9.13.2004

Ouch...

Pakiramdam ako isa akong pagong.
Isang pagong na nagpursiging umakyat sa isang pader at, sa hindi sinasadyang pagkakamali ay bumitaw.
At dahil sa taas na ng naakyat ko sa mahabang oras na ginugol ko,
malayo rin ang kinabagsakan ko.
Masakit.
Tama sila.
"The higher you go up, the farther you will fall."
at
"The farther you fall, the harder it is to accept."
Kaya ouch.
Kasi kalalaglag ko lang mula sa isang napakataas na lugar.
Ang hirap pala.
Pero alam ko na karapat-dapat naman para sa akin.
Kasalanan ko naman talaga.
Ang masakit dun, halos wala na yata akong mukhang maihaharap sa mga kaklase ko bukas.
Para sakin kasi madali lang lunukin.
Lalu na dahil alam ko na deserving akong malaglag.
Pero ang hindi ko matanggap,
yung pagka-disappoint nila.
kahit paano rin pala, umasa na sila na mananatili ako sa tuktok.
ang sakit kasi nung pakiramdam na kapag tinanong nila ako:
"ryan, dl ka?"
hindi ako makasagot.
Hindi ko naman pedeng isagot na 'oo' dahil pagsisinungaling yun.
At hindi ko naman masabing 'hindi' dahil alam kong madidisappoint sila.
Kung pede lang na masabi kong 'maybe' gagawin ko.
ang kaso hindi.
kaya i'm stuck answering 'no' to the stupid question and recieving a:
"Ganoon?! (with matching sobrang disappointed na hitsura)"
for a comment.
Nakakahiya.
Nakakahiya ako.
Yun.
At hindi ko alam kung paano itatago.

Gusto kong maiyak.
Pero may boses na bumubulong sa akin na sinasabing:
"Bakit ka iiyak? Ang kapal mo naman! Kasalanan mo naman di ba?! Alam mo naman na di ka nag-aral, kaya wala kang karapatang iyakan ang nangyari sayo dahil deserve mo yan! Buti nga!"
Nakakaasar siya.
Kung hindi lang yan nakatira sa loob ng utak ko,
nabaril ko na yan.


Anyway, baka eto na ang huli kong blog sa susunod na tatlong buwan.
Ako na mismo ang magbaban sa sarili ko sa computer.
Para wala nang disturbances.
Magfofocus muna ako.

Para sa susunod, hindi na ouch ang nakalagay na title.

Sa susunod, hopefully, 'YEHEY!!' na yan.

No comments: