paulit-ulit mong sinasabi iyan tungkol sa akin at nasanay na ako.
Ngunit sa bawat pagkakataon pa rin ay lumuluha ako.
Lumuluha dahil nabawasan na naman ang aking dangal.
Lumuluha dahil natapiyasan na naman ang aking kumpiyansa sa sarili.
Lumuluha dahil muling dumugo ang aking pagkatao.
Dahil sa iyo.

Hindi mo alam kung ano ang nagagawa ng mga iyon sa akin.
Wala kang alam!
Animo’y pati pakiramdam ay wala ka rin!
Wala ka ng kahit anu!
Isa ka lamang manhid na mang-mang!
Walang pakeelam sa kung ano ang iba at kung paano ang iba.
Wala kang pakeelam.
Dahil isa kang demonyo.

Respeto?
Punyales…
Anong karapatan mong humingi ng respeto?
Ikaw mismo ang nagtatanggal nito sa iba.
Hindi ka karapat-dapat respetuhin.
Tama sila.
Isa kang suwail.
Tampalasan.
Maka-mundo.
Maka-sarili.
Manahid.
Demonyo.

Kaya tama ang ginagawa kong hindi pagtanggap sayo sa mundo ko.
Hindi kita kailangan.
Hindi kita kailanman kinailangan.
Sino ka ba?

No comments: