12.21.2005

Christmas wishlist.
^ matuto kung paano hawakan ng maayos ang thurible
^ maging masaya ang pasko ng lahat ng tao lalu na yung mga nakapalibot sa'kin
^ laptop
^ makapasa sa intermed ng UP
^ magkaroon ng nationalism ang mga pilipino
^ wider use of Filipino as means of communication
^ ma-meet yung magandang babaeng nagsisimba tuwing 11:00 a.m.
^ maging successful ang romantic plans ng kuya ko sa nililigawan niya
^ mag-last ang tutorial services ng ate ko
^ end of a dreadful financial crisis
^ wider vocabulary in english (to fell!)
^ makapasok sa nationals next year! :P
^ makapunta ng boracay
^ makalabas ng bansa!
^ gusto kong tumaba :P (sana tumaba ka na rin Ramon. oi, favor nga pala, pasabi naman kay che contactin ako oh. i'm desparate.. :P)
^ matutunan ng mga taong may problema ang kung paano ngumiti.
^ to see her again.
^ above all, no more hesitations or doubts tungkol sa Kanya. in short, a STRONG FAITH.

12.20.2005

Granada

“Tay, ano po bang pinapanood niyo dyan?”



Hindi ko na nagawang marinig pa ang sagot. Sinundan ang mga pangyayari ng isang malakas na pagsabog. Tila biglang nagunaw ang mundo nang isang malakas na dagundong ang muntik nang magpatalon sa aking puso palabas sa aking katawan. Sumunod doon ang dilaw na ilaw na sumilaw sa aking mga mata. Napadapa na lamang ako sa sahig at doon ay napaluha.



Kinuha ako ni tatay mula sa aking pagkasadlak sa sahig at tinulungang tumayo muli. Kitang-kitang siya man ay nagulat sa nangyaring lakas ng pagsabog. Halatang pinapawisan siya.



Isang malakas na kalabog ng pinto ang aming narinig nang isang babae ang biglang sumulpot sa may pintuan ng opisina ng aking ama.



“Sir, ang kapatid niyo po,” ang balisang-balisa nitong sambit, “sumabog po ang kanyang kotse.”



Si Tiyo Jose? Patay na? Nahihibang na ba ang babaeng ito?



“Nakikiramay po ako, Sir,” ang sambit nito bago naluluhang umalis.



Napalingon ako kay tatay. Sa tono ng pananalita at sa mukha ng babeng kasasalita lang ay natitiyak ong hindi ito nagbibiro. Ilang sandali lang ang nakakara’y nakadungaw pa si tatay sa bintana mula sa kanyang opisina habang pinapanood ang pag-alis ng kanyang kapatid. At tiyak na nasaksihan niya ang pagsabog ng kotse nito.



Inalalayan ako ni tatay papunta sa sofa. Nang nakaupo na ako’y tinungo niya ang kanyang lamesa at nagsalin ng alak sa isang maliit na baso at tuloy-tuloy niyang ininom ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.



Nakatatandang kapatid ni tatay si Tiyo Jose. Madalas ipagmalaki ng tiyo ko ang aking ama sa kanyang mga kakilala. Nguni’t kahit ganoon ay halatang mas maganda ang takbo ng buhay ni Tiyo Jose. Mas malayo ang narating niya sa kanyang napiling karera kumapara sa aking ama. Kaya naman alam kong lihim din siyang ipinagmamalaki ng aking ama.



Parehong negosyante ang dalawang magkapatid. Pareho rin ang negosyo ng dalawa – damit. Yun nga lang, ang negosyo ni Tiyo Jose ay nakapageexport na sa ibang bansa. Ang kay ama’y hindi ganoon kalaki upang mapantayan ang nagagawa ng negosyo ng aking Tiyo. Paano’y doble ang laki ng negosyo ni Tiyo kumpara sa negosyo ng aking ama.



Madalas kung bumisita si Tiyo sa aming bahay. Mahal na mahal daw kasi niya ang aking ama. Sa katunayan, sa t’wing malalagay sa peligro ang negosyo ng aking ama ay ginagawa kaagad ni Tiyo ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang aking ama at maisalba ang kumpanya.



Maging sa akin ay napakagiliw ng aking Tiyo. Lagi itong may dalang asalubong sa akin sa t’wing bibisita siya sa bahay. At kung pupunta naman ito sa ibang bansa, siguradong hindi niya ako makakalimutang dalhan ng pasalubong. Maaga kasing namatay ang kanyang asawa at hindi sila nagkaanak. Ayaw naman daw niyang mag-asawa ulit.



Muling lumapit si tatay sa may bintana. Bakit kaya hindi pa siya bumababa upang tumulong sa mga nangyayari sa baba?



Muli kong inalala ang sagot ni tatay kanina sa tanong ko. Hindi ko na iyon narinig dahil sinabayan ito ng malakas na pagsabog.



“Wala anak. Hinihintay ko lang sumabog ang granadang nilagay ko sa sasakyan ng Tiyo mo.”



 



*haha. low quality. :P just a pathetic attempt to go back into writing. wala na kasing drive para magsulat eh. :P 



Champaquito Post number 2

 



Balinsasayaw
Written and composed by: Ben Lopez



Malinaw na tubig sa dagat
Saya ng mga kabibe at isda
Korales na makukulay
At sumasayaw sila
Kasabay ng tubig ang saya

Paglabas ng araw ay repleksyon ang nakikita
Asul na Langit ay puno ng mga kwentong masaya

Malawak(?) na kweba,
O kay dilim
Pugad ng pagmamahal na walang wagas
Sahig at kisame na kay talim
Lipon ng mga ibon ating iligtas

Ang Balinsasayaw
Tagapagbalita ng langit
Balinsasayaw
Pag-asa sa kamay ng Kalikasan
Balinsasayaw



 



*haha. nakalimutan ko na yung second at third verse eh. :P



"Balinsasayaw: Isang Kwento Sa El Nido"
II - Champaca

FIRST PLACE - CONSERVATION COMIC BOOK CONTEST 2004

 



Second ang dahlia ("Makiling Chainsaw Massacre") at third ang Jasmin ("Minsang Paraiso") 



12.19.2005

Che Sese, Mithi Sevilla, Hope Sagayaga

guys. patawad pero nawawala ko LAHAT ng files nung project natin. kaya please naman, wala namang iwanan sa ere. ako na lang so far ang may ginagawa dito sa project na 'to. kung kaya niyo naman akong contactin, gawin niyo. PARANG AWA NIYO NA. i need a lot of help now that i'm starting from scratch. naiiyak na ko dito. :(



oh and btw, sa lahat ng makakabasa nito na may alam ng cellphone / landline number ng mga taong 'to, please pakisabi sa'kin. thanks.



 



PARA KAY NA CHE, MITHI, AT HOPEE:



landline ko: 4557803



cell ko: 09172596376



tumawah kayo, pls. 



 



Champaquito Post

haha. wala lang. nung simbang gabi kasi nung isang araw, kinanta ng choir yung "Bituing Natatangi" bilang communion song. yap, ang walang kamatayang contest piece na ipinanalo ng CHAMPACA sa paskorus last year.



CHAMPACA 2007
"Bituing Natatangi"
"Hurry To Bethlehem"
CHAMPION - 24th PASKORUS COMPETITION 2004, Level 1

wala lang. astig. napakanta ako kahit habang nagcocommunion.. :P



btw, i still know my parts.



and another btw, nakakalima na kong simbang gabi!! yahoo! apat na lang! go me!



go champs! i miss you guys! 



10.10.2005

BLOG IS UNDER CONSTRUCTION

under construction pa po 'to!! pasensya.. nakalimutan kong may kaekekan pa nga pa lang navbar itong blogger eh.. malay ko ba.. kaya kailangan ko pang iusod ang lahat.. sori..

at oo, hindi ako guitar player.. asa ka.. astig ung layout eh.. pakelam mo? ako gumawa niyan! yikee! kung gusto mong gamitin, sabihin mo lang.. :P

9.28.2005

Limang Piso

Isinulat ni: Ryan Joseph P. Magtibay

Halos kasabay ng aking paggising ang pagkatok ng isang karterong nakarating sa aking bahay sakay ng isang motorsiklo. Ang dala-dala niya ang kaagad na sinalubong sa akin ng isa sa aking mga katulong sa pagbaba ko papunta sa silid ng hapag kainan upang mag-almusal.
“Ate, may sobre na dala yung kartero. Para sa inyo daw ho,” ang sambit nito sabay alis para ituloy ang kanyang pagpupunas sa isang istatwang hugis ibon sa gitna ng salas.
“Salamat,” ang halos hindi ko na namalayang nasabi ko sa kanya.
Umupo ako sa la mesa at tsaka nag-utos sa isa pang katulong na dumaan dala ang isang walis tambo at pandakot na ikuha ako ng kape. Oo, paborito ko ang kape, lalu na sa umaga, pagkatapos mabuksan muli ng aking diwa sa isa na namang araw dito sa mundo. Isa na ako marahil sa mga kakaunting babae na hindi magkakaroon ng masayang araw kung hindi ako makakainom ng kape pagkagising. Nakasanayan ko na kasi. Hindi ko na rin mabago at alam kong hindi ko rin naman kailangang baguhin.
Habang iniintay ang aking almusal, kasama na ang kape, ay napagpasiyahan ko na ring buksan ang sobreng kasabay kong namulat sa mundo noong araw na iyon. Laman nito ang isang salaping-papel na nagkakahalaga ng limandaang piso. Tiningnan ko ito sandali at tsaka ibinalik sa sobre. Alam ko na rin kasi kaagad kung kanino ito galing. Tiyak na ito’y mula doon sa kaibigan ng aking sumakabilang-buhay na asawa na nanghingi ng pabor kamakailan lang. Hay nako. Aanhin ko ba naman ang limandaan? Para siguro sa isang babaing bente-singko pa lamang ay may maganda nang trabaho, sumusuweldo ng halos isang daang libong piso kada buwan at magsisimula nang magtayo ng sarili niyang negosyo, masyado ko na ring minamaliit ngayon ang ganitong halaga. Siguro ay kung noong mga panahong ako’y nasa mataas na paaralan pa lamang ay madali kong nasunggaban ang ganitong pera. Nguni’t marahil, kapag nahawakan mo na ang iba’t-ibang klase ng denominasyon ng piso, mula sa isang sentimo hanggang sa halos isang milyon, bababa na rin ang tingin mo sa limandaang piso. Marami na rin akong naipundar, mula sa malaki at magandang bahay kong ito ngayon hanggang sa isang napakagandang kotse sa aking garahe, at lahat ng iyan ay mula lamang sa pawis ng isang dalagang minsan ay nagtitinda lang ng sampaguita.
Tumayo ako at tinungo ang isang mesang malapit sa hapag-kainan at may dalawang plorerang humahawak sa mga kulay dilaw na bulaklak at binuksan ang drawer o kahon na matatagpuan dito. Ipinasok ko dito ang sobre at tsaka bumalik sa la mesa. Dito ay may nadatnan akong nakahain nang mga pagkain, marami sa mga ito ay tinapay at prutas. Handa na rin kaagad ang kape na kanina’y aking hiniling. Tsaka ko noon napansin na hindi ko kasama ang aking anak.
“Inday, nasaan ang anak ko? Bakit hindi pa bumababa para sa almusal?” ang tanong ko sa babaeng lumabas mula sa kusina upang magdala ng isang plato ng ulam sa hapag.
“Ate kanina pa po umalis para sa eskuwela. Umaga na po, ate. Alas-nuwebe na po,” ang sagot nito sa akin na may halong pagtataka.
“Alas-nuwebe na? Totoo?” ang muli kong tanong, nguni’t ngayon ay may kahalo nang pagkagulat at pagaalala.
“Opo ate,” ang sagot nito sabay balik sa kusina.
Naku patay! Mayroon pa namang pulong ang aming opisina sa ganap na alas-dies ng umaga. Baka mahuli na naman ako niyan!
Dali-dali kong kinuha ang kape, mabilis itong inubos, at tsaka kumaripas ng takbo papalabas ng bahay upang sumakay sa kotse at magmadali papunta sa opisina. Nguni’t kapag nga naman talagang minamalas, tsaka ko naalala na hindi ko maaaring magamit ang aking kotse. Paanu’y color coding ito tuwing miyerkules at sa kasamaang palad ay miyerkules ngayon.
Napilitan na lamang tuloy akong tumawag ng taksi. Pagsakay dito ay dirediretso na nitong nilakbay ang daan papunta sa aking opisina. Sa sobrang pag-aalala ay panay ang pagdungaw ko sa may bintana para matantsa kung malapit na ba o hindi pa. Dito ko nasilip ang isang lalaking mukhang adik na nakatayo sa may tapat ng simbahan. Mahaba ang buhok nito at malago ang kanyang bigote’t balbas. Nakadamit siya na animo’y nasa loob lamang siya ng kanyang bahay, o kung may bahay nga ba talaga siya. Ang mga tingin niya sa tao ay halos nagpapahiwatig na siya’y isang masamang tao. Wala marahil sa mga taong nasa katinuan na makakakita sa kanya ang hindi makapagsasabing isa siyang taong hindi mo kailanman maaaring mapagkatiwalaan. Bakit naman sa simbahan pa?, ang sambit ko sa sarili. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng paglimusan o kaya ay pagtambayan ay ang simbahan pa ang napili niya. Nakakabastos tuloy sa bahay ng Diyos.
Dito ko naalala ang pangako ko sa Kanya. Mga kulang-kulang dise-otso palang ako noon nang minsan rin akong nagbitaw ng salita sa isang simbahan na hinding-hindi ko makakalimutan ang pagsisismba. Hinding-hindi daw. Kelan ka na ba huling nagsimba?, ang mapangutyang sabi ng aking konsiyensya. Bumigat ang aking pakiramdam na animo’y may tatlong elepanteng sumampa sa aking mga balikat. Sa isang iglap ay muling nawala ang pag-aalala. Ewan. Nakakahiya na rin ang bumalik. Isa pa, di malayong kinalimutan na Niya ako dahil sa ginawa kong paglimot, ang sagot ko sa aking sarili.
Unti-unti nang bumagal ang takbo ng taksi at muli akong naitapon pabalik sa tunay na mundo. Dali-dali kong binayaran ang mamang taksi drayber at tsaka kumaripas ng takbo palabas ng sasakyan at paakyat sa gusali.
Halos masira ko na rin yung pindutan ng elebeytor sa sobrang pagkainis sa kabagalang dinudulot nito. Nang ito’y bumukas ay agad akong pumasaok. Kasabay ko noon ang tatlong kalalakihan na naguusap ng malakas tungkol sa larong golf at sabay-sabay na nagsibaba sa ikatlong palapag. Naiwan ako sa loob ng elebeytor at panay na tingin sa relo. Nang bumukas na ang mga pinto patungo sa ikasampung palapag ay muli na namang gumana ang pagmamadali sa aking mga paa. Dali-dali akong dinala ng mga ito sa aking opisina, di man lamang tumigil para batiin pabalik ang aking mga ka-opisinang nagsumikap na bumati ng isang nagsusumiglang magandang araw na may kaakibat na tanong kung saan ako nanggaling at bakit ngayon lang ako. Halos mabuang na ako noon sa sobrang takot at pagmamadali para makuha lang ang mga kailangan ko para sa pagpupulong.
Mahigit kalahating oras matapos ang mga pangyayaring iyon ay nagwakas ang aking paguulat sa harap ng mga lupon ng mga nakatataas na pinuno ng kompanya. Marahil ay kung walang aircon ang kwartong iyon ay basang-basa na ako sa pawis ngayon. Kahit na natapos ko na ang aking pag-uulat, na naantala ng halos sampung minuto dahil na rin sa aking labis na pagtulog, ay hindi pa rin tumitigil ang aking puso sa pagkabog, tila may inaantay itong isang masamang pangyayari.
Matapos ang pulong ay nagkamayan ang mga miyembro ng lupon. Kahit ako ay nakipagkamay rin sa ilan sa kanila. Matapos ay inayos ko na ang aking mga gamit at dumiretso sa aking sarilin opisina. Kahit hanggang do’n ay hindi pa rin matigil-tigil ang malakas na pagtibok ng aking puso. Kung ang pagtibok nito ay dahil sa labis pa rin ang pagkatakot nito sa nangyaring pagkahuli ko sa isa sa pinaka-importanteng pulong sa buhay ko ay hindi ko alam. Ang alam ko itong lumakas nang tumunog ang telepono sa aking mesa at may isang babae ang nagwika.
“Ma’am Jinky, pinapatawag po kayo ni boss Archie sa kanyang opisina. Kung maaari daw po, ngayon na,” ang sabi ng isang pamilyar at malumanay na tinig mula sa telepono.
“Iparating mo na susunod na ako,” ang sagot ko sa aking sekretaryang halos dalawang taon ko nang kasama.
Dahan-dahan tumungo sa opisina ng aking boss na pinakamalapit at pinakamabait sa akin. Siguro ay natuwa siya sa pag-uulat na ginawa ko kanina. Sa katunayan kasi, pinaghirapan ko ang bagay na iyon. Talong araw ding ulog ang ginugol ko roon para lamang magawa ko ito ng maayos sa harap ng lupon. Sana natuwa siya. Sana.
Nakangiti akong pumasok sa kanyang opisina at dahan-dahang umupo sa isang silyang nakatapat sa kanya. Isang matamis na ngiti rin ang bumalik sa akin sa aking pagpasok, nguni’t halatang may lungkot sa mga ngiting iyon.
“Magandang umaga,” ang bati niya sa akin.
“Magandang umaga rin po,” ang balik ng bati niya sa akin, habang ako ay nagsimula nang nagisip sa tunay na dahilan ng pagpapatawag niya sa akin.
“Naatasan akong magsabi ng isang bagay sayo na gusto kong malaman mo na kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko ninais ni naisip na sasabihin ko ito sayo isang araw,” ang simula niya kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko, animo’y may nais itong isigaw.
“Sir naman. Wala namang ganyanan. Pinapakaba niyo naman ako eh.”
Sa pagkakataong ito ay hindi siya ngumiti. Nasanay na ako na sa t’wing sasabihin ko na sa kanya na nagaalala at kinakabahan na ako ay ititigil na nito ang kung anumang pagbibiro na ginagawa niya. Ngingiti na siya at tsaka ikukuwento sa akin ang itsura ko habang naniniwala ako sa bawat pinagsasasabi niya. Nguni’t sa mga sandaling ito ay hindi niya iyon ginawa.
“Alam mo naman siguro kun gaano kita kamahal bilang isang kaibigan. Minsan nga sabi ko sa sarili ko halos higit ka pa sa isang kapatid. Yung tipong ikaw lang yung nakakausap ko nang hindi ko kailangang magpakapormal; yung kahit biru-biruin kita pagkatapos ng bawat linyang sabihin ko sayo, ayos lang. Alam ko alam mo ‘yon. At alam ko rin na alam mong kahit anong mangyari, ipaglalaban kita. Pero Jinx, patawarin mo ko. Hindi ko sila kaya eh. Hindi kita naprotektahan,” ang sabi niya habang nkatingin sa akin gamit ang mga matang lumuluha; mga matang hindi ko pa nagawang makita.
Natigil siya sa kanyang pagsasalita, yumuko at pagkatapos ay tumayo papunta sa isang bintana. Kasabay ng mga galaw niyang ito ang pagpatak ng isang luha mula sa aking mata. Sana nagbibiro lang siya. Nagbibiro lang siya. Nagbibiro. Katulad kahapon. Katulad noon. Katulad ng dati.
“Jinky, nalaman nila.”
Dito na tuluyang bumagsak mula sa kanyan kinalalagyan ang aking puso na hindi na rin tumigil sa malakas nitong pagtibok mula pa kanina.
“Hindi pwede yan! Sabihin mong nagbibiro ka lang!” ang pasigaw kong sambit sa kanya matapos ang mabilis na pagtayo ko mula sa aking kinauupuan nang hindi ko man lang namamalayan.
“Sana nga hindi Jinky. Sana nga. Pero nagawa nilang makuha yung tsekeng pinapalitan mo sa banko. Sinubukan kong ipagpilitang hindi ‘yon sa’yo, na ginagamit lang ang pangalan mo, pero wala na rin akong nagawa. Naunahan na nila ako. Napaimbestigahan na nila. Patawad,” ang sabi niya kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan ang paglabas.
Ang tsekeng nagkakahalaga ng dalawang milyong piso na napasa’kin kapalit ng dalawang piraso ng papel. Bumalik ang alaala ng isang lihim na transaksiyon sa pagitan niya kasama ang kasintahan ni Archie at ng karibal ng kanilang kumpanya sa kanya. Dalawang piraso ng papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kanilang kumpanya ang paksa ng lihim na pagpupulong na iyon. Mga papel kapalit ng napakalaking halaga na agad at pahangal kong sinunggaban, para sana sa isang maliit na negosyong maituturing kong akin.
“A…Anong mangyayari sa’kin ngayon?” ang halos paiyak ko nang nasabi sa kanya.
Lumunok siya ng malalim at tsaka hirap na hirap na nagwika, “Kailangan ka daw nilang tanggalin sa trabaho mo.”
Umiyak na ako pagkatapos. Iyak na parang nawala na ang bukas, na parang ang lahat ng masamang bagay sa mundo ay kagagawan ko. Wala na akong pakialam noon kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nakita nilang namumugto ang aking mga mata dahil sa lubusang pag-iyak. Tsaka ko noon naramdamang niyakap ako ni Archie. Alam ko kasing sa aming dalawa, ako lang ang matatanggal sa trabaho. Paanu’y anak siya ng isa sa mga may-ari ng kumpanyang ito. Kaya ako lang mag-isa ang dapat na umiyak.
“Wag ka mag-alala. Kinausap ko na si daddy at ang iba pang miyembro ng lupon. Sang-ayon silang hindi ka na dapat kasuhan pa. Nangako siyang gagawin niya ang lahat para hindi iyon mangyari.”
Bumitiw ako sa yakap ni Archie at tsaka tumakbo pabalik sa aking opisina. Maraming tao ang napalingon dahil sa ginawa kong iyon. Nguni’t hindi ko na rin sila napansin. Sa katunayan, wala akong makita noong mga panahong iyon sapagkat ang pareho kong matang puno na ng mga luha sa pagkakataong iyon.
Ilang minuto lang ang ginugol ko sa loob ng aking opisina para lalu pang umiyak, pagkatapos ay lumabas na ako. Tinungo ko ang elebeytor at nagdire-diretso paalis ng gusali, ni minsan ay hindi man lang lumingon. Magmula do’n ay sumakay ako ng dyip papunta sa kung saan-saan na pwede akong makapagisip. Gabi na noong nagdesisyon akong umuwi. Bumaba ako mula sa isang dyip sa isang karinderya ilang kanto ang layo mula sa bahay namin. Dito ay bumili ako ng chicharong bulaklak, na siyang pinakamumuhi kong pagkain sa lahat at aking kinakain kapag galit ako sa aking sarili, at muling naglakad pauwi habang kumakain.
Napadaan muli ako sa simbahang kaninang umaga’y aking natanaw sa loob ng taksi. Nandun pa rin yung lalaking mukhang adik, makatayo sa may tapat ng simbahan at muling pinagmamasdan ang mga taong nagdadaan. Binigyan niya rin ako ng parehong tingin sa pagdaan ko sa harap niya. Nguni’t di tulad ng trato niya sa ibang tao, pagkalampas ko sa kanya, ay sinundan niya ako, kahit saan man ako magpunta. Namalayan ko lamang ito nang isang kanto na Lang ang layo ng bahay ko. Ramdam na ramdam ko sa aking likod ang kadiri niyang pagnanais sa akin; yung malagkit na tingin na parang naglalaway. Muli na namang nangatatob ang dibdib ko, parang lumalaki ng lumalaki ang aking puso sa bawa pagtibok nito. Naramdaman kong palapit siya nang palapit hanggang sa di-malayong tatlong pulgada na lang ang layo niya sa akin. Dito ko na naramdamang nagsimula na ang aking mga paa sa pagtakbo, matulin at punung-puno ng enerhiya.
Hingal-kabayo ako pagdating sa bahay. Gulat akong sinalubong ng mga katulong. Dali-dali nila akong inalalayan papasok ng bahay, pinaupo sa isang sopa katapat ng istatwang hugis ibon sa may salas at pinainom ng tubig. Matapos no’n ay hindi ko na alam ang nangyari. Sa sobrang pagod dala ng ginawa kong pagpunta sa iba’t-ibang lugar at sa bigat ng mga damdaming dala-dala, tuluyan na akong bumagsak sa sopang kinauupuan at nakatulog.
Mahigit limang buwan ang nakaraan matapos ang gabing iyon nang muli akong umupo sa parehong sopa at humagulgol.
Matapos ang araw na nalaman ko kay Archie na tinanggal ako sa trabaho, kinabukasan ay agad na pinadala ng kumpanya ang tsekeng nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso bilang aking huling sweldo. Kinuha na rin ng kumpanya ang kotseng magiging akin na sana, ayon sa kontrata, kung nagawa kong maglingkod sa kanila ng isa pang taon. Pinadala na rin ni Archie ang mga gamit pang-opisina ko, kasama ang isang sulat na nagsasabing hindi na ako kakasuhan ng kumpanya sa aking nagawa. Matapos ang araw na iyon ay pinaalis ko na ang lahat ng katulong sa bahay namin. Alam kong hindi ko na rin makakayang paswelduhin sila dahil sa nangyari sa akin.
Dalawang buwan ang nakalipas matapos ang araw na naghudyat ng simula ng pagkasira ng buhay ko at hindi pa rin ako nakahanap ng panibagong trabaho dahil sa nakatatak na sa akin ang hindi ko pagiging matapat sa kumpanyang nauna ko nang pinasukan. Nasa bahay ako noon nang isang masamang balita na naman ang dumating sa aking pinto. Isang guro at dalawang lalaking maingat na inaalalayan ang aking anak ang nagbalita sa akin na ito’y bigla na lamang hinimatay habang nasa eskuwela. Dalawang linggo pa at napagalaman na naming may tumor sa utak ang aking anak at, kung hindi maooperahan sa lalong madaling panahon, maaaring di na magtagal dito sa mundo. Sa labis na pagmamahal sa anak ay di na ako nagdalawang isip na ipa-opera ito sa lalung madaling panahon. Ang operasyon ay nagkakahalaga ng isa’t kalahating milyong piso, kasama na ang mga gamut na kakailanganin matapos ang operasyon.
Ngayon ay muli na naman akong umiiyak sa sopa na katapat ng istatwang hugis ibon dito sa salas. Muling naghahanap ng lakas ng loob mula sa mga luhang walang tigil ang pagpatak. Tatlong daang libong piso para matanggal ang impeksyon dinulot ng operasyon ulo ng anak ko? Tatlong daang libong piso? Saan naman ako makakahanp ng tatlong daang libo? Para siguro sa isang babaing may magandang trabaho, sumusuweldo ng halos isang daang libong piso kada buwan at may kakayahang magsimula ng sarili niyang negosyo, masyado maliit ang gayong halaga. Nguni’t para sa tulad kong malapit nang maremata sa bangko ang tinitirhang bahay at hindi pa rin matubos hanggang ngayon at nagtatrabaho na lang sa isang paggawaan ng kendi at sumusuweldo ng kulang-kulang tatlong daang piso isang araw, hindi na rin biro ang tatlong daang libong piso. Malaking halaga iyon. Malaking-malaki.
Umaga pa lang noong araw na iyon ay nagsimula na akong maghanap ng mga taong mauutangan. Una kong pinuntahan si Archie na natanggal na rin pala sa kumpanyang dati kong pinagtatrabahuhan. Pinunterya na rin daw siya pagkatapos kong umalis. At naghiwalay na rin sila ng kasintahan niyang kasama ko sa lihim na transaksiyon. Binigyan niya ako ng dalawang daan at dalawampung libong piso. Mas kakailanganin ko daw kaysa sa kanyan kaya ganun-ganon na lang ang pagbibigay niya ng perang ganun kalaki ang halaga. Sinunod ko ang aking mga kamag-anak, ang iba ay matagal-tagal ko na ring hindi nakita. Sinunod ko ang aking mga kaibigan, mga ka-opisina, at kahit yung mga kaklase ko pa sa elementarya. Lahat sila sumubok na tumulong, pero konti lang rin ang nakapagbigay, mga kulang-kulang pitong libong piso kung pagsasamahin mo lahat, kasama na ang sweldong mula sa paggawaan ng kendi. Ang natitirang sampung libong piso ay inutang ko na sa mga kapitbahay, sa mga tindahan, at kahit sa kalapit na junk shop. Hanggang sa humantong ang gabi at eto ako sa sopa, muling umiiyak. Bukod sa labis na pagod, isa sa mga dahilan ng pagtulo ng mga luhang ito ay ang katotohanang kulang pa ng limandaang piso ang perang kanina ko pa kinakalap upang bukas ay maoperahan na ang aking anak. Aalis na rin kasi ang tanging doctor na may kakayahang magopera sa kanya sa susunod na araw, papunta sa Europa.
Mamalimos na kaya ako?, ang sambit ko sa sarili. Nguni’t ginawa ko na iyon. At sa loob ng tatlong oras ay limang piso lang ang aking nakuha. Halos wala pa nga sa kalingkingan ng limandaan piso, ang muling sumbat ko sa aking sarili.
Muli akong umiyak. Muling bumalik ang mga masasamang ala-alang dati k pa ninanais ibaon sa limot. Muli kong naalala ang kung ano ako noon at kung ano ako ngayon. Dito pumasok sa aking isip ang Jinky na kilala ko bago pa man ako maging isang mayaman – mabait, maalalahanin, matulungin, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Dito Siya muling pumasok sa isip ko, ang pangako ko sa Kanya at ang pagnanais na muling may masandalan.
Wala na munang hiya-hiya. Para sa anak ko ‘to, ang sambit ko sa aking sarili.
Sumakay ako ng dyip gamit ang limang pisongn nakuha ko sa pamamalimos para makapunta sa simbahan. Pagkarating ko ay pumukaw na kaagad sa aking mga mata ang malaking istatwa ng Panginoon sa may gitna ng altar. Hindi ko na namalayang napaluhod ako, at muli ay umiyak. Pitong taon na rin ang nakalipas bago ako muling nakapasok sa simbahan na minsan nang nagbigay direksyon sa aking buhay. Lumakad ako ng paluhod, habang hindi natatanggal ang tingin ko sa Kanya. Sa bawat hakbang na aking ginagawa, ay isang patawad ang isinisgaw ng aking damdamin at isang luha ang tumutulo mula sa’king mga mata papunta sa sahig ng simbahan. Hindi nalihis ang aking tingin mula sa Kanyang maamong mukha. Nang makarating ako sa may altar ay muli akong humagulgol, nguni’t sa pagkakataong ito ay kasama ko na ang aking kaluluwa. Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang pitong taon, ako ay nagdasal.
Lumabas ako ng simbahan matapos ang tatlong oras. Sa paglakad ko ay ramdam ko ang isang napakagaan na pakiramdam, animo’y may napakabigat na bagay ang naialis sa aking mga balikat. Bawat hakbang ay hindi na mahapding tulad ng dati. Bawat paghinga ay magaan. Lahat ay parang nagbago.
Nakita kong muli ang lalaking mukhang adik na mahaba ang buhok bigote’t balbas at ikatlong beses ko nang nakitang nakatambay sa may simbahan. Lalapitan ko sana ito upang kamustahin at kaibiganin nang bigla na naman ako nitong bigyan ng tingin na iyon. Yun yung tingin na akala mo’y hindi maaaring gumawa ng masama ang taong iyon. Nagsimula na naman siyang maglakad, dahan-dahan, upang makalapit sa akin. Sa sobrang pagkatakot, marahil, o kaya’y dahil sa natural na pagaalala ng isang ina na baka walang mag-asikaso sa aking anak na may sakit kapag may nangyaring masama sa akin, dali-dali akong tumakbo palayo, pauwi ng bahay namin. Sinubukan akong habulin ng lalaki nguni’t tumigil na rin siya kaagad sa paghahabol bago pa man siya makalayo sa simbahan at, sa halip, ay nagwika na lamang ng:
“Iha! Iha! Buksan mo ang drawer sa mesang may dalawang plorerang malapit sa hapag kainan!”
Nakarating ako sa bahay ng halos hindi makahinga at patuloy na nagugulumihanan sa iwinika ng lalaking muntik nang gumahasa sa akin. Paano naman kaya niya nalaman na mayroong isang mesang may dalawang plorera na katabi ng hapg kainan ang bahay ko? Sa isang hindi ko maintindihan na dahilan, tinungo ko ang nasabing mesang nasa tabi ng hapag kainan at binuksan ang drawer o kahon na narito. Do’n ay natagpuan ko ang isang sobreng naglalaman ng limandaang piso, ang halagang kulang sa pambayad ko para sa operasyon ng aking anak.
Kinabukasan, matapos kong magtungo sa ospital ay dumiretso kaagad ako sa simbahan para makinig ng misa. Dito ay natagpuan ko ang lalaking may mahabang buhok, bigote’t balbas at palaging nakatambay sa labas ng simbahan. Nguni’t, sa pagkakataong ito, ang lalaki ay nakadamit ng puti, may pahabang telang may krus sa dulo na nakasabit sa kanyang leeg, nakatayo sa may altar at nagwiwika sa mga tao ng ganito:
“Mga kapatid, limang buwan na ang nakakaraan nang napanaginipan ko si Hesus. Nasa isang bundok ako noon, nagdadasal, nang bigla Siyang nagpakita sa akin at nagwika: “Makatatagpo ka ng babaeng mag-aalay ng limang piso, ang natitira niyang pera, para lang puntahan Ako sa Aking bahay at lumakad ng paluhod papunta sa altar bilang paghingi ng patawad. Bilang isang gantimpala sa kanyang pagbabalik-loob, sabihin mo sa kanya na buksan ang drawer o kahon ng mesang katabi ng hapag kainan.”
Matapos ang madaming pagtatambay sa labas ng simbahan para lang makita ang babaeng tinutukoy ng Panginoon, nakita ko na ang babaeng iyon kagabi. Kung papaano nakatulong sa kanya ang pagbukas ng draweray hindi ko alam. Nguni’t, nais lamang iparating ng Panginoon na kahit anong halaga ng pera ang ialay niyo sa Kanya, basta’t para sa Kanya o dahil sa Kanya, kahit ang limang piso ay magiging mas mahalaga pa sa kahit na anong denominasyon ng piso na mayroon ka.”

9.17.2005

The MAROONS fought well.

Go UP!

Pasintabi sa mga taga-uste, ampanget ng cheer niyo ngayong taon. it was shit compared last year. last year, dapat alaga kayo. pero yun ngayon, you should hank God for this miracle.

With all due respect, UP deserved it.

Sumayaw lang kayo ngayon UST. walang kahit na ano pang makabuluhan sa ginawa niyo.

astig ung pyramid ng UP! technicality pa lang taob na ung uste eh. hay.

To UST: It wasn't your show. It was UP's.

UP sila, kayo?

8.11.2005

Happy 1st Birthday Snake Pit!!!

yap.. its's my blog's anniversary.. isang taon na 'to.. haha..

a hindi na ako masyadong nakakapost dito.. nasa tabulas kasi yung karamihan eh.. :p kaya dun na ko sa isa ko pang blog mas nagpopost.. hehe.. but that doesn't mean I'm going to neglect this blog.. hindi noh.. asa ka..

anyway, may bago 'tong template ngayong august.. pramis.. :)

Paraiso

:P

Paraiso
Smokey Mountain

I.
Return to a land called paraiso
A place where a dying river ends
No birds dare fly over paraiso
No space allows them to endure
The smoke that screens the air
The grass that's never there

Refrain 1:
And if I could see a single bird
What a joy!
I try to write some words and create
A simple song to be heard by the rest of the
world

II.
I live in a land called paraiso
In a house made of cardboard floors and walls
I learned to be free in paraiso
Free to claim anything I see
Matching rags for my clothes
Plastic bags for the colds

Refrain 2:
And if empty cans were all I have
What a joy!
I never fight to take someone else's coins
and live with fear like the rest of the boys

Chorus:
Paraiso, help me make a stand
Paraiso, take me by the hand
Paraiso, make the world understand
That if I could see a single bird
What a joy!
This tired and hungry land could expect
Some truth and hope and respect
From the rest of the world

Repeat Refrain 2
Repeat Chorus

7.01.2005

Kagwapuhan? pakshet.

hay rob. asset mo yang talino mo. pagdating ng araw, tatawanan mo na lang yang mga gwapong yan dahil mas mayaman at mas-successful ka sa kanila. hold on to that. besides, sino bang nagsabing di ka gwapo?! gwapo ka! parang ako.. hehe..

anyway, if you're depressed because your friend or your sibling is a hearthrob, well try me. ate ko hearthrob nung elem at hs. kuya ko hearthrob nung hs at kahit ngayong college (congrats nga pala dahil natanggap ka sa UP Choral.. hehe..). at kapatid kong bunso hearthrob ngayon. wow. tatlo sa mga kapatid ko hearthrob ako lang hindi. NOW THAT IS DEPRESSING. akalain mong ako ang pinakapanget?! hehe.

dati sobrang lungkot ko dahil dyan. oh well. naisip ko ako naman pinakamatalino eh. so yun na lang panalaban ko sa good-looks nila. di man ako gwapo or astig or whatever, alam ko naman na i have what it takes to be successful one day. maging futuristic ka. paglaki niyo, when it comes to good-paying jobs, they don't choose by the looks, they choose by the brains. and you have that.

and someone in-love won't miss the person's innate beauty. she would miss your being there for her.

kaya mali ka joji. di porke't hindi magaling mag-basketball eh yuck na. (yes, that hurt my ego a lot. hehe. :p)

6.13.2005

june post.

haha. napansin ko kasi na wala pa yung June 2005 archive dun sa archives list eh. tapos naalala ko na hindi pa nga pala ako nagpopost dito. hehe. kaya eto. for the june 2005 archive's sake.

ang unproductive (haha. ang baho pakinggan.) ko kasi nung patapos na ung summer. hehe. 5 plots at isang topic for an essay pero hindi ko pa rin masulat-sulat. kakatamad eh. hehe.

nagugutom na ako.

isa pa, Eng journ naman ang elective ko eh. so magsasawa rin ako sa kakasulat buong taon, at probably, hanggang next year. :)

to dale: yung suggestion mo na plot (yung footbridge) di ko pa rin tapos. hehe. :p

haayyyyyy.

sa kakahiling ko sa Diyos ng isang twist sa buhay ko, binigyan nga ako ng isa. ayan. i'm confused. hay.

tama si joji.

minsan akala mo wala kang kwenta, tapos may ibang nakakakita na sobrang astig mo.

hay ulit.

para sa iyo: salamat sa pagtetreasure ng memories. that is, perhaps, the best thing someone did for me. pero i need time. di ko alam kung anong sasabihin ko sa ngayon.

5.23.2005

Ang pangpitumpu't-isang artikulo

Ryan Magtibay

Kanina, naisip ko na gusto kong kolektahin ang mga pinagsususulat ko, kahit gaano kababaw, kahit gaano kawalang-kwenta. Naisip ko kasi, ang mga ito lang ang patunay na may ginagawa akong makabuluhan ditto sa mundo. Hindi man ito nakagagawa ng mga himala, o nakaktulong sa isang tao, kahit papaano naipaparating ko naman ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng mga artikulong sinulat ko. Kahit papano, pagtanda ko, kung sakaling tatanungin ako ng mga apo ko kung may nagawa ba akong makabuluhan sa buhay ko, masasagot ko sila ng: "Anak, nagsulat ako."

Nakakatawa no? Pero kasi kung tutuusin, dito na lang naman talaga ako may maiaambag sa mundong ‘to. Di naman kasi ako magaling sa larangan ng sports kaya hindi ako pwedeng maging kinatawan n gating bansa para sa mga pandaigdigang paligsahan. At bilang isang taong wala masyadong alam sa larangan ng musika, wala rin akong maiaambag dito. Kung tutuusin ang pagsusulat ang tanging bagay na hindi ko sinukuan, masusing pinag-aralan, at patuloy na ginagawa. Kaya kahit papaano, pwede kong isigaw sa buong mundo na: "Hoy! Nagsusulat ako!"

Di tulad ng iba ko pang mga artikulo, wala naman talaga akong gusto iparating. Gusto ko lang ipagdiwang ang hindi ko pagsuko sa isang bagay. Gusto kong ipagdiwang ang aking patuloy na pagsusulat para maipahiwatig ang gusto kong maipahiwatig. Gusto kong ipagdiwang ang hindi ko pagtigil sa pagsusulat. Pagsusulat na rin kasi ang naging daan para mailabas ko ang kung anuman ang gusto kong sabihin. Pagsusulat na rin ang naging daan para mas maintindihan ko ang aking kapaligiran. Ito na ang aking libangan at ang aking ikalawang puso at utak. Kaya para sa aking pangpitumpu’t-isang artikulo, buong puso kong ipinagmamalaki: “Isa akong manunulat. Di man masyadong magaling, kahit papaano, nagsusulat pa rin.”

"Joseph, writing is a skill. Natututunan yan. Basta gusto mo." ---> my sister

5.16.2005

Fast Forward

Ryan Magtibay

I am now officially dumbfounded by my parents’ attitude nowadays. It seems as if I don’t know them. Back when I was a kid, I would always be precise and accurate at predicting their actions. But now, I have absolutely no idea. Makes me wonder, are we, their kids, the ones who are changing or is it them who are having a lot of trouble catching up with us?

May teorya kasi ako nung bata pa ako na kung kami ay nag-aadjust sa mga magulang namin habang lumalaki kami, sila din nag-aadjust. Siyempre sanay sila na palagi kaming nakasandal sa kanila at hindi alam kung ano ang tama at mali at kung ano ba talaga ang gusto sa buhay. Pero ngayong malaki na tayo, at gusto na nating makatayo, kahit papano, sa sarili nating mga paa, kelangan din nilang mag-adjust sa atin. Nag-iba na kasi tayo ng personalidad, mula sa pagiging isang bata patungo sa isang pagiging matanda, at nagsisimula nang maghubog ng sariling pagkatao. Kung dati hindi tayo natutulog sa ibang bahay ng hindi sila kasama, ngayon ay nagpapaalam na tayo para makadayo at magpalipas ng gabi sa ibang bahay. Kaya kung madalas hindi nila alam kung papayagan ka ba o hindi, normal lang. Kasi nag-aadjust din sila sa paglaki mo.

I also believed in the fact that parents spank-you-because-they-love-you theory when I was a kid. It’s that fact that whatever thing your parents are doing, it’s for your own sake. And that includes spanking and sermons.

Ngayon, ewan ko na. Parang lumabo nang lumabo yung parehong teorya eh. Kaya hindi ko na talaga alam kung maniniwala pa ako o hindi na. Ang gulo-gulo na kasi eh. Ngayon, nagagalit na lang sila over anything. Kahit sobrang babaw nagagawan nila ng paraan para mapagalitan ka. Ang malas ng may matatalinong mga magulang kasi mahirap makalusot. At minsan, parang hindi ka na nila tinatanong kung gusto mo pa ba ang isang bagay o hindi. Sa katunayan, tatanungin ka naman nila. Pero ang tanong ay halatang biased. At tatanungin ka rin nila ng tatanungin hanggang sa makuha ang sagot na gusto nila. Kung hindi naman nila ito makukuha sa pangungulit, gagamitin naman nila ang iba’t-ibang threats at ang i-am-so-very-disappointed-with-you look. Kaya mahirap na rin malaman kung para pa ba sa kapakanan mo iyon o hindi.

Naguguluhan na talaga ako sa kanila. Minsan naiinis na rin. Hindi ka naman kasi pwedeng magpaliwanag dahil "pag-sagot" yun, na isa ring napakasamang bagay. Minsan sinusukuan ko na lang sila. Kung ano pa man yun, susuko na lang ako sa gusto nila. Kasi, para namang may iba pa akong options. Isa pa, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, sila ang gumawa sa'yo at nagpapakahirap para iluklok ka sa kinatatayuan mo ngayon. "Wala ka dito kundi dahil sa amin" ika nga. Kaya bilang pagtanaw ng loob sa paggawa sa'yo, kailangang magkaroon ng respeto.

Either way, I still can’t understand them. And sometimes, I just don’t want to.

Dahil kung may teorya man akong paniniwalaan ngayon, yun ay ang :

"We can’t really understand parents, unless we are already one."

Sa Pagtakbo sa Isang Daang tinawag na buhay

Ryan Magtibay


"When he told me that the place makes him sad because he was ONCE one of these people, I wanted to tell him: 'you know, this place makes me sad too because I NEVER was one of these people.'"

Nagtatalo kami ng kuya ko noon nang sabihin niya sa akin na: "Alam mo, dapat kasi wala na lang mahirap o mayaman. Hindi ba pwedeng lahat na lang ng tao taga-middle class?"

Ang sagot ko sa kanya? Hindi. Imposible naman kasi yun eh. Ang buhay ay parang isang paligsahan sa pagtakbo. Imposibleng walang mauuna. Imposibleng walang mahuhuli. Kahit milliseconds lang ang pagitan ng isang manlalaro sa isa pa, may nauna pa rin at may nahuli. Kaya sa pagtakbo natin sa daang tinawag na buhay, may mauuna at may mahuhuli pa rin, imposibleng lahat ay sabay-sabay; imposibleng lahat ay mapabilang sa isang class lamang dahil palaging may makalalamang at may malalamangan.

Hindi naman mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko. Wala kaming grandiyoso at naglalakihang mga bahay. Nakatira lang kami sa isang paupahang bahay na sa tiyansa naming ay malapit nang bumagsak at magiba dahil sa dami ng anay. Wala rin kaming mga magaganda at malalaking kotse. Mayroon lamang kaming isang maliit na Daihatsu van na second-hand at 1990’s model pa. Saktong-sakto lang rin ‘yon para sa buong pamilya. Pero hindi ko rin sasabihin na mahirap kami. Nakakakain naman kasi kami ng tatlong beses isang araw, araw-araw. At nagagawa rin naman naming kasing makabili ng hindi lang ang mga kailangan namin, kundi ang mga gusto din namin. Kami yung mga taong ika nga nila eh katamtaman lang ang tayo sa buhay; hindi nauuna at hindi rin nahuhuli.

Sa paglago ng teknolohiya ng mundo, marami-rami na ring naimbento ang tao na magpapadali ng kanyang buhay. Pero hindi rin natin maikakaila na ang mga bagay na ito ay matatamasa lamang ng mga mayayaman. Kaya kapag nasa paligid ka ng mga taong may kakayahang makabili ng mga bagay na ito, di mo rin maiwasang mainggit; di mo rin maiwasang mangarap na sana, ikaw rin ay katulad nila na nakakatamasa ng mga bagay na ganon.

Sa katunayan, ayoko nang naiinggit. Bakit? Kasi kung tutuusin, wala naman tayong dahilan o kahit ang karapatan para mainggit sa ibang tao. Madalas kasi pakiramdam natin na mas magiging maganda ang buhay natin kung meron tayo ng kung anong meron ang iba. Pero sa totoo lang, hindi naman eh. Kasi, madalas, may ibang tao na ang pakiramdam ay mas magiging maganda ang kanilang buhay kung meron sila ng kung ano ang meron tayo.

Naisip ko lang, marami sigurong mga taga-squatter's area at lugmok sa kahirapan at pagdurusa ang matutuwa kung makukuha nila ang buhay na meron ako. Marahil pa nga na ang turing nila sa buhay ko ay buhay ng isang hari. Dahil kung ikukumpara mo sa buhay na meron sila, hindi nga maikakaila na mas kaunti ang problema mo kaysa sa kanila.

Tapos gusto mo pa ng buhay ng iba dahil pakiramdam mo lang na hindi maganda ang buhay mo.

Siguro dapat na mas pinahahalagahan natin ang kung ano ang meron tayo. Kasi madalas na wala ang iba niyan.

Kaya kung iniisip mo na marami ka nang hindi natatamasa sa buhay mo dahil lang hindi mo ma-afford ang mga ito, puwes mali ka. Dahil mas maraming ipinagkait sa mga taong mas mababa ang antas ng kabuhayan kaysa sa iyo. At least nga ikaw ang problema mo lang ay hindi mo makayang makabili ng isang i-pod. Kasi yung iba nga diyan, hindi man lang makayang makabili ng makakain para sa isang araw.

Kaya kung naiinggit ka sa iba, isipin mo na lang na kahit papaano dito sa paligsahan sa pagtakbo sa isang daan na tinwag nilang buhay, kahit hindi ikaw ang nauuna, hindi rin naman ikaw ang nahuhuli.

5.14.2005

Wala ka sa nanay ko!

long overdue tribute for mother's day.. haha..

Wala ka sa nanay ko!
Ryan Magtibay

"Mammals tend to seek quality over quantity when giving birth."

Nung sinabi ito sa amin ng teacher ko sa biology, ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay bakit? Ayon sa aking guro, simple lang. Kung marami kang anak, pero wala naman sa kanila ang mabubuhay ng matagal e di para saan pa na ipinanganak mo sila sa mundong ‘to? Kumbaga noong mga pnahon na nagsisimula pa lang mabuo ang mundo at patuloy ang evolution ng iba’t-ibang hayop, mas mabuti na talaga yung isa lang ang anak pero sigurado na mabubuhay siya ng matagal at magagawa niyang magkaanak. Mas mabisa yung panlaban sa extinction.

Ang mga tao ay mammals. Ngunit taliwas sa isinasaad sa itaas, marami sa mga kabataan ngayon ang halos wala na talagang kinabukasan. Maraming bata ang palabuy-laboy at pakalat-kalat sa kalye para mamalimos. Maraming tambay sa kanto na hindi man lang marunong bumasa o kaya’y magsulat; walang man lang edukasyon na kahit papaano sana ay makapagsasalba sa kanila sa kahirapan.

Kung tutuusin, tumataliwas pa nga ang ibang tao sa prinsipyong “quality over quantity” ng mammals. Marami sa atin, madalas ay ang mga taong lugmok sa kahirapan, ang mas gusto pa na magkaroon ng maraming anak pero hindi naman inaaalagaan ang mga ito. Mayroon pa ngang ibang tao na sampu ang anak pero wala naman kahit isa sa mga ito ang may siguradong kinabukasan dahil sa kakulangan sa nutrisyon at edukasyon. Marahil, sa mga nakararaming ito naiba ang aking ina. Dahil noong humihiling ang iba na sana yumaman sila, hinihiling niya na sana ay magkaroon ng magandang edukasyon ang kanyang mga anak.

Tandang-tanda ko pa noon nang mapaluhod ako sa asin ng aking ina noong bata pa ako. At iyon ay dahil sa hindi ko nasaulo ang ba-be-bi-bo-bu na pinapasaulo niya sa akin. Ganun kasi siya kahigpit pagdating sa pag-aaral namin. Bawal na bawal ang bumagsak noon at dapat ang grade mo pa para ma-very good ka ay 90% pataas. Marami-rami ring naimbentong parusa ang nanay ko noon. Nandyan ang habulin niya kami hanggang sa ilalim ng la mesa, ang paglipad papunta sa amin ng kung anu-anong nadadampot niya, ang paluhurin kami sa asin habang may libro sa mga kamay namin, at ang pinakamatinding parusa na pagpapalabas sa amin sa labas ng bahay tuwing hattinggabi.

Pero kung may parusa, mayroon ding mga gantimpala. At galante ang aking ina sa mga ito. Basta mataas ang grades mo, may gantimpala ka. Madalas kumakain ang buong pamilya sa isang mamahalin na restaurant noon, bilang gantimpala sa kung sinuman ang may matataas na grades. Binibilhan niya pa kami ng kung ano ang gusto namin noon.

Kaya ayan, dahil sa mga ganitmpalang ito at sa mga parusa na rin, dumating ang araw na ang pangalan naming apat na magkakapatid ay nakapaskil sa bulletin board ng aming iskuwelahan (iisa lamang ang iskuwelahan naming apat noong elementarya) bilang kasali sa honor roll. Dumating ang puntong madalas na kung umakyat sa entablado ang aking mga magulang, lalu na ang aking ina, para magsabit ng medalya sa isa sa aming apat.

Noong bata pa ako, natural lang na hindi ko talaga naiintindihan ang masyadong pagiging mahigpit ng aking ina. At dahil wala naman talaga akong magawa, nag-aaral na lang ako ng mabuti katulad ng sabi ng aking ina. Ngayon ko na lang, marahil, naipagtanto kung ano nga ba talaga ang halaga ng pagiging mahigpit ng aking ina sa aming magakakapatid noon at sa kung bakit siya nagiging mahigpit sa amin. Kasi pangarap niya iyon. Pangarap niya na mabigyan kami ng magandang edukasyon – na balang araw magiging karapat-dapat kaming magkakapatid bilang isang iskolar.

Sa kasalukuyan, ang aking nakatatandang kapatid na babae ay nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas para sa kursong BS Industrial Engineering. Isa rin siya ngayong iskolar ng Department of Science and Technology at nakapagtapos din bilang isang iskolar sa Quezon City Science High School. Ang aking nakatatandang kapatid na lalaki naman ay katatapos lamang ng high school sa Quezon City Science High School ngayong taon at natanggap bilang isang iskolar ng Department of Science and Technology at ng SM Foundation para sa kolehiyo. Ang aking nakababatang kapatid naman na babae ay katatapos lamang ng elementary at natanggap bilang iskolar sa Quezon City Science High School. Samantala, ako naman ay nasa ikatlong taon na sa high school sa darating na pasukan bilang isa ring iskolar sa Philippine Science High School.

Sa pamamagitan ng aming pagiging mga iskolar, nabibigyan namin ng karangalan ang aming mga magulang at natutulungan pa namin sila sa mga gastos dahil sa wala na silang kailangan pang bayaran na tuition. Kung tutuusin, nagawa na ng aking ina ang kanyang matagal nang pinakamimithi; ang kanyang pangarap. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatrabaho (lalu na ngayong nawalan ng trabaho ang aking ama) para maibigay lang ang aming mga pangangailangan. Sabi kasi niya wala na daw silang maipapamana sa amin kundi ang mabigyan kami ng magandang edukasyon. Kaya ayan, lahat kaming magkakapatid ngayon ay masayang nakapag-aaral sa mga iskuwelahang de kalidad ng libre. At lahat ng ito ay dahil sa isang tao na pilit kaming tinutukan at hinigpitan para lang mag-aral. Ngayon ko napagtanto na ang lahat ng iyon – ang mga gantimpala at kaparusahan – ay para sa amin, para sa aming pagtanda ay magkakaroon kami ng isang magandang buhay.

Di niya lang alam, di lang namin sinasabi, na lubusan ang pasasalamat namin sa kanya para sa lahat ng paghihirap niya. Na sa bawat luha mula sa kanyang mga mata ay karamay niya kami. Na sa bawat iyak na inilalabas ng kanyang mga bibig ay kasabay niya rin kaming umiiyak. Na mahal na mahal namin siya. Kasi ginawa niya ang prinsipyong sinabi sa itaas. Kahanga-hanga niyang nagawa ang kanyang mga tungkulin bilang isang ina. Kasi habang nasisira ang kinabukasan ng ibang kabataan, ang sa amin ay nagsisimula nang mamunga.
Siguro nga ay hindi nakakalipad ang nanay ko. Marahil ay hindi pa siya nakakasagip ng buhay ng ibang tao. Marahil, ay hindi siya tulad ng ating mga bayani na nakapagsalba na ng isang buong bansa. Pero ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa kung ilan ang nailigtas. Ang kadakilaan ay ang pagsasakripisyo ng halos lahat ng nasa iyo para lamang magampanan mo ang iyong tungkulin. At bilang ina, nagawa ‘yon ng nanay ko. Kaya kahit hindi siya isang Darna o isang Superwoman, bilib ako sa nanay ko. Para sa aming apat na magkakapatid, siya ay isang superhero. At ‘yon ay dahil dakila siyang tunay.

"Wala ka sa nanay ko! Iskolar kaming lahat dahil sa kanya!"

5.02.2005

MP3's!

i found two blogs (yes, hindi siya kazaa kaya mas safe siya.) wherein you can download LOTS of Mp3's for free.. pwede ka pa ngang magrequest eh. so sa lahat ng music lovers, its one hell of a cool blog. :p

here are the blogs:

(highly recommended. kaso sobrang bagal magload ng blog niya. pero worth it. kasi pwede kang makapagdownload ng isang buong album. rock-lover din yun may-ari.)
Enough to go by

(ang may ari nito, ballad-lover. most of the songs pa nga ay love songs.)
dg_pnai17

4.28.2005

'Cause I'm Leaving on a Jet Plane

here's the pathetic attempt to create a love story... I actually didn't want to... Naastigan lang ako sa plot... hehe... :)


Cause I'm Leaving On A Jet Plane
Ryan Magtibay

"Oh, don't be scared. Look at it this way. If the plane would crash, it would only hurt for a second."

She gave me the so-what-do-you-mean look that she always give me when I joke around.

"So, you want my plane to crash?" she said in a very sarcastic and almost angry tone.

"I was joking. Don't be scared. Many people ride planes everyday. If planes are that dangerous, the population of the world could've gone down," I said in an assuring voice.

She looked at me, her eyes asking for my salvation.

"If you're still scared, you can always close your eyes and think of happy thoughts," I said wearing a smile.

I watched her walk away to ride the plane that would take her to the United States. It would take her away from him for quite some time and he doesn't know if he could take it. He loved her. But he was scared to lose her, so he never revealed what his heart cries out.

His friends always tell him to finally tell her what he feels. They've been best friends for three years now and during those three years neither of them had any relationship at all. His friends tell him that she also loves him. But he won't listen.

They met at a supermarket. He was trying to buy fish and she was trying to buy pork. They both loved squid. And when both of them saw that only a few were left, they both tried to get it. They quarreled over who should get it. And before they were done arguing, they became friends.

He doesn't know when it was that he fell in love with her. Maybe it was when they met in the supermarket; when she was asking the sales clerk for some discount. And she was laughing all the time. Or maybe it was when they had a dinner at a fancy restaurant. She was late then. And when she arrived, she looked amazing; she was as if a princess. Or maybe it was when they went to the zoo and she was very kind to the animals. Whenever it was, she sure caught his heart.

He hated cupid for some time now. Because of him, he needs to go through a lot of trouble just to try to tell her. None of his attempts were successful, though. He would always chicken-out at the last moment. It's because he feel as if he doesn’t deserve her. But there is a voice at the back of his mind that tries to tell him that they are meant for each other.

Now she's gone. And it would last for four straight months. He feels stupid. If only he had told her before. But he was scared of rejection that he wouldn't be able to take it if their friendship would change because of what he feels. He wants to be more than a friend, yet, if ever she doesn't feel the same way, he wants everything to remain as it is. Though, he doesn’t have any idea if his heart is ready for a no.

Love is, indeed, the most beautiful thing in the world. But it is also the most treacherous. There are a lot at stake. And a single wrong step may mean a disaster.

He stopped at the entrance of the supermarket where they met. He stared at it, admiring it for everything that it has done in his life. He reminisced every single moment that they had, even as friends only. For the next four months, those memories would be the only thing that may quench his longing for her.

His cell phone rang. It was her and she was crying.

"The plane's going to crash. But before my life ends, I just want you to know that I fell in love with you the first time we met."

Rewind

Ryan Magtibay

Madalas kapag may interview noong bata pa tayo o kahit hanggang ngayon tinatanong sa atin ang tila gasgas na sa masyadong pagkakagamit ang katanungang ito:

"What do you want to be when you grow up?"

Sa akin, dati, kapag may nagtanong nito, di na kami bati. Kasi ayoko ng tanong na 'to. At yun ay dahil sa hindi ko naman talaga iniisip kung ano nga ba talaga ang gusto ko maging. Kahit kelan, hindi ko pinlano ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Kung ano lang ang dumadating, yun ang iniintindi ko. "I'll cross the bridge when I get there" ika nga. Hindi ko alam kung bakit. Sa katunayan, ngayon ko nga lang napagtanto ang bagay na 'to. At ngayon ko lang din naitanong sa sarili ko kung bakit nga ba tila hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko maging. At eto ang nakuha kong sagot.

Matagal ko nang inamin sa sarili ko na ayoko talaga kapag may nagbabago sa buhay ko. Naiinis nga ako kapag iniiba ng nanay ko yung ayos ng mga gamit sa bahay eh. Yung tipong hindi ka sanay. Yung tipong nakakaligaw kasi may nagbago. Pero dahil "The only permanent thing in this world is change" wala din akong magagawa. Sino ba naman ako para pigilan ang panahon. Pero hangga't kaya kong hindi magbago, ginagawa ko. Yung mga nakagawian ko nang gawin, hindi ko kailanman sinubukang baguhin. Dahil ayoko nga ng may nagbabago.

Noong bata ako, mukha akong itlog – itlog na tinubuan ng katawan. Kaya dati, gusto kong malaman kung ano ang magiging itsura ko paglaki ko. Pero ngayon parang gusto kong manatili na lang ako sa ganito. Ayoko kapag may nagbabago sa hitsura ko, di dahil perpekto na ito, kundi senyales yun na tumatanda na ako. At, marahil, yun ang sagot sa tanong ko sa sarili. Ayokong tumanda.

Kung tutuusin, bata pa ako. Halos dalawang taon nga ang tanda ng mga kamag-aral ko sa akin eh. Pero pakiramdam ko, hindi ko yata napaghandaan ang pagtanda ko; isang napakalaking pagkakamali. Kasi naman, kapag bata ka, malaya ka sa lahat ng bagay. Wala kang kelangang intindihin kundi ang kung kelan mo dapat tapusin ang pag-aaaral mo para maabutan ang paboritong palabas sa T.V. Walang kahit anong pressures mula sa mundo. Walang samu’t-saring tanong tungkol sa sarili, sa ibang tao, sa buhay na tinatamasa, sa pag-ibig at sa kung anu-ano pa. Walang iniintindi. Kundi ang bagong laro sa kompyuter at kung natalo ba si Ipo Makunochi sa laban nila ni Tate. Walang pakeelam sa ibang tao. Ang pinoproblema lang sa maghapon magdamag ay ang kung mananalo nga ba ang Shohoku sa Ryonan kung wala ang coach ng Shohoku.

Ngayon ko lang napagtanto, ang sarap maging bata. Ang sarap ng walang responsibilidad. Ang sarap ng walang iniisip. Ang sarap ng malaya. Yung tipong ginagawa ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ultimo ngang paliligo, ginagawa pa ng iba para sa iyo. Kahit sa pagkain, susubuan ka pa. Minsan, masarap din pala kapag nakadepende lang ang buhay mo sa ibang tao, kasi nakakahinga ka sa mga bagay na dala ng marupok na mundong ‘to. Akala natin mas masarap ang pakiramdam ng nakatayo sa sariling paa, pero sa katunayan, sa mga pagkakataong punong-puno ka na ng problema mula sa mundo, mas masarap na ang pakiramdam ng nakadepende sa ibang tao, para sila na ang magreresolba ng mga problema mo para sa iyo. Parang noong bata ka pa; kapag may sinapak ka, mga magulang mo ang pupunta sa principal para maki-usap.

Kahit kelan, hindi ko inasam na lumaki. Sabi ko nga sa sarili ko bago ako pumasok sa pisay, "handa na ba ako para sa High School?" Kakayanin ko kaya ang pressure? Ang sagot: HINDI PA.

Gusto ko pa ng mas mahabang taon para maging bata. Gusto ko sana na tsaka ko na lamang tatahakin ang mabato at malubak na daan patungo sa paglaki kapag handa na ako. Gusto ko kasing masulit ang bawat panahon, bawat taon ng pagtanda ko. Pero sino ba naman ako para pigilin ang oras.

Kung tutuusin, wala na din naman akong magagawa. Umangal man ako, para lang akong sanggol iniwan ng kanyang mga magulang sa basurahan at iyak na ng iyak dahil gutom na pero walang magawa dahil nasa loob nga siya ng basurahan. Gusto kong bumalik sa pagiging 8 years old pero hindi nga pwede. Di naman kasi isang pelikula ang buhay ng isang tao na pwede mong i-rewind kapag gusto mong bumalik sa dati.

Ang masasabi ko lang, mahirap ang walang plano sa buhay. Di ka rin kasi nakakasiguro sa mga dadating. Kaya magplano ka na ngayon pa lang. Sagutin ang tanong na nasa itaas at paghirapan ang pag-abot doon. Tandaan mong hindi pwedeng i-rewind ang totoong buhay.

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sanaysay na ito. Taliwas pa rin naman kasi ang gusto ng aking utak sa tama at dapat na gawin. Gusto ko pa ring bumalik sa isang walang pakeelam, walang iniintindi, walang mga responsibilidad na bata. Siguro, marahil, nasasakal na rin ako sa walang sawang pagdating ng mga problema at katanungan sa aking buhay.


"When I grow up, I want to be a kid, again."

4.27.2005

temperature's rising

whew! ang init... at sabi pa ng PAG-ASA na tataas pa daw ang temperature.. 35 degrees na nga tataas pa rin?! haaayyy... di pa daw kasi naaabot ang 37 degrees average kaya tataas pa..




this is when rainy days aren't that bad after all... :p

4.20.2005

Habemus Papam!

"Anuncio vobis gaudium magnum, habemus papam!"

This statement was spoken by Medina Estevez to announce to the whole world that the Catholic Church has a new pope.

It was 11:50 p.m. here in the Philippines while it was 5:50 p.m. at the Vatican City when the news announced that white smoke (the signal of the success of the election for the new pope) is coming out of the chimney of the Sistine Chapel.

I was watching news and I thought it was another false alarm. But, it was not. I got even more excited when the church bells rang (another sign of the success of the election for the new pope, which is a reform made by Pope John Paul II).

The new pope is the German Cardinal Joseph Ratzinger, born April 16 (Belated Happy Birthday New Pope!). He is, now, going to be known as Pope Benedict XVI and as the 265th pope for the Catholic Church.

Nga pala, binigyan ni Pope John Paul II ng isang church ang Filipino Catholic Community sa Rome, ang Basilica Potenciana kung saan tumira si St. Peter. According to Pope John Paul II, we, Filipinos, are the new evangelizers of the third millenium. Mabuhay ang mga Filipino!




Viva Papam!

4.16.2005

Sa isang sulok ng Multi-Purpose Gym sa Pisay

Ryan Magtibay

Buong klase kaming nagpunta sa Multi-Purpose Gym. At 'yon para subuking ayusin ang magiging pagtatanghal ng klase sa isang kumpetisyon na gaganapin din ditto sa may MPG. Inaayos na nga nila yun sa taas eh. Hindi ko alam kung bakit, pero halos magsampalan na ang lima kong kaklase. Masyado kasing nagpapasiklaban sa kung sino ang dapat mamuno at dapat masunod.

Dito sa Pisay, kung wala kang talento, di ka mapapansin. Meron pang mga tao na akala mo kung sinong sobrang galing na kung tingnan yung mga "hindi naman sobrang magaling" e masyadong mapanlait at mapangmata. Pero hindi naman kasi talaga dapat mahalaga kung may makakapansin sa kung sino ka. Ang mahalaga alam mo kung sino ka at hindi mo nababalewala ang mga magagandang bagay na bigay sa’yo ng Diyos.

Pero ayun nga. Dahil hindi naman nila yun maintindihan, ang limang "magagaling" ay nagtipon-tipon dun sa may isang sulok ng MPG habang ang buong klase ay naghihintay sa kanila. Maingay ang buong klase. Nakikihalo din ako sa kaguluhan. Masaya kasi ang klase namin. Lahat palaging ngumingiti.

Kaya naman pagkatapos ng isang oras na pagsisigawan ng kung anu-ano, pagjojoke at pagtatawanan, lahat kami ay napansin na kailangan na naming umuwi. Lalu na ako. Kaarawan ko ngayon. May handa sa bahay. Naghihintay pa doon sa bahay ang sorpresang regalong ayaw nilang pabuksan sa akin kaninang umaga. Hay, ano kaya ang laman noon?

Hindi na talaga ako makapaghintay kaya lumapit na ako sa kanilang lima.


"Uhmm, matagal pa ba tayo bago umuwi? Kasi..."

"Ano? Kita mo na ngang nahihirapan kaming magdesisyon ditto eh tapos mang-iistorbo ka pa," ang halos pasigaw na sinabi sa akin ng kaklase ko.

"Teka lang, ang kapal mo naman. Sasabihin ko lang sana na kailangan ko nang umuwi kasi..."

"E di umuwi ka na! Wala ka namang kahit anong talento eh! Hindi ka marunong kumanta, sumayaw o kahit ano pa na pwedeng makatulong sa pagtatanghal natin. Eh kahit nga pagtugtog ng kahit anong instrumento di mo kayang gawin eh. Kaya okay lang kung wala ka!" sabi ng isa pa sa kanila.


Wala akong nasabi. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Wala akong talento? Ang kapal naman ng mukha ng mga 'to. Hindi man lang nila naisip na nakakasakit yung mga pinagsasasabi nila. Hindi man lang nila naisip na nakakatapyas yun ng pagkatao.

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at umalis. Halos patakbo akong umalis sa MPG. Nagulat nga yung iba ko pang mga kaklase sa ikinilos ko –– kung bakit bigla na lang akong umalis.
Nakayuko at mabilis ang aking paglalakad. Kitang-kita ko ang malubak na daan. Parang buhay ko, punung-puno ng lubak at kung anu-ano pa na gusto akong patumbahin at masugatan. Hindi naman mahirap mabuhay sa mundo eh, alam ko yun. Ang mahirap ay ang kung paano ang maging matatag.

Mahirap makakita ng magagandang bagay kapag puro lubak ang buhay mo. Katulad nitong daan na 'to. Pero lubak. Pero paghihirap.

Minsan ko na ring naisip na mas mabuti pa siguro kung nagging ibang tao na lang ako. Yung taong kabaligtaran ng kung ano ako ngayon. Marahil ay mas nagging maayos ang buhay ko. Pero kasi, sabi nga ng isa kong kaklase sa akin, hindi mo dapat hilingin ang buhay ng iba dahil hindi mo rin naman alam kung magugustuhan mo ba iyon o hindi. At tama siya. Pero miski na. Sa isang tulad ko na walang kuwenta, kahit anong buhay siguro magugustuhan ko.

Madalas kong napapanood sa mga pelikula na kapag namamatay na ang isang tao, mas nakikita ng mga tao ang importansiya niya sa kanilang buhay. Mas napapahalagahan nila ito. Sa mga oras na patay ka na makikita mo talaga kung gaano ka kamahal ng mga tao sa paligid mo. Kaya ng sa mga oras na ganito, sa mga oras na pakiramdam ko wala akong kuwenta, iniisip ko na magpakamatay. Kasi gusto kong malaman kung ano ang importansiya ko sa ibang tao –– kung meron nga ba talaga akong dahilan para mabuhay. Pero naiisip ko palagi na wag na lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung magagawa ba talagang makita ng mga namamatay na iniiyakan sila ng mga tao. Isa pa, kasalanan din sa Diyos yun.

Ang pangit naman ng kaarawan ko ngayong taon. Ang lungkot.

Alam kong nandyan na ang sundo ko. Kanina gusto ko nang umuwi, pero ngayon nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko munang magdalumat. Gusto ko munang mawala ang kung ano man ang nararamdaman ko. Pero saan naman kaya ako pupunta kung saan pwede akong mapag-isa? Eh kung sa liblib na lugar ditto sa pisay na lang kaya. Wala naman sigurong tao dun ngayon. Sana walang nag-stroll na mag-MU ngayong mga oras na 'to para masarili ko ang lugar.

Sa liblib na lugar sa pisay. Alam mo yun. Yung nasa gilid ng ASTB. Yung kalsadang katabi ng creek. Do'n. Kung sa'n makikita mo ang kulay rosas na pader ng Office of the Ombudsman. Kung sa'n tahimik at mahangin. Kung sa’n minsan mabaho dahil sa creek. Kung sa'n bumabaha ng todo 'pag umuulan. Kung sa'n mga sasakyan lang na dumaraan ang kalaban mo sa pagiging isa. Kung sa'n paborito ng ilang mag-MU na maglakad. Do'n.

4.06.2005

Tribute to the pope

Believe
Ryan Magtibay

And the story started with a man who never really valued Him that much. A man who had a faith so vulnerable that a slight touch is enough to make it tumble and disappear completely. He thought it was enough. Until, the storms came.

It made him doubt. It made him lose inch by inch his so-called faith. It drove him to the point where he was all alone in the dark. It placed him on a situation that was full of questions, questions that seemed endless and unanswerable. He reached the point where he finally asked Him: “Why is my life miserable? Why is my life very different from those people who are very happy right now? Why do I have to be so different? Am I not deserving of their life?


I have a classmate who I idolize for his being God-fearing and for his incredible faith in God. And once more, I pitied myself. If only my life could have been like his, I would probably have a strong faith in God to. But I was wrong.

I went to their house one time. And he was able to introduce me to some of his relatives who live there. He was only able to introduce me to his mom, though. Why? His dad wasn’t there because of the simple reason that his mom and dad broke up years ago. And both of them have different families now. He belongs to a broken family.

And I do not. I have a family that remained strong through the years that passed. I know what it feels like sitting on the dinner table with every member of your family. And he doesn’t.

I realized that even though God took away from him the privilege of having his family intact, he still has faith in God. He accepted it. And only because it is His will. This made me feel ashamed. I realized God gave me an intact family and never even thanked Him for it.


Then there was the pope. I was able to watch the life story of Pope John Paul II. And it occurred to me: The pope went through a lot of hard times in his life, but his faith remained unscathed. He lost the last member of his family, his father, when he was twenty. He went through the World War II. Yet, he accepted everything and kept on following God’s will. He appreciated the good things God gave him and accepted those that are bad.



And then he realized God was with him all the time. All he needed to do was to look beside him and there He was. God didn’t make his life miserable; he made it look as if it is. All he needed to do was to appreciate the life given to him by God because all this time, he was invisible to himself.

“I’d rather be invisible to others than be invisible to myself.”

“God is with you. Just look.”
Literary piece? Para sa clearance? No way!

Besides, kung ang topic ay CHAMPACA, e di hindi mo nga magagawan ng plot yun! Kahit siguro matagal na akong nagsusulat ng mga short stories (na medyo walang kuwenta.. hehe..), mamamatay na muna ako bago pa makagawa ang utak ko ng isang plot para sa isang short story tungkol sa CHAMPACA. Bakit?

Kasi champaca ‘yan eh. Matagal ng naisulat ang storya ng buhay ng mga taong ‘to.

Isa pa, ayon nga kay Sir Mardan: “We are not a part of Champaca. Champaca is a part of us.” So, creating a short story about Champaca is like creating 30 different short stories. Kasi yun tayo eh. Tatlumpung personalidad na pinaghalo-halo gamit ang blender para makagawa ng isang shake na tinawag nilang Champaca.

Kaya bilang isang pasaway, eto, essay na lang, isang MAIKLING essay.


Champaca ‘to at si ryan lang ako
Ryan Magtibay

I have been living in this world for almost fifteen years now. And I realized only now that I have rarely praised anyone. Maybe it was because I was really a perfectionist. In order for me to praise, it has to be flawless, whatever it is I am judging. And well, ten months ago, I met my match.

Ayokong mapunta sa Champaca noon. Pero di dahil sa mga kaklase ko. Di ko pa naman kilala mga kaklase ko noon eh. Siguro dahil nahulaan ko na kaagad na: “It would be a tough life being a champaquito.”

And it sure was. But I never regretted a single thing about me being in Champaca. Because this is where “incredible” is an understatement. This is where “wow” is stamped in the four corners of their room. This is Champaca: “Nothing less than the best.”

Pero I hated it. Di ko alam kung bakit. Siguro masyado ka rin kasing maooverwhelm sa “greatness” na dala nito. Masyadong matayog ang lipad. Hindi ko maabot.

Don’t get me wrong. I’ve tried. Champaca is a tough place to be, especially if you’re vulnerable. They could tear you into pieces in just a matter of seconds. “Survival of the fittest” ika nga.

Pero kahit na naging mahirap para sa’kin maging champaquito, kahit na eto yung section na talaga namang sumubok sa lahat ng kakayahan ko ( mula sa faith ko kay God hanggang sa tiwala ko sa sarili), kahit na Champaca ‘to at si ryan lang ako, sinubukan kong lampas an. At sa bawat pagsubok ko na ‘yon, may narerealize ako nab ago tungkol sa buhay ko. Dito ko napagtanto lahat ng pilosopiya ko sa buhay ngayon. Yun kasi ang epekto ng Champaca sa isang tao. “It leads the person to the right path.” Paano? Sa pamamagitan ng impluwensya ng iba’t-ibang taong kabilang sa grupong ito. Dito kasi sa Champaca may maka-Diyos, maka-tao, maka-hayop, maka-kalikasan, lahat na. Dahil sa mga sira-ulong ‘to kung bakit ngayon, “I’d rather be invisible to everyone than be invisible to myself.” Kung bakit para sa akin ngayon, “Life has to be cruel. Or else, you would never learn its ways.” Kung bakit naniniwala na ako na “It is not God who forgets, it is us” at “God is like our shadow. The only difference is that it is always around even if and especially if there is no light source anywhere.” At kung bakit para sa akin ngayon: “You miss a hundred percent of the shots you don’t take.”

Kaya nga sa lahat ng mabuting impluwensiya na ito sa akin, buong puso akong nagpapasalamat.

“Champaca ’07 made me a better man.”

3.27.2005

Sa Isang liblib na lugar sa Pisay

Ryan Magtibay

Sa liblib na lugar sa pisay. Alam mo yun. Yung nasa gilid ng ASTB. Yung kalsadang katabi ng creek. Do’n. Kung sa’n makikita mo ang kulay rosas na pader ng Office of the Ombudsman. Kung sa’n tahimik at mahangin. Kung sa’n minsan mabaho dahil sa creek. Kung sa’n bumabaha ng todo ‘pag umuulan. Kung sa’n mga sasakyan lang na dumaraan ang kalaban mo sa pagiging isa. Kung sa’n paborito ng ilang mag-MU na maglakad. Do’n.

Sila kasi eh. Parang di ako tao na may pakiramdam. Parang hindi ako masasaktan sa kung ano man ang sasabihin nila. Maramdamin ako. Di ko lang pinapakita. Kasi kung ipapakita ko, aba, e baka mawindang sila. Iba yata magalit ‘to! Di lang nila alam. Ayoko rin na malaman nila. Ang pangit naman kasi kung marami kang kaaway. Dito pa naman sa pisay, kelangan mo ng tulong ng ibang tao. Di ka mabubuhay ng walang masasandalan paminsan-minsan. Kelangan mo ng mahihingan ng tulong. Lalo na’t tinedyer ka na. Eto ang bahagi ng buhay mo kung sa’n kailangan hubugin mo na ang iyong sarili – kung sa’n dapat malaman mo na kung sino ka ba talaga. Kasi kung hindi, malulunod ka sa dami ng tanong na walang kasagutan.

Minsan, may nakapagsabi sa akin na para magawa mong mabigyan ng halaga ang sarili mo, – makilala ang sarili mo – dapat makawala ka sa sarili mong kulungan. Dapat maging malaya ka. Dapat kapag humarap ka sa salamin, tanggap mo ang bawat parte ng kung ano ang makikita mo. Kapag kasi nagawa mo yun, tsaka mo lang mararanasan ang kung paano ang lumigaya – nang walang halong inggit sa iba dahil meron sila ng wala ka.

Pero siyempre, bilanggo pa rin ako sa sarili kong mga rehas. Kahit ilang ulit ko na kasing sinubukang hanapin ang susi na magpapalaya sa akin, wala pa rin. Kaya ayan. Heto ako. Nasaktan sa masasamang salita na nagmula sa kapwa ko tao. Kahit masyadong mababaw ang mga salitang yo’n, malalim ang naging sugat sa pagkatao ko.

Kaya heto, tumatakbo na naman ako papunta sa liblib na lugar na ‘to sa Pisay. Para magpatulo ng luha. Para ilabas sa hangin ang nararamdaman. Para ibuhos ang galit sa mga punong hindi gumagalaw. Para hingan ng sagot ang mga dahong pumagaspas sa simoy ng hanging nagdadaan. Para huminga. Para makalimot.

Pagdating ko do’n ay tumingin ako sa paligid. May isang van na nakaparada sa gilid ng kalsada na malapit sa creek. Walang sticker ng Pisay. Baka hindi taga-rito. May inaayos kasing programa do’n sa may gym. Baka sasakyan ng mga technician. Wala namang tao sa loob. Kaya, sa madaling salita, walang tao sa paligid. Ayos. Umupo ako sa may bangketa at yumuko. Grabe. Halos maiyak na ako. Pero pinipigilan ko pa. Ayokong mamula ang mga mata ko. Baka mahalata pa nila na umiyak nga talaga ako. Kaya tumingala na lang ako. Para kahit papaano mapigil ang mga luhang gusto nang pumatak. Hay. Ano bang buhay ‘to.

Sa pagtingala kong ito ko nakita, ang ganda pala ng langit. Naalala ko tuloy ang bakasyon namin sa Baguio nung nakaraang taon. Napakasaya no’n. Di ko alam kung bakit ko naalala, pero napangiti ako nito. Parang isang joke na hindi naman nakakatawa pero mapapangiti ka sa sobrang kakornihan. Gano’n. Nakakatuwa. Naalala ko tuloy yung kaklase ko na nadapa tapos biglang tumayo sabay kaway. Nakakatawa yo’n! Tawa nga nang tawa kaming magakakaklase eh. Natatawa tuloy ulit ako. Hindi ko kasi makalimutan kung paano sumakit ang tiyan ko no’n. Nakakatawa talaga. Parang yung biruan namin barkada sa caf. At tsaka parang yung pagakakataon na naipasa ko ang aking mahabang pagsusulit sa araling panlipunan kahit puro letrang E lang ang sagot ko. Tapos halos lahat ng kaklase ko bumagsak sa pagsusulit na yo’n. Naaalala ko pa ang nakakatawa nilang mga mukha na hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nakakatuwa yo’n. Nakakatawa. Nakakangiti.

Matagal na rin pala ako dito. Maraming beses na rin ako napangiti ng lugar na ‘to. Maraming beses napaiyak. At maraming beses na din ako nitong pinatahan. Parang ngayon. Kanina lang umiiyak ako, pero parang pinipilit niya na maalala ng utak ko ang mga bagay na makapagpapasaya sa akin para mapawi ang lungkot ko.

Siguro hindi talaga ako nakakakulong. Siguro matagal na akong nakalaya, pero hindi ko lang nakikita – hindi ko lang pinapansin. Kasi kung tutuusin, marami nang maliligayang sandali na nangyari sa buhay ko. At kung titingnan ko ang mga iyon, hindi naman talaga ako masyadong malungkot. Maraming binigay ang Diyos sa akin. Kailangan ko lang pansinin ang mga iyon.

Bukas, iibahin ko na ako. Pangako yan. Bukas, mas bibigyan ko na ng pansin ang mga magagandang bagay sa buhay ko. Bukas, pahahalagahan ko na ang buhay na ipinahiram lang sa akin ng Diyos. Bukas.

Tumindig na ako dala ang ngayo’y isang ngiti. Marami nang magbabago sa buhay ko bukas. At magsisimula iyon sa akin. Nagsimula na akong maglakad paalis sa liblib na lugar na ‘yon sa pisay.





Sabi nila nakagapang pa raw ako. Kadiri naman. Sana ay hindi naging pula ang daan dahil sa ginawa kong paggapang. Ang pangit naman siguro kung parang kinulayan ko pa yung daanan ng mga kotse para lang makagapang. Ngayong mga sandaling ito marahil, maraming tao sa liblib na lugar sa pisay dahil sa nangyari sa akin. Nagkakagulo siguro sila. Wala kayang klase dahil sa akin? Naku, kailangan magpasalamat ng mga kaklase ko sa akin n’yan.

Pero naisip ko, baka mas maging liblib pa ang lugar na ito pagkatapos ng araw na ‘to dahil sa nangyari sa akin. Baka kasi isipin pa nila, magmumulto ako do’n. Hindi siguro.

Sayang. Isang bukas lang ang kailangan ko eh. Magbabago na sana ako. Pero hindi na ‘yon dumating. Hindi ko na nasilayan ang bukas. Yung van kasi eh.

2.24.2005

"Hindi ka pinanganak para sa kagustuhan ng ibang tao.."

May sinulat akong entry dun sa isa ko pang blog, entitled: "Revalation". Nakakatuwa, actually, kasi yun yung unang beses na nagsulat ako tungkol sa tunay na pangyayari sa buhay ko. At may nag-comment.. At eto ang sinabi niya (isang blogger na nagngangalang joiz):


"...may mga bagay talaga na hindi mapapasa-iyo, pero may mga bagay na hindi mo alam na kung mapapasaiyo iyon, makasasama lang sa yo.pero eto lang, hindi ka pinanganak para sa kagustuhan ng ibang tao. hindi ka isang picha na magpapatangay sa hagis ng kamay. gawin mo gusto mo.... hanggang sa hindi ka nakalalaya sa sarili mong kulungan, hindi ka sasaya..."



tama siya.. at wala na akong gustong iparating pa kundi ang sinabi niya..

Kudos sayo 'joiz'!

1.18.2005

"Lahat na ng tao galit sayo, di mo ba napapansin?"

sori ah dahil hindi ko napansin.

"Kasi naman nagvolleyball pa eh."

sori po. di ko naman sinasadya na magvolleyball dahil BREAK natin at dahil wala na naman talaga ako SUPPOSSEDLY gagawin.

"Marunong ka mag-guitara? Weh?! Di nga?! Niloloko mo ba ko?!"

wow. mukha ba akong ganun ka-bano?

"Akin na nga yang guitara. Kumanta ka na lang."

sori kung nakakarindi.

"Gusto ko sa isang lalaki yung magaling mag-basketball. Ikaw hindi ka naman marunong kaya yuck.."

fine. sori tanga lang eh.



Sapat na yang mga yan para hindi na ko muli pang ngumiti sa mga susunod na araw.

Actually, wala na akong pake. Ano ngayon kung bano? So? Tao pa rin ako. Kahit walang kwenta, tao pa rin. Ang sama niyo din eh noh.


Gusto ko lang sabihin na kahit actions speak louder than words, words hurt people more than actions do.

Kaya bago kayo magsalita, isipin niyo muna. Kasi hindi niyo alam kung gaano kalaki ang epekto nun sa tao. Pwedeng isang salita lang, sira na ang buong araw ng isang tao. Pwedeng isang salita lang, spat na para kuwestiyunin ng isang tao ang kung sino siya. Isang salita lang ang kailangan para maramdaman niya na handa na siyang tapusin ang buhay niya. Kaya wag kayong ganyan.

Minsan mas maganda pang mag-shut up na lang.

1.09.2005

Wow. It’s amazing how you can browse through someone’s blog and be amazed at how majestic his posts can be. It’s not the fact that he is writing about something that matters. Actually, he’s not. All of his writings are just his opinions about things in his school, his favorite television show, his band, Hollywood, and a lot of other stuff that in my opinion, others won’t care about. What is marvelous about his writings is the fact that he expresses so much about him in every post that reading his entire blog is enough for you to know him better than his parents does. It’s the fact that in every post, he expresses what he cannot say in front of a real, breathing person. As a writer, I am amazed at how he writes and what he writes. This is simply because he can turn things that are “not so important” into something that makes life worth living. May the “prolonged hiatus” end as soon as possible because I already miss reading things that are ‘not so important’ in your blog.


To the writer of the blog “Subliminal Messages”:

I have improved my English because of you. Kudos.

1.03.2005

A promise.. haha...

okay fine... I promised God that my next post on this blog would be about Him or, maybe, religion... But, the idea that I wanted to present on that post, unfortunately, is not yet that concrete.. It still has more loopholes that I want to solve.. hehe.. Though, this post would still be about Him..

I was able to finish my novena (am I right? Is that really what you call it?) of attending nine eucharistic celebrations that would be held during the night (actually, it's held at around 1-3 a.m. when it is still cozy outside and people are either asleep or still sleepy...). Anyway, the point is, I was able to finish it. For the first time ever. It is actually a tradition here in the Philippines and it is believed that if you are able to complete the nine Eucharistic Celebrations, you can make a wish and that wish would, definitely, come true. Well, I made a wish. I won't tell you guys what it was. But I just hoped it would come true. It won't hurt to believe naman, di ba?

Anyway, this post is actually pointless.. I just want to say that during the earlier parts of my life, I actually doubted the existence of God.. And I am so sorry that I did that.. I'm starting to become religious this past few days... I would even join the Ministry of the Altar Servers on our parish.. hehe.. Well, I promised God that one, too..

Ngayon, kung itatanong niyo kung bakit iningles ko 'to, ito ay dahil sa gumagawa ako ng Filipino Project sa kasalukuyan.. At kung hindi ako mag-iingles, baka makalimutan ko na kung paano... haha...

Happy new Year everyone...