7.12.2008

Sa mata ng mga nakakariwasa...

... krisis na nga, itinuturing pang biyaya.

Hindi ko anbasa ang editoryal ng Philippine Daily Inquirer noong nakaraang martes pero sa nabasa ko sa blog ni Cheska, parang buti na lang at hindi na ako nakapagbabasa ng dyaryo ngayon at likas akong hindi mahilig sa mga editoryal.

Ayon sa post ni Cheska, hinanapan ng naturang artikulo ang kasalukuyang krisis (sa langis, ang tumataas na inflation rate, tumataas na pamasahe, at kung anu-ano pang tumataas na nagpapahirap pa lalo sa mahirap na nga Pilipino) ng nakukuha diumanong mabuti ng mga Pilipino mula dito.

Isipin mo un, krisis na ha. Kahirapan na ang pinag-uusapan tapos sasabihin sa iyo ng isang editoryal sa dyaryo na mabuti nga iyon at nakakatulong ka sa kalikasan?!?! Lalu pa't di naman kaila na sa panahon ngayon, halos lahat ng Pilipino di magkaintindihan kung paano kakain!

At para mawindang kayo sa kung paano nagkakamali ang perspektibo at pananaw ng mga "priviledged" sa mga bagay-bagay basahin ninyo ang blog entry ni cheska:

http://areyouafundamentalparticle.blogspot.com/2008/07/hooray-for-inflation.html

Tapos pagnilay-nilayan mo kung bakit halos lahat ng Pilipino ngayon tahimik na lang at halos hindi mo na maririnig ang pag-aray nila sa sunod-sunod na pahirap na dala ng dumadausdos na ekonomiya, para mapagtanto mong hindi na nila magawang umaray dahil marahil ay hindi na kasi iyon sapat sa sobrang hapdi.

Tapos pupurihin pa ang mga latigong humahampas sa kanila? Kundi ba naman tanga.

1 comment:

Cheska said...

weird hindi ako makacomment dito for the past two days, naexcite pa naman ako dahil finally meron ka na nito.

anyway, badtrip talaga yung editorial na yun at lahat ng taong walang paki-alam sa krisis na to dahil lang hindi nila masyado ramdam ang epekto.badtrip din yung editorial kasi dahil dun nawala ako sa mood at nakalimutan ako ang isang importanteng araw.(yak palusot pa ako)

belated happy birthday ryan! i love you! enjoy pulling the earth every moment, enjoy moving the earth when you walk, enjoy changing the world! :D

God bless you, miss you! :D