9.10.2004

frowning is a crime.

Lagi akong nakangiti.

Tipong kapag dinescribe mo sa isang tao na may nakita kang lalaking dumaan na nakangiti, sasabihin nila ako yun. Distinct characteristic ko na ata yun. Besides, hindi ko rin naman mapigilin. Parang ginlue na sa mukha ko ang isang smiley face. Hindi ko nga kayang malungkot ng sobra kapag depressed na ako eh. Somehow, my mind finds a reason for me to smile.

Hindi naman masama. Ayos lang sa akin ang laging nakangiti. Nakakahawa din kasi sa ibang tao yung ganun. Pag ngumingiti ka, napapangiti mo rin sila. And since gusto ko rin na masaya ang mga tao sa paligid ko, ngumingiti ako. Para mahawa sila.

Pero nakakaasar naman ata kung ikaw ngumingiti kahit gaano kabigat yung problema mo tapos yung iba pinupuri na nga sumisimangot pa. What's wrong with being praised? Parang nakakaasar naman ata kasi kung pinupuri ka na nga, galit ka pa. It's like your not appreciating what you have. Parang nakakagago ka naman ata nun.

Kaya pag nakakakita ako ng nakasimangot, gusto ko silang sigawan. Wala na silang karapatang sumimangot. Ako nga tumatawa kahit sobrang lungkot eh. Tapos sila na napapasakanya na ang lahat-lahat, sisimangot pa. I don't know if he wants more or something is just wrong. Kasi kung ako siya, I can die now for I have it all.

Frowning is a crime. Gusto mo ng reason para tumawa? Harap sa salamin. Igalaw mo ang kahit anong parte ng katawan mo at yun na.
Buhay ka.
Humihinga.
Tumatawa.
Pwedeng gawin ang kahit ano.
At may kakayahang maging masaya.

No comments: