9.10.2004

Identity Crisis

Nakakatamad magsulat ng blogs.
Para kasing ang dami kong gustong isulat pero hindi ko magawa.
Ang hirap na kasi para sa akin ngayon ang ihayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng prose writing.
Asar.
Parang bigla na lang naging sobrang complex ng buhay ko na kahit ako hindi na makahabol.
Katulad ngayon.
I'm typing (this is a guess) 100 words per minute tapos bigla ko na lang ihihighlight at sabay delete.
Nakakainis dahil parang bawat isulat ko walang sense.
Nakakainis dahil sinusubukan ko nang intindihan ang kung paano mabuhay pero lalu lang akong naguguluhan.
Kung dati isip ako nang isip tungkol sa kung sino ba ako,
ngayon ayaw magisip ng utak ko.
Gusto ko na rin naman kasing malaman.
Sabi nga nila: "Character is Destiny"
Paano kung wala kang character?
E di wala kang destiny?
O di ba ang labo?!
Kaya nga kahit gusto ko nang magcollapse,
sinusubukan ko pa rin.
Pero ang hirap talaga.
Kung di mo kasi kilala ang sarili mo,
malabu-labo na ring magawa mo pa talagang makilala ito.
Kasi kahit ang definition ko ng identity ang labo eh.
Kung dun pa lang malabo na,
paano ko pa hahanapin yun?
Eh di mo nga alam kung ano yung hinahanap mo,
tapos hahanapin mo pa siya para makamit ang isang bagay na hindi mo nga alam kung anu?
Kung di mo ko naiintindihan,
wala kang identity crisis.
Buti ka pa.
Kung ako sayo ngingiti na ako.
I-appreciate mo yan.
Pinadali ng Diyos ang buhay mo.

No comments: