7.19.2008

Kung bakit isa akong malaking gago

*this entry was written two weeks ago ata. late post pa rin. pardon the profanity. i just don't believe that these words should be condemned for use even for literary purposes because i stand by my belief that filipino profane words remain to have much much much impact whenever they are used compared to english profane words. I just think the emotions would be incomplete without them.

Isa akong malaking gago na karapat-dapat ding murahin ng paulit-ulit pa.

Alam mo yung pakiramdam na alam mong dapat yung nakikita mo sa salamin sa tuwing haharap ka rito ay iba na? Yung parang dapat hindi na ganun pero ganun pa rin? Ano kayang pakiramdam nung mga nagpaparetoke ng kung ano mang parte ng katawan nila tapos pagtiningnan nila kalaunan bumalik lang sa dati yung pinaghirapan nilang ipaayos at pinagtayaan nila ng buhay para lang maiba? Katulad kaya ng nararamdaman ko ngayon?

Alam ko isa akong isang taong walang kahabas-habas ang dila kung mamintas at mamuna ng mga tingin kong mali at pinaninindigan kong mali talaga. Alam kong ako yung tipo ng pinuno na walang pakeelam sa nararamdaman ng ibang tao sa grupo ko at mas mahalaga palagi na magawa namin yung dapat naming gawin kahit pa magkasiraan ng pagkakaibigan. Alam kong nakakatakot ako pag nagutos at lakas pa lang ng boses ko hindi mo na mapapantayan kaya imbes na magreklamo tatahimik ka na lang. Aalm ko yun. Alam ko lahat yun.

At nagsimula ako sa pisay na ganyan ako. Sa apat na taon kong ginugol sa pisay, sinubukan ko talagang magbago (oo, kahit maniwala ka o hindi). Kasi alam kong mali. At umalis ako sa pisay na alam kong iba na yung pananaw ko sa pamumuno at iba na rin yung paraan ko sa pamumuno.

Pero alam mo yung pakiramdam na, pagkatapos mong magnilay-nilay, bigla mo lang itatanong sa sarili mo kung anong nangyari at bakit ganun pa rin? Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko pero nauwi rin sa wala. Sinubukan ko talagang bigyang diin na hindi ako bumalik sa dati na naging makasarili yung motibo ko sa pamumuno. Pero sa huli, napagtanto kong parang ganun pa rin naman – parang naging makasarili pa rin ako.

Punyetang culion kasi yan. Ni hindi ko man lang magawang makahingi ng patawad sa harap ng klase noon. Pano kasi naisip ko na baka pag humingi ako ng patawad, baka ang lumabas lang nagiging papapel pa ko eh natalo na nga kami’t lahat-lahat. Kaya yung sakit noon na ako yung may kasalanan kung bakit nauwi sa wala yung pinaghirapan ng klase, sinarili ko na lang. Kunwari hindi na lang ako nasasaktan noon at kunwari wala lang rin sakin. Nakalimutan kong tao nga rin pala sila, haha, at akalain mo yun, nasaktan rin sila. Tanga ka talaga, ryan, tanga. Eh makakahingi pa ba ko ng patawad ngayon eh medyo matagal nang panahon yun nung nangyari. Eh di lalu nga akong magmumukhang papapel pag nagkataon. Tarantado ka talaga ryan. Hayup ka.

Patawad imed…

Kaya ayan. Dumating tuloy ako sa isang punto na may nanunumbat na sa akin (At oo, kaya nakadiretsong Filipino ito ay para hindi maintindihan ng putanginang iyon. Yikee. May ideya na siya kung sino). Tapos alam mo ba yung masakit dun? Hindi ko mapagtanggol yung sarili ko. Kasi ako yung mali eh. Kahit nasasaktan ako at gusto kong hindi paniwalaan yung mga sinasabi niya, wala akong magawa. Kasi alam kong tama siya. Kung mali ka ba, wala kang karapatang magalit kahit nasasaktan ka? Kahit magalit na lang ng alang-alang sa pagiging tao mo na nasasaktan rin?

Sinumbat niya sakin yung culion. Dominante raw ako. Mapagmanipula. Yung tipong tarantado ba. At kahit hindi niya sinabi, alam kong gusto niya ring isumbat na pagkatapos ng lahat-lahat, nauwi lang rin naman sa wala yung pinaghirapan nila. Alam kong gusto niyang isumbat na wala akong kwenta mamuno.

At iyon ay pagkatapos kong umalis sa pisay na dala ang lahat ng natutunan ko mula sa mga tao doon tungkol sa kung paano tunay na mamuno. Pagkatapos ng lahat ng itinuro sa akin ng buhay, kakalimutan ko lang rin pala. Kundi ba naman tanga.

Alang-alang sa kawalang-hiyaang ginawa ko noong nakaraang pebrero, patawad sa ubod ng panget at walang kwentang dula na pinilit, sinigaw-sigawan, at inapi-api ko kayong gawin. Patawad ng sobra. Sobra sobra.