Mahirap makahanap ng isang taong kapareho mo ng "birthday." Pero mas mahirap makahanap ng taong kapareho mo ng "birthdate" - yung kapareho mong ipinanganak sa araw na iyon. Ako nakahanap na at dalawang beses pa. Tapos yung isa, first year imed ngayon. Nakakatawa (at nakakailang) na tatawagin ka niyang 'kuya' dahil lang second year ka na samantalang magkasing-edad lang naman talaga kayo at sakto pa! Haha. Sabik na tuloy akong batiin siya sa araw ng aming kapanganakan. Iba rin naman kasi ang pakiramdam na yung eksaktong binabati sa iyo ng mga tao, ipambabati mo rin sa iba sa parehong araw. Nakakatuwa. :)
Ngunit bukod pa sa realisasyong ito, nakalatay rin sa araw na iyon ang isang tila mabigat na paratang ng tadahana. Kapag kasi nagdesisyon ang tadhana na idikta sa iyong "mature" ka na, kelangan mong sumunod, kahit papano, at panindigan ito dahil kung sabagay, may magagawa ka pa ba? Samantalang tumatakbo ang oras at dumadaan ang mga panahon, alangan namang magdalumat ka muna bago kumilos pasulong. Kaya nga pagdating ng takdang araw, di rin minsan maiiwasan ng isang taong tumingin sa kanyang sarili at itanong: "Tama ba ang tadhana?"
Kung tutuusin kasi, ilang araw na lang, legal na akong bumili ng Playboy (pero kung sabagay Pilipinas nga pala ito noh? at hindi naman talaga masyadong natutupad ang 'for people who are 18 and above' rule dito), alak, sigarilyo, at kung anu-ano pang bisyo. Pwede na rin akong pumasok sa kahit anong bar dito sa malate at manood ng kahit anong pelikulang may explicit content. Haha. Exciting. :)
At dahil pwede na, doon na pumapasok yung bigat na biglang sumasailalim sa bawat desisyon na gagawin mo sa araw-araw. Sa pagkakataon kasi na ito, MAS malaya ka nang gawin ang mga bagay sa mundo dahil sa idinidikta ng "society" na handa ka na. At sa totoo lang, nakakatakot maging malaya dahil nagiging mag-isa ka na lang sa pagtahak sa daang gusto mong suuingin. Kaya nga para sa mga hindi pa handa, si Oble ang pinakanakakatakot na imahe sa lahat.
At dahil nga wala ka naman talagang magagawa kung hindi sumunod at magpatuloy na lang pasulong, isinusuksok mo na lamang sa iyong isipan na kakayanin mo na lang ang mga hamong dadating. Kaakibat nito, sinusubukan mo ring simulang ipakita at patunayan sa sarili na baka nga nga hindi naman mali ang tadhana na maniwalang handa ka na sa kalayaan.
At dahil dito, naisip kong gumawa ng pagbabago. Kung sabagay, halos isa't kalahating taon na rin naman ang lumipas nang talikuran ko ang opinyon ng iba dahil lang sa isang walang kwentang dahilan na di kalaunan ay naging dahilan rin para makasakit ako ng iba. Siguro'y bahagi ng kalayaan ang maipakita sa iba kung sino ka at sa huli'y tanggapin ang pananaw nila sa iyo - masaktan ka man o hindi, matuwa o malungkot mula dito. Kaya marahil ay dapat nang tigilan ang pagiging hipokrito at tuluyang yakapin ang pananaw kong ang mga opinyon ay pinaninindigan ngunit inilulugar sa sariling pananaw at sa pananaw ng iba.
2 comments:
You know, this coming-of-age thing isn't really all that and a bag of chips.
Eighteen is just an arbitrarily assigned point of demarcation between the 'young' and the 'adult'. It's what's agreed upon, because laws and shit wouldn't work without a convention or a point of reference. Physics, remember? You need a point of reference in order to measure something.
Oh, and LOL at destiny. I've always ascribed to the belief that we are the ones who pave our own destiny. I believe in destiny that has already come to pass, AKA the past and history and paleontology and crap. I believe in an uncertain future, that we can only approximate but not truly ascertain the truth, and other philosophical bullshit.
Oh, wait, what am I commenting for again?
...
Oh yeah. Happy advanced birthday, bitch.
THAT'S RIGHT, I CALLED YOU BITCH, BITCH. AND I WOULD TOTALLY WRING YOUR NECK AND WHIP YOU SILLY WITH YOUR INTESTINES. WHICH I PULLED FROM THE MOUTH OF YOUR COLD, DEAD BODY. BEFORE I WRUNG YOUR NECK, SILLY. AND THEN I'D GIVE A QUICK THRUST AND /censored
kasi naman ian, hindi naman obvious na ginamit ko lang ang coming of age thingy na yan para humaba yung post. this post was for another reason altogether. kung hindi mo napansin yung isa pang reason, haha. :)
Post a Comment