hehe...
butterflies.
The term used by my ever-faithful friend to describe his loved one.
Actually, astig siya.
Medyo bagay.
Kung tutuusin, butterflies represent beauty.
Parang yung minamahal mo (kung mahal mo nga talaga), para sayo siya na ang pinakamaganda sa lahat.
Naastigan nga ako nung ginamit niya 'to eh.
Ang kaso, heart-broken siya.
Bakit parang lahat ng tao may heart matters ngayong mga panahong 'to?
Nakakatawa.
Kasi believe it or not, I've been through it.
At hindi siya parang yung sinasabi sa movies na sobrang saya mo kapag may minamahal ka at may nagmamahal sayo.
Kasi ganun din ako.
I was madly in-love. (since grade 2 pa nga ata yun eh... hehe... *wink*)
Pero siyempre hindi naman ako gago.
Kaya nung grade 6 ko lang niligawan.
Crush din ata ako (hehe... ang kapal... *wink*) kaya napasagot ko.
Naging kami.
8 straight months.
At hanggang ngayon guilty pa rin ako.
Dahil sinayang ko.
Having a relationship means more responsibilities.
Oo masaya ka.
Masaya ka dahil mahal mo yung kasama mo.
Masaya ka dahil nandyan siya sa tabi mo.
Pero alam mo ba kung gaano kahirap ang magmahal?
Alam mo ba na dapat ay handa ka sa kung ano man ang pwedeng mangyari?
Kasi, kung nagmamahal ka lang ng hindi nag-iisip,
baka isang araw, maka-recieve ka din ng text na ganito:
"ryan... gusto mo bang makipagbreak?"
O cge nga.
Paano mo rereplyan ang message na yan?
Tama.
Mahirap.
Alam ko.
Dahil isang oras ang kinailangan para makapagreply ako dyan.
Kaya bago mo problemahin ang pagmamahal, isipin mo muna:
"Handa ka ba?"
Tama si pito.
Hindi pa natin kelangan ng "love" ngayon.
Kasi kahit hanggang ngayon, nagtatanong pa tayo tungkol sa tunay na kulay ng mundong kinabibilangan natin.
At ang isang bagay na tulad ng pag-ibig ay masyado pang komplikado para sa atin.
Yung mga matatanda nga nagiging tanga sa pag-ibig,
tayo pa kaya?
Eh nagsisimula pa lang tayong mamulat sa tunay na mundo.
No comments:
Post a Comment