12.10.2007

This is a rant

If you think cell structure is all about ribosomes, lysosomes, nuclei, etc. and that you've memorized everything about them when you were in high school, think again. Try zonula occludens, macula adherens, dictyosomes' cisternae, glycocalixes, clathrins, and the mucopolysaccharides of cell walls in prokaryotes.

It's nauseating. Grabe. Histology I can handle, but this? Torture! O, yeah, this is a rant. I can't help it see. Ranting is like the most efficient and effortless thing that one can do to fight extreme tiredness and bad schedules like this one:

8-10 am: Bio 22 Lecture Departmental Exam
1-3 pm: Chem 14 Departmental Exam
4-6 pm: Math 100 Departmental Exam

What's worse than two departmental exams on two critical subjects on the same day? Three departmentals on three critical subjects on the same day.

Did I mention the exams are on a saturday?

Where's the spirit of Christmas and the "be merry, have fun" mood on proffesors this season???

12.08.2007

Kinder pa lang, sugarol na

Maliit ang mundo. Sobra. Haha. At marahil lalong mapapatunayan yan ng isang tao kapag nasa kolehiyo na siya, kung saan dumaan na siya sa pre-school, elementary, at high school na nagbigay sa kanya ng maraming taong nakahalubilo, naging kaibigan, o kahit nakilala lamang ng minsan. At pagtungtong ng kolehiyo, mas lumalaki ang pagkakataong ang bagong mong kakilala ay kakilala rin ng dati mong kakilala, o kaya’y kaibigan din ng kaibigan mo nung high school, o kaya kapatid ng pinsan ng naging girlfriend mo, o minsan pa yung ano ng ano ng inano mo na aanuhin din ng ano mo. Yung ganung tipo. Parang biglang lahat na lang kayo magkakakunekta. Parang bigla na lang yung akala mo mga kaibigan mo nung high school na walang koneksyon sa buhay mo nung elementary o nung pre-school eh magiging kaibigan ang mga taong naging mahalagang parte ng buhay mo.

Yan ang nangyayari sa akin ngayon. Kaya nga ganyan kahaba ang panimula ng sanaysay na ito eh. Gusto ko kasing magpakaseryoso sa kung ano man ang isusulat ko ngayong gabi. Ay teka madaling araw na pala. Oo, produkto ito ng pagrerebelde ng katawan ko na mag-aral tungkol sa pagdami ng basic unit of life. Pero wala na yung kinalaman dito kaya hindi na ako magpapaliwanag pa.

Ngayong mga panahong ito kasi, kaibigan na ng mga kaibigan ko nung high school ang mga kaibigan ko noong bata pa ako. Kaya naman tuluyan nang nasira ang dating ipinagmamalaki kong “compartmentalized life.” Oo, ang buhay ko noon ay hinahati ko sa iba’t-ibang aspeto: pamilya, eskuwelahan-pre-school, eskuwelahan-elementary, eskuwelahan-high school, malalapit na kaibigan, kaaway, Diyos, atbp. At sinisuguro ko noon na walang dalawang aspeto ang magdadaop. Gusto ko kasi ng ganoon. Para maari akong maging kung sino ang gusto ko kapag kasama ko ang pamilya ko o kaya’y kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Para lang hindi magulo at kaya kong ibahin ang pagkatao ko ng hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang tingin sa akin ng iba. Para kung pakiramdam ng iba masungit ako tapos gusto ko nang maging mabait, tatalon ako sa ibang aspeto ng buhay ko at iibahin ang aking sarili ng walang kahirap-hirap. Pero wala eh, dahil bilog ang mundo, nasira ang aking nakagawian.

Ayos lang naman talaga. Siguro, sa paglaki ko ay unti-unti na rin akong nasanay na makihalubilo sa mga tao kaya nawalan na ng saysay ang pagiging hati-hati ng buhay ko. Nakakatawa lang kasi ngayon na yung mga kakilala ko nung bata ako, kakilala na rin ng malalapit kong kaibigan. Akalain mo nga naman.

Nung nasa pre-school pa lang ako, tandang-tanda ko noon ang hitsura ng isang babaeng may katabaan at laging nakapulbos. Siya yung tipo ng bata noon na talagang bantay-sarado ang pag-aalaga. Wala naman akong gusto sa kanya noon pero ganun yata talaga kapag bata ka tapos gusto mong maging top 1 kaso lang may humahadlang sa mga pangarap mo. Nauuwi ka sa pagtitig at pagmasid sa taong nakakatalo sa iyo sa larangan ng akademiko at iyong iniisip kung may magic ba ang batang iyon at ang galing-galing niya at na kung mayroon man ay hihingi ka. Ang pagkabata nga naman. Pati pala ako naapektuhan noon. Iniisip ko tuloy kung kusang may pagka-creative ang utak ko noon o may pagka-engot lang talaga ako.

Anu’t-anu pa man, hindi naman naging hadlang ng matagal sa aking mga pangarap ang batang tinutukoy ko dahil isang taon lamang (yata?) ang nagdaan at kinailangan niya nang lumipat ng eskuwelahan na siya namang ikipinalakpak ng aking mga tainga. Pero hindi naman ako isang mumunting demonyito noong mga panahong iyon para hindi man lamang malungkot sa kanyang pag-alis. Oo, para ako noong si Ipo Makunochi na ayaw pakawalan ang pinakamagaling na nakalaban at siyang nakatalo sa akin para magkaroon pa rin ako ng pagkakataong matalo siya. Sa totoo lang, kahit hanggang ngayon, para sa akin ay siya pa rin ang nanatiling pinakamatalinong babaeng nakilala ko kahit na noong pre-school ko lang talaga siya nakilala at isang taon lang kami nagkasama. Ganun kataas ang tingin ko sa kanya noon at hanggang ngayon. Kaya sa likod ng pagkatuwa na may pagkakataon na akong maging top 1 (wala eh, competitive talaga ako noong bata ako wala na tayong magagawa don. haha), nanatili ang pagnanais na sana, malay mo, isang araw, magkita kami ulit.

Ngunit ang dahilan ng pagnanais na iyon ay hindi ang upang magawa kong makipagpatalinuhan sa kanya. Hindi naman ako ganoon kababaw at ka-GC. Tao ako, kung iyong mamarapatin. Ang tunay na dahilan ay dahil bata pa lang kasi kami ni Jaimie, ang pangalan ng matabang batang mapulbos na aking kinukwento, sugarol na kami. Haha.

May pustahan kasi kami noon ni Jaimie. Bata pa lang kasi iyan, kakaiba na ang pananampalataya sa Diyos. Pero magkaiba kami ng relihiyon. Katoliko ako at Protestante yata siya, kung hindi ako nagkakamali. At ang pustahan: Sinong mauunang papasukin sa langit, ang mga Kristiyano o ang mga Katoliko?

Astig noh? Kung tutuusin, maaring maging malalim ang tanong. Pero kung seseryosohin, wala siyang sense. Kung konteksto kasi ang pinag-uusapan, na malamang hindi naman namin alam noon, Kristiyano din ang mga Katoliko at dahil “universal” ang ibig sabihin ng “Catholic”, Katoliko rin lahat ng mga Kristiyano. Mga kinder nga talaga oh, kunwari pa ang lalim ng pinag-uusapan.

Nakakatuwa lang dahil matagal na rin palang panahon ang nakakaraan noong nakipagpustahan ako kay Jaimie. At sa matagal na panahong iyon, nakakatawa rin na mismong ang mga Protestant Christians na nakilala ko sa aking paglaki ang naging mahalagang bahagi ng aking buhay at naging isa sa mga bagay na nagtulak sa akin para kilalanin ang aking sariling relihiyon, paniniwala, at ang nag-iisang Diyos na pareho naming sinasamba, pinasasalamatan, minamahal, at itinataas. Naging isa sila sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ko, kung bakit nagkaroon ito ng direksyon, kung bakit mas may kahulugan ito ngayon at kung bakit nasa tamang daan ako ngayon dahil lamang sa pagkakaroon ng malalim na paniniwala sa Kanya. Kung tutuusin kasi, dahil sa iisa naman ang Diyos na sinasamba ng mga Katoliko at Protestante at nagkakaiba na lang talaga sa mga ibang paniniwala at ginagawa, napakadaling makihalubilo sa kanila. At napakasaya noon. Kaya nga taos-puso ang pasasalamat ko na sa pagtahak ko sa buhay na ito, nakatagpo ako ng mga taong katulad nila.

Marahil, yun ang gusto kong sabihin kay Jaimie sakali mang bigyan kami ng pagkakataon na magkita muli, lalu pa’t malapit na rin siyang kaibigan ng aking malapit na kaibigan at kabarkada ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako nakalimot sa pustahang dapat sana’y sa muling pagkapiling pa namin sa Kanya aming malalaman kung sino ang panalo. Gusto kong magpasalamat dahil iminulat niya ako sa aking mga responsibilidad sa pagkilala sa aking Ama at sa relihiyong noo’y ipinagtatanggol ko na. Gusto kong ipagmalaki ang taas ng pagtingin ko sa mga nakilala kong katulad naming Kristiyano na may di matinag na pagmamahal sa Kanya. Gusto kong sabihin na napagtanto ko nang walang mananalo sa pustahan namin dahil malamang sabay kaming papapasukin ng Diyos sa Kanyang kaharian bilang pantay Niyang mga anak.

Gusto kong sabihin na masaya ako’t walang matatalo sa pustahan dahil kalauna’y aming mapagtatanto na pareho naman pala kaming alagad ng Diyos at na matagal nang maliit ang mundo dahil konektado kami ng aming paniniwala sa Kanya.

At kaya nga marahil anu’t anu pa man, dahil sa Kanya, maliit ang mundo. Sobra.

11.12.2007

kaTULAD pa rin NG DATI


"Anong gagawin kung ang bagay na nawala ay hindi mahanap, hindi mapalitan, at hindi makalimutan? Tatanggapin."

-"Tulad ng Dati", Cinemalaya 2006 Best Picture

Nagkaroon ng "mini reunion" ang eme nung wednesday. Bakit? Para i-celebrate, supposedly, ang mga kaarawan nina ed (Oct.7), Ivy (Oct.26), at Jackie (Nov.4). Haha. Take note, Nov. 7 na yung reunion ah! Siguro ganun nga talaga pag magkakaiba na yung buhay niyo. Madalas hanggang happy birthday text message na lang. At kahit ganun lang, masaya ka na dun.

Pero nung wed., sinubukan naming maging unique. nagcelebrate kami kahit sobrang late na. Gusto pa naming sabihing "Better late than never" pero magiging masyado nang halata. Basta ang point lang, gusto lang din talaga naming magkita-kita. Kaya ayun, kahit halos wala naman talagang dahilan (except yung fact na manglilibre si Jackie. haha), nag-reunion kami.

Oo, dani, ginagawa ko ang post na to kasi nag-request ka. Pero totoo lahat ng sinasabi ko dito. Hindi ko na dapat ipopost ito sa blog na'to dahil napagtanto ko na rin naman ang sagot. Pero sige na nga, para sa'yo.

Nalulungkot ako sa imed dahil wala kayo. Kaya nung wed, kahit anong mangyari, sukdulang lakarin ko papunta sa pizza hut sa katipunan para lang makisali sa kulitan. alam kong magiging masaya ao sa araw na yon dahil makikita ko kayo. Di ako nagkamali.

Ayoko kasi talaga ng "changes." at kahit hindi ko masyado pinapansin, nalulungkot ako kasi hindi na kayo yung mga lagi kong kasama. kasi nagkakaroon na tayo ng iba't-ibang buhay. kasi nahihirapan na rin tayo minsan na mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay dahil magkakaiba na tayo ng tinatahak na daan. magkakaiba na experiences natin. di na iisa.

titigil na ko sa paggamit ng capital letters. nakakatamad pindutin ang shift eh. pero di tulad ng katamarang nararamdaman ko ngayon, di naman talaga ako tinamad na umasang kayo pa rin yung barkadang magpapasaya sakin kahit wala kayong ginagawang kahit ano.

tinanong ako ni dani nung party nina mara ng: "Aren't you guys glad na tayo ang magbabarkada?" Haha. Di mo lang alam dani, ang tagal ko nang nagpapasalamat. Sobra.

Kahit pilitin ko, hindi ko kayo mahanap sa imed. haha. wala kasi akong choice eh. kayo lang naman talaga yung kumportable akong kasama kasi kilala niyo ako. wala nang adaptations na kailangan. wala nang adjustments.

parang nung nasa bahay tayo ni Ed. wala tayong ginagawa pero masaya tayo. si Rob busy sa pagintindi sa mga responsibilidad niya na kahit dapat nagsasaya na siya all the way, mag-eexcuse talaga siya at gagawin ang dapat niyang gawin. just like why i'm so proud of him. Jackie was her usual self, loud and talkative. may saysay yung mga kinukwento at sinasabi. higit sa lahat, maingay. si Jeriq joke pa rin ng joke. tapos biglang nag-zoning at nag-gitara. tapos matakaw pa rin. si Jake din nagjojoke kahit hindi masyadong napapansin ng mga tao. si Ivy mahalay pa rin at humalay pa nga yata lalo. siyempre maingay din siya buong time at kwento ng kwento. si Joriel nakikipag-wrestling pa rin sa mga tao. Tapos si Ed, being his usual self, humihirit at the most unexpected moments hat makes us laugh hard. At si dani, tahimik at nakangiti, parang kala mo tuloy, katulad ko, nagre-reflect din siya at nao-overwhelm dahil once again, magkakasama kami.

Minsan natatakot ako na balang araw, sa sobrang layo na ng mga nangyayari sa'min, mahihirapan na kaming mag-bonding ulit. Yung bonding na parang ang bilis lang ng oras at wala naman kayo talagang ginagawang kahit ano pero nage-enjoy kayo.

Minsan naman gusto ko nang sipain ang sarili ko dahil ang cheesy talaga nitong mga naiisip ko at nararamdaman.

Kaya siguro hanggang ngayon, si Hopee at si Dane pa rin ang guso kong katabi sa imed. Kasi ayoko pa ring mawala yung barkadang dahilan ng karamihan ng mga ipinapasalamat ko sa buhay. Pero naaalala kong dahil nga rin pala sa inyo kung bakit natuto ako kung paano makisalamuha sa ibang ta, tumanggap ng mga bagong kaibigan, at maging bukas sa mga pagbabago. Dahil nga pala sa inyo kung bakit kahit dati, kahit gaano ako kausapin ng ibang tao, hindi ko sila papansinin lalu na pag hindi ko sila kilala, pero ngayon ako pa ang magsisimula ng pag-uusap.

Katulad nga ng sinabi ni Jett Pangan, kung hindi mahanap sa iba, hindi mapalitan ng iba, at hindi rin makalimutan, kailangan na lang tanggapin. Pero guso kong maniwalang hindi naman kayo nawawala at hindi mawawala. Andyan lang kayo sa may kanto, naligaw lang ng konti kasi hindi niyo alam kung paano lumiko ng medyo U-trn lang.

Sabi ko sayo cheesy eh.

Na-miss ko kayo, eme. Sobra. At wala pa rin kayong palya. Sa kabila ng mga pagbabago, katulad parin kayo ng dati.

10.01.2007

Better Caesar than Beethoven

I've been having check-ups and tests at the PGH to determine why my left ear ceased to function back when I was in Grade 3. Finally, after 7 years. Haha. Well, at least I just really want to find out what caused it (and make sure it won't affect my right ear or affect me in any other way that would prevent me from becoming a doctor. sayang kaya ang 7 years!). My parents want to find out if I can hear again. It's okay for me if I won't be able to just as long as no other part of my being would be affected. After all, after 7 years, I think I've developed much adaptation to accept and live with the fact that I'm half-deaf. Just like Ceasar.

But see, the doctors are thrilled with my case. I think if Dr. House would meet me, he'll find me interesting enough to cure (or not yet because apparently I haven't had any life threatening moments which I hope would stay that way). Why thrilled? Apparently, (warning: medical jargons are about to pop up) a profound and sudden hearing loss that passes the Calorics Test is not normal. Why? I have no freakin' idea. I guess first year medical students (that are not even in the medicine proper yet!) still do not possess the ability to determine what test results mean. Haha. Seriously. I guess we can only guess. But I really did try to understand the stupid graphs that the machine that did my tympanometry produced or the stupid signs and graph-like thingies that the doctor wrote during my speech audiometry. I tried. But failed miserably. Haha.

To get to the point, the doctors want a CT scan of my temporal lobe and they have decided to refer me to their, guess what, consultant (Consultants are, well, the doctors who have finished their residency, fellowship, etc. Its a long process so they're well experienced. :P). Apparently, my case is serious or interesting enough to be taken in by the condultant. (We're talking about UP doctors here! But I guess, a specialist would be able to give a better diagnosis.) I'm yet to have my CT scan and my rendezvous with the *tantananan!* consultant.

Their (the doctors who checked me) guess is that I may possibly have an inborn condition that manifests only after people grew up. And the guess came with the warning that my right ear might also have the condition which would make me fully deaf if I'm not careful.

To make matters worse, my mom informed me that our famly DOES have a history of such a condition that resluts into ears becoming deaf. So the guess misght actually be true. (House, where are you when people need you?!)

The news came like a "whoah!". I mean, I'd rather be off like Ceasar than Beethoven! (well, except for the talents and such. hehe.) Seriously, I'd kill myself if the world decides to deprive me of the ability to hear. At least, I know I won't be able to take it well. Please, God, help.

Haha. Soemtimes we take for granted things. I took for granted the fact that I'm half-deaf. I actually somehow liked it because it makes me unique. Now its something serious. Way beyond being uniqe.

I just wish I'm way way beyond becoming "special".

9.19.2007

My Gastrocnemia is Hot.

Haha. Gastrocnemia ang tawag dun sa muscle na nakaumbok sa may leg mo. Yung matabang part. Yun. Sabi ng teacher ko kung gusto mo daw maging hot ang legs mo, dapat defined ang gastrocnemia mo. haha.

Kahapon, ang bastos ng dila ko. As in lantarang kung anu-anong phrases na mali ang wording kaya nagmumukhang iba yung meaning na lumalabas sa bibig ko kaya feeling ko andami kong na-offend. Hay nako. Bad tongue.

See, powerful ang words. Yung simpleng paggamit ko ng Taglish na sentences sa mga blog entries ko may implications sa akin at sa nagbabasa. Yung simpleng hoy nga lang pwedeng makapagpasaya, makapagpatawa o makapagpagalit sa isang tao eh. I once mentioned in one of my essays that I believe no matter how much actions can speek louder than words, words would hurt more than actions do.

Minsan lang talaga, ang hirap pigilin ng lumalabas sa bibig natin. Minsan pa compelled ka na ipagtanggol yung ibig mong sabihin. Pero baka lalo lang lumalala.

Haha. Akala mo ang seryoso ng nangyari sa akin eh no na parang napaaway ako and all that. di naman. Napansin ko lang.

Tsaka wala na aksi akong masabi. Believe me, ang daming nangyayari sa buhay ko sa imed at sa upmanila (like the fact that I have another crush that sings like, whoah. She should have won. Stupid judges. Pero class 2010 ata siya haha. so either 4 years ang tanda niya sakin o 6 years. but who cares?! Haven't I just said she's really pretty and she sings like an angel?!) at nakakapagod na rin siya. Pero madalas kasi, hindi masyadong malaki yung impact ng mga yun para matandaan ko at magawan ng blog entry pagdating ko dito sa qc ng saturday. Hindi ko na magawang matandaan pa ang mga ganung bagay. I still have Gastrocnemias, auxins, giberillins, Colegio Dental de Liceo de Manila, and cos (A+B) to remember!

Hay. How unfortunate but I still have to go back to the Insular Board of Health that was established through Act no. 157 and its members (both active and honorary).

UP Kami, San ka pa?!

Matatapang, Matatalino, Walang takot kahit kanino.

Late na to pero wala lang, nakakatuwa pa rin. :P

Congrats UP Pep Squad (2007 UAAP Samsung Cheerdance Competition Champions!)! Ang astig ng routine na yun! Pulido!

Isa pa ulit para sa sentenaryo!

Stand above the rest,
UP is the best!

9.09.2007

On why to-do lists are on stat messages

fine. i really just wanted to post something relevant today other than mcsmall.

natatawa lang ako kasi kapag palagi akong nagoonline sa YM, may isa hanggang limang taong may to-do list bilang stat message. hindi ko alam kung uso yun o ano pero hindi ko talaga alam kung bakit nila pinopost. di naman makakaapekto sa ibang tao. o siguro reminder na rin para sa iba in case may nakalimutan silang gawin. o kaya naman isa yung polite way sa pagsabi na: "hoy, walangya ka, kita mo na ngang busy ako buzz ka pa ng buzz dyan! get a life! o kung ayaw mo, give me one wherein i won't fail to accomplish my academic requirements!" haha. o baka naman masaya lang talaga gawin. haha.

pero mukhang nagalit ata sakin yung mga tao. nung ginawa kong status message yung tanong ko nawala lahat ng to-do list nila eh. hehe. sorry

kidding aside, nakakalungkot din na makita ang mga ganung status message. lalo na kapag yung mga makikita mo, iba-iba. As in walang pareho kahit isa. makes you think, 'shet, parang kahpon lang, sabay-sabay kaming nagkacram ng str final paper at english write-ups.' ngayon, halos wala nang pakeelamanan. halos wala na ngang may alam kung ano ang ibig sabihin nung ginagawa nung isa and vice-versa.

may nagsabi sakin dati na ang true test ng bond o ng closeness ng dalawang taong taga-pisay na magkaibigan eh kapag nasa college na sila kung saan magkaiba sila ng course o kaya magkaiba talaga sila ng college. tapos kapag nagmeet sila, siyempre magkaiba na sila ng experiences. magkaiba na sila ng direksyon. dun matetest kung amidst the distance, may bond pa rin. lalu na akpag wala nang intersection ang mga bagay sa buhay niyo. kapag totally can't relate na ang isa sa isa. dun. dun masusubukan.

so 'bonded' pa ba kayo ng mga kaibigan mo? kung oo, congrats. kung hindi, sayang.

haha. akala mo walang point ang post na to no?! in your face! hahaha.

McSmall.

It's like the single most depressing thing I've had today. The rest were happy moments. haha.

ANG LIIT NA NG BURGERS NG Mcdo. And to think sabi ko pa sa kuya ko dun na lang kami kasi mas masarap ang burgers ng mcdo (escept for Jollibee's Chicken Burger which is to die for). Tapos nagintay pa kami ng 15 minutes para sa order namin kasi hindi pa luto. tapos... tada! may isang bubwit na sausage mcmuffin na inabot yung crew. grabe. nakakagalit. parang eggnog lang! joke, hindi naman. pero ang laki kasi ng niliit niya. parang anu ba, alam kong tag-hirap pero wag mo namang ipamukha samin ang height ni gloria at ang size ng economy ng bansa! alam na namin yan!

(oops, the economy is growing na nga pala dahil sa mga kawawang OFW. still. maliit pa rin. :P)

--//

moving on... wait. hindi ko kaya. i can't help it!! grabe! pag naaalala ko yung mcsmall burgers nanggagalaiti ako. why?!?! why?!?! why do you have to make my venerated burgers so small?!?! WHY?!?!?!?!?!

8.26.2007

UPCM Class 2014: Walang Katapat

At unang birit pa lang, napatunayan na namin kaagad.
==========================================
UPCM Class of 2014
Labing-apat, Walang Katapat!
First Intarmed Class to Win the Lady Med Competition (2007)
First Freshman Class (LU I) to Win the Lady Med Competition (2007)

==========================================


Lahat pinaghirapan. Lahat pinagpawisan at pinagtiyagaan. Lahat nagpursigi at naniwalang kaya naming ipamukhang may ibubuga ang intarkids.

It was one exhilirating and exciting event. Higit isang buwan naming pinaghandaan yung Lady Med at sobrang astig katrabaho ng 2014. Pulido trumabaho ang bawat isa. Nakakabilib. As in maasahan mo sila at alam nila yung responsibilidad nila sa class. Lahat nagbigay ng malaking effort para dun sa competition. And it felt so good na nagkaroon siya ng malaking bonus!

Nasa kalahati pa lang nung program, nararamdaman na namin na nate-threaten na yung upperclassmen. I was already hearing things like: "Ok naman yung contestant natin, kaso ibang klase talaga si miss fire!" and "Hmm, magaling si miss fire eh, medyo tagilid.."

Ibang klase yung pakiramdam nung inannounce yung nanalo tapos natameme yung upperclassmen dahil, bam!, bigla na lang taob silang lahat! We were able to show that abilities and talents are not at all related to age. halos lampas 6 years tanda nila samin. Pero taob pa rin!

Katulad nga ng class motto, ang labing-apat, WALANG KATAPAT.

We made history. And let us continue doing so. Conquer TRP at MediSCENE! Show them that we are something to be scared of!

Congrats 2014! Job well done, future doctors!
---
P.S. Sobrang salamat din sa aming buddies, ang 2013, na todo suporta samin! Kasabay namin silang pumalakpak at nagpugay nung announcement of winners! Salamat 2013!

8.18.2007

"The Five People You Meet In Divisoria"

Nagpunta kami sa divisoria kahapon para bumili ng sash materials, tiaras, crown, at scepter para sa Lady Med sa friday. Taga-UP po kasi kami at hindi namin kaya ang offer ng Robinson's Ermita na 1000+ pesos para sa bubwit na tiara. Kaya, no choice, kelangan naming mag-divisoria ni Shayne.

=======================================
Commercial muna:
2007 Lady Med: The Gaia Project
Friday. August 24, 2007. 6 pm.
BSLR-East, University of the Philippines-Manila
Please support UPCM Class 2014's representative, Nico Rogelio, a.k.a Shanikwa, as Miss Fire!
We do accept donations (money or toletries) that would go to UPCM-MSC environmental projects and the Elsie Galves Village for the Disabled.
=======================================

At dahil lahat ng tao sa dorm aalis at may pupuntahan except si pito, nahatak din namin siya para sumama. pero bago pa kami sumakay ng dyip para mag-divisoria, may dilemma na.

Dilemma # 1: What to bring, how to bring them.

Sa totoo lang, nakakatakot pumunta ng divisoria kasi lantaran ang kalokohan dun eh - snatcher, holdaper, at marami pang -er. Tapos ang dami pang babala na kesyo wag ka daw magtatanong sa mga tao dun kasi baka lokohin ka, at kung anu-ano pa na mas lalung nakapagpatakot sakin. Hindi ko naman first time sa divisoria. Si pito yun. pero nung una kasi, takot na takot din ako eh.

Lalu naman kahapon. May dala lang naman kaming 5000 pesos na hindi namin pera dahil kelangan naming ipambili yun ng mga tiara, crown at scepter. Sa takot, hinati ang pera. 3000 kay pito, tapos tig-isang libo kami ni shayne. at least pag may na-holdup or sumthing, may masasalba kami kahit konti. Tapos wala nang bag. talagang sukdulang wallet at cellphone lang. dapat nga di na rin kami magdadala ng cellphone eh. kaso baka mawala kami sa divi kaya no choice. As in todo-todo ang pagiging cautious namin.

Ayun. sakay sa jeep. andar. tapos dilemma # 2.

Dilemma #2: Paano naman namin malalaman na nasa divisoria na kami??

Natawa nga ako sa tanong ni Pito eh. Nasa divisoria na ba tayo? Ano ba hitsura nun? hahaha. Sa pagkakaalam ko, marami lang tindahan yun eh. tapos marami ding tao. yun lang. wala naman talagang land mark na bubulaga sayo para iparating na, hoy, divisoria na to!

Pero yun nga yung catch, basta pala bumagal na yung dyip tapos madami nang tao sa labas at sandamukal na ang mga stall na nagbebenta ng kung anu-ano, divisoria na yun. hahaha.

Dilemma #3: Buying the stuff we came there for.

At ito yung pinaka-mahirap. Pero ito yung pinakamasaya. Kabaligtaran kasi ng naisip kong kahihinatnan namin sa pagpunta sa divisoria, mababait yung mga taong nakausap at tumulong samin. at walang nangyaring masama. There were five people who magically helped us buy the things we needed. Yung babae dun sa dyip na pinagtanungan namin kung nasa divisoria na ba kami at tinuro samin kung san pwedeng makabili ng mga tiara. Binigyan pa nga niya kami ng mga babala katulad ng kuhanin muna ang bibilhin bago ibigay ang bayad, etc. Tapos sobrang linaw talaga ng mga directions niya patungo dun sa mga pwede naming mahanapan ng mga hinahanap namin. Andyan din si Manong na nagbabantay ng shop nung mga tiara na sobrang bait mag-entertain at yung boss niya na binigyan pa kami ng discount. At siyempre yung baklang tumulong saming magconceptualize para dun sa sash at yung kaibigan niya na binigyan din kami ng tawad.

Ayun. Nakauwi kami ng maayos. Walang nangyaring masama samin. Nag-enjoy pa nga kami kahit papano dahil nakita namin ang isa pang mukha ng Maynila. Nabili din namin ang mga dapat naming bilhin at nakabalik ng matiwasay.

So anong point? Nagsimula ang araw na yun na akala ko sobrang daming masamang bagay na mangyayari. Pero hindi eh. May mababait at matulungin pa ring mga tao sa mundo. Sa mga pagkakataong akala mo puro masasamang tao na lang ang masasalubong mo - puros mga makasarili at walang pakeelam sa kapwa - may limang taong ibabato si God sayo para tulungan ka at hindi mapahamak.

Akala ko talaga mahohold-up kami or sumthing bago kami makauwi. nakalimutan ko, may Bantay nga pala ako. :)

(title from shayne. :P )

8.17.2007

Congrats Rob!

yun lang. simple, short, yet deserves a blog entry. :)

Basta kahit anong mangyari, bawal kang ma-corrupt in any way, ah!

Change the world. :)





P.S. Sorry I wasn't able to help that much. Naging busy ako all of a sudden eh. Sori. You won anyway so there. :)

PGH = The Snake Pit + 97

97 years na lang, kasing edad na ng blog na to ang PGH. naks. malapait na. :P

Anniversary month na ng blog ko ngayong august. August 26, to be exact, at three years old na ang blog na to. Sana magawan ko siya ng bagong skin. Sorry, snake pit, wala akong computer at time para gawan ka ng bagong skin eh. kapag pa naman lumalaki ang snakes, kinakailangan nilang magpalit ng bagong skin. tsktsk.

Happy Birthday, Snake Pit. Salamat at, tatlong taon na ang nakakaraan, binigyan mo ko ng kakaibang kalayaan. :)

7.22.2007

And so I post in this currently rotting blog.

It's hard to study in UP Manila, see. I don't own a laptop in any case (but you can make my life better and easier by givng me one! So call now! Call within the next five minutes and have the chance to give me a cool new phone!) and I most certainly do not want to waste money going to internet cafes just to bloghop and post a blog entry about things I'm sure my Limbic System would remember anyway. I'd rather eat. My dorm is expensive enough, thank you (not to mention we think we are being swindled already by our landlady. but that's debatable.). So there. Even with all the hype of UPM, I'd rather not post.

So why post now?

Well, let's just say my teachers were kind enough not to give me homework (wherein I would shout a loud and proud "yey!"). So I have time. And access (which my sister now provides. dati kasi ako bumibili ng net card eh. ngayon siya na. yey!).

So here are the more serious and relevant matters this entry is supposed to be about:

Babay KG! Adios to my oh-so-brave classmate and housemate that is brave enough to venture into the world of Singapore. Seriously, if I were you, I would have had a nervous breakdown way way before because I would most certainly be lost and dumbfounded if I'd find myself alone in a foreign country. But you do have your dreams and this path is certainly better for you. So good luck in Singapore! I know you are brave enough to tackle all the hindrances that you may encounter. Ingat ka do'n! And remember that iMed 2014 is always proud of you and that you'll always be number forty!

Rob's running for a position in the Annehoe. And his rival is a *toot*. haha. sorry, sorry. scratch that. what I mean is that his rival is a real POLITICIAN. Foul Play kung mag-campaign eh! (And this is the part where I'll start speaking in tagalog because seriously, it's more effective to say these thing in Filipino. :P) Kung hindi mo kayang manalo ng hindi ka maninira ng ibang tao, pwes magsama-sama nawa kayo ng mga pulitikong hindi dapat binubuhay dito sa mundo at nagiging sanhi ng di-demokratikong mga halalan dito sa Pilipinas. Nawa'y ang mga katulad mo ay tamaan ng kidlat. (Back to my Americanized and overly unnationalistic and apathetic mode of talking.) Besides, you told people that Rob is mayabang (say that in a conyotic way as if imitating a miriam student). Eh fishing nga lagi yang taong yan eh! Joke ka naman eh! I haven't even seen him be mayabang in any way and we've been friend for four years! Buti sana kung sinabi mo na mataba siya o kaya may bilbil siya o kaya nagiispray siya ng laway minsan kapag nagsasalita. Pero mayabang? Naman! Anyway, in case you don't win, Rob, it just means it's not for you and that Annehoe would have to stick to people like her. Good luck sa candidacy! And I'm sorry with this part of my blog entry. I can't help it, see. :)

I love my intarmed classmates. And this part needs no expounding whatsoever. :D

I don't know what else to write so I'm off to make my Pisay movie review. :P

7.09.2007

Birthday Gift

I received my birthday gift from God yesterday, 07-07-07.
hanep magregalo to si God.
priceless.

timely pa. haha. salamat God!
tapos salamat na rin kay Bo. :)

"Our hearts will rise as You open our hearts and we see You in glory and we're taken by love! And we shall know, even as we're known, You are Love Eternal, You are the One!"

6.15.2007

Why UP Manila and *ehem* UP Diliman are in the same league

haha. natuwa kasi ako ng sobra sa speech ng chancellor ng UP Manila dahil SOBRANG kinontra niya ang UP Diliman for some reason. haha. And here are the reasons he gave why UP Manila is the BEST UP Campus ever. (well, that is kung hindi ka taga-UP Diliman kasi kung diliman ka, imposibleng tanggapin mo ng buong puso ang huling statement na sinabi ko. hahaha.)

1. UP Diliman may be the flagship campus of the premier university in the Philippines, but UP Manila is the cradle (a.k.a. birthplace) of the UP System.

2. Real life is not very much mirrored by the looks of the UP Diliman Campus, as they often say. With all those trees and well-groomed grasses that complete a scenario of a huge garden, their campus is far from real life in the Philippines. Eh sa Manila: Paglabas mo pa lang ng building, may makakasalubong ka nang batang sumisinghot ng rugby! Tapos lakad ka lang ng konti, sandamukal na ang bangketa sellers! YUN ang real life! haha.

3. Kilala ang Diliman sa mga rally na palaging nagaganap sa loob ng campus nito. PEro di mo ba naisip, ang boring mag-rally sa Diliman. Ang audience mo mga puno. Eh pag sa Manila ka nag-rally, laging may advantage dahil ang audience mo ang DOJ at ang Supreme Court!

4. Ang rejection rate ng buong UP System ay 87%. Ang rejection rate ng Diliman Campus ay 92%. Pero ang Manila Campus, mas metikoloso, dahil ang rejection rate nito ay 95%!

5. Last but not least, walang panama ang Shopping Center ng Diliman sa Robinson's Place ng Manila!

Haha. Pero di nga. People should start realizing that UP Diliman is not higher than UP Manila or any other campuses. Mas mataas pa nga ang cut-off sa Manila kesa sa Diliman eh. Main Campus lang talaga ang Diliman at mas marami siyang course na maooffer. Pero hindi porke't nasa Manila ka, ibig sabihin mas magaling lahat ng nasa Diliman sayo. Mali yun. Andami kasing course sa Manila na wala sa Diliman. Medicine pa lang eh. Tapos Nursing. At marami pang iba. At good luck na lang kung meron ding fisheries ng UP Visayas ang Diliman.

So kung anuman ang pinakamagaling na campus, depende na yun sa yo at kung saan ka naka-enroll.

Pero enough about the campuses. Wala naman talagang war between them. Haha. Natawa lang talaga kaming lahat dun sa speech nung chancellor dahil talagang pinamukha niya sa min na hindi kami nagkamali ng pinuntahan. :)

6.08.2007

Blame Sir Args

Sabi ko kasi kay Sir Args: "Sir Args! Nagscience course ako!" Kasi kapag nagdidirect ako ng mga presentations ng electron, lagi niya akong sinasabihan na hindi daw ako magsa-science course at mag te-theater daw ako. Kaya kanina, nung bumalik ako sa pisay, proud naman akong pinagmalaki na mas pinili ko ang larangan ng agham kesa sa sining.

pero hindi eh. Sir Args never fail to hit me back. Sabi ba naman niya:

"Intamed ka di ba? Okay lang. Matagal pa (panahon mo para marealize)."

wah. nakakaiyak. At sa totoo lang, mas natatakot na kong pasukin ang intarmed. Natatakot akong baka sa gitna ng seven years, titigil na lang ako bigla at magku-quit. Ayoko kasi ng may sinisimulan na hindi tinatapos. Kaya nga hindi ako sumuko sa Pisay noon eh.

Pero ngayon, nalilito na ulit ako. Si Sir Args kasi eh. Tsaka napagtanto ko na, kahit ngayon, excited na ko magstart ang pasukan di dahil sa classmates o kahit sa mga pag-aaralan namin. Excited na ko kasi merong mga play at contests ang med within the year. Katulad ng TRP, Mediscene, atbp. At excited na ko makapagdirect o kahit makapagrelay man lang ng mga ideya sa teatro. Kamusta naman yun.

I knew it was her.

And up to this day, she's the only one that can make me freeze in an instant and make my heartbeat go ten times faster.

Nanginginig ako literally. as in. at pagkakitang pagkakita ko sa kanya na nakaupo sa front lobby ng pisay, lumiko ako kaagad at dumiretso dun sa transparent na salamin na nagsisilbing dingding na naghihiwalay sa front lobby at cashier para lang, guess what, magsalamin. at nung nagsasalamin na ako, narealize ko na para akong babae na nagiging self-conscious bigla kapag nakakita sa crush nila at, oo, nahiya talaga ako at ganun ang naging reaksyon ko. kaya, naglakad na lang ako pabalik kung saan siya nakaupo para kausapin ko na lang siya. pero nung malapit na ko sa bench na inuupuan niya, hindi ako tumigil at sa halip, naglakad pa ako at umupo sa isang bench na malayo dun sa inuupuan niya. nagtetext siya nun kaya hindi niya ako napapansin. pero shet, ako nanginginig na ako sa kaba sa dahilang hindi ko mawari at hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. magpapakilala ba ko o hindi na lang? naisip ko baka pag nilapitan ko siya tapos kinausap ko siya tapos hindi pala siya yun at kamukha niya lang, nakakahiya. yung tipong:

"hi. diba classmates tayo dati?"
"ha? hindi kita kilala."
"ah, ok. sori."

baka akalain niya pick-up line lang iyon. tapos naisip ko pano kung siya nga yun, edi eto na yung pagkakataon na makausap ko siya ulit after what seemed like an eternity of not hearing any news about her. pero kung ano pa man ang naiisip ko nung mga sandaling yun, wala akong sinunod na kahit ano sa mga yun at nanatili lang ako sa upuan at patuloy na nanginginig. as in. tapos ang lakas ng tibok ng puso ko. parang all of a sudden, naging hayok sa dugo yung katawan ko na pinipilit nilang magpump ng sobra yung puso ko. hindi na talaga ako magkaintindihan nun. ano ba kasing ginagawa niya sa pisay? it's actually the last place i'd expect to see her. buti na lang dumating si ***** at ****. and ***** saved me from the extreme uneasiness I was feeling during those times dahil dinala niya ako sa gym. and for what seemed like half an hour. i was back to my old self.

pero yun kasi ang epekto niya sakin eh. ever since i was a kid, everytime i'd see her, the next few hours would be filled with thoughts ABOUT her and nothing else. ewan ko ba, closed book na kami pero hanggang ngayon ganun pa rin.

after a while nagpumilit na rin akong bumalik kami sa front lob. at nung nandun na kami, i wasn't directly looking at her - only at the edge of my eyesight but i knew she was looking at me too. ilang beses ko siyang nahuling nakatingin pero hindi pa rin ako nagrereact kahit naguusap at nakaupo kami ni kariz sa isang bench na two benches away lang mula sa inuupuan niya. i was trying to pretend not to notice. pero sa loob ko, i was so happy. REALLY happy. kasi naalala niya pa ako. kahit yung kung ano lang ang itsura ko.

pero hinihiling ko na rin nung mga panahon na yun na dumating na yung tatay ko. kasi naman, as usual, TWO hours late na siya. at hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag dumating yung point na hindi na ako makapagkunwari na hindi ko siya napapansin.

then ****** came, and guess what, nag-hi sila sa isa't-isa. so that confirms the fact na siya nga yun. tapos, eto namang sira-ulong ******, tinawag ako at pinagalitan dahil hindi daw ako namamansin samantalang kanina pa nakupo dun yung dati naming classmate. hindi ko na alam nun kung ano yung sinabi ko. basta nagpalusot ako. at deep inside, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagbatch shirt lang ako ngayong araw na to at hindi ako nagsuot ng mas magandang polo o kung anu man. tsaka bakit hindi ko sinunod ang first instinct ko na magsuklay at mag-gel. mukha tuloy akong tanga.

at hindi lang yun, ang walang hiyang ****** ay nilabas pa ang camera niya at nagrequest ng picture. siguro kung nakaloud speakers ang heartbeat ng isang tao, nabroadcast na sa buong pisay ang lakas ng tibok ng puso ko nung mga panahon na iyon. hindi naman ako makahindi dahil nakakahiya. at hindi man halata, gusto ko nang kainin ng lupa noong mga panahong iyon habang kinakausap ko namin siya ni ******.

turns out nakapasa pala yung kapatid niya sa pisay. in short, batch 2011 yung kapatid niya. at sinusundo nila ng mom niya. badtrip. now i have another reason why i want to be a pisay student again.

NAKAKAINIS siya kasi siya lang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito. siya lang ang tanging tao na makakapaginspire sakin na sumulat ng mga love story at ang tanging tao na pwedeng maging dahilan para sumulat ako ng ganitong tipo ng blog entry kahit sobrang labag sakin ang gawin ang mga bagay na yun (di ba Cheska?) kasi nga gusto ko morbid. at siya lang ang may kapangyarihang iparamdam sakin ang ganung tipo ng extreme uneasiness.

it's not really the romantic feeling in any way na katulad nung mga scenes sa mga sucky teenage romantic TV series. at least, siguro naman hindi na ko in-love sa kanya. nagulat at nahihiya lang talaga ako. siguro parang remnants lang ng isang first love ng isang tao. hindi yung first girlfriend ah. yung tipong first cupid-strikes-you-with-an-arrow-and-falls-head-over-heels-with-a-person-accepting-everything-about-her-and-loving-her-no-matter-what kind of love. siguro kaya first love never dies. dahil may mga ganitong remnants na nananatili sa isang tao. kung sa bagay, siya ang unang taong (at tanging tao so far, by the way), without actually doing or saying anything at all, na nakapagparealize sa kin nung bata pa ako na: "hala, kelangan maligo na ko araw-araw para pag nagkakilala na kami, hindi siya mahihirapan na makasama ako kasi ang baho ko."

see, I knew it was her the moment na nakita ko siyang nakupo dun sa front lobby. how could i forget? at, in fairness, after so many years, she's still the most beautiful girl I've ever seen.

I may never have this kind of (a VERY unexpected) chance to see you again but I still wanna say, I'm sorry.

6.06.2007

Ang Labing-Apat, Walang Katapat!

I realized on my way back home that I have to blog about Batch 2013's orientation program for us freshies for a very important reason: Crush ko si Ate Serine! Haha. She's pretty. Actually, the moment she entered the room, I immediately wished she's also a freshie. Then again, it wasn't exactly my lucky day. Ate Serine is, VERY unfortunately, a sophomore (or LU II, whichever you prefer, but I think the latter is more appropriate, hehe.), and is Nico's buddy that SHOULD HAVE BEEN MINE, if only I was able to snatch first Nico's card during the Buddy Selection, which was entitled BUDdychotomous Key, by the way, and is really cool expecially if you remember Bio 1 in Pisay (the greatest moments of my life *daydreams* hehe. Go Ma'am Cardenas!). There. I asked him to switch but he refused. :(

And why the hell am I talking in straight english? "ko" at "si" palang ang tagalog dun ah! Rob, this is your fault. Haha.

Deh. MAraming "bloggable" thing na nangyari kanina. Ang galing kasi gumawa ng Batch 2013 ng activities eh. At ang Pinaka-astig: "The Undercover 2013".

Anung nangyari sa activity na yun? Wala lang naman. All of a sudden, naging 41 lang naman ang intarmed students. Tapos niloko nila kami sa pamamagitan ng pagpapatake sa amin ng quiz na, ayon sa kanilang panlilinlang, ay magiging basehan kung sino ang maaaccelerate sa amin papuntang 2013. In short, kung sino ang highest, second year na kaagad. Siyempre nagulat naman kami, at oo, naloko ako kaya hindi ako magkaintindihan kung ipapasa ko ba yung exam o ibabagsak ko. Pero siyempre feeling ako eh. Mahirap pala ng sobra yung exam (tapos inisip ko pa na mapeperfect ko. haha.), kaya bagsak talaga ako. Pero pagkatapos namin kumain ng lunch, inaannounce na lang nila na merong dalawa sa amin ang nagpapangap lang na isang taga-batch 2014 at, sa lubos na katotohanan, ay talagang kabilang sa batch 2013 at pinaglololoko lang kami all the time na ka-batch namin sila. Naks. Siyempre lahat kami nagulantang. Kaya naman pala may ma-aaccelerate eh, kasi may mga taga-batch 2013 naman pala talaga samin. Bwiset. Tapos yun pinahulaan nila at makaraan ang ilang sandali, nagladlad na ng tunay na pagkatao ang mga mapagpanggap.

Haha. In fairness, yung isa dun sa mga nagpapanggap, si Kuya Kim, nung nasa may lecture hall kami ng BSLR-E, akala ko din originally med proper na siya. haha. Pero hindi ko siya sinulat dahil naniwala ako na isa siya sa makakasabay kong magtapos sa Dalubhasaan ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas pagdating ng taong dalawang libo at labing-apat. Hindi pala. haha.

Ayun. At SOBRANG astig nung trailer thing na pinakita nila samin. WOW. kamusta naman ang P90 na budget na ang layo ng narating. haha.

Tsaka mabait silang lahat. :)

Pero pinagod nila kami sa pamamagitan ng isang walang hiyang amazing race sa may UP Manila Campus. Katulad ng sinabi ko, wala kaming campus grounds at kalat-kalat ang building. Mantakin mo ba namang ang first station namin ay nasa Padre Faura at kasalukuyan kami noong nasa Pedro Gil. Waw. Ang LAYO. Pero wala eh. Magaling kami. Third Place. Haha. Best na yun ah! :P

At may tradition na dapat may cheer ang bawat batch:
Batch 2010: "Basta 2010, Bigatin!" (wowowee!)
at ang BAtch 2013: "Dos Mil Trese, Lahat Posible! (Globe. Haha.)

May sponsors yung batches! Hehe.

Overall, this has been the best Orientation Program I've attended. Astig ang 2013!

EDIT: ang daming beses ko nang naedit ang entry na to! ang dami ko kasing mali sa grammar. anu ba yan. hehe. may mali pa ba?

5.31.2007

Amici

Amici means friends. Naks. Akalain mong bukod sa naenjoy ko ang Libre ni clar, may natutunan pa kong foreign word! :P

Para kay Clar, HAPPY BIRTHDAY!!! 18 ka na at dalawang taon na lang, hindi ka na rin teenager. hehe. Salamat sa pagiging malaking bahagi ng buhay ko. Di ko na rin matandaan kung paano tayo naging magkaibigan. Ang naalala ko na lang ay bigla na tayong naguusap nung engjourn workshop. Those workshops couldn't have been the same without you! Actually, Eng journ couldn't have been the same. Nakakainspire kasi yung passion mo for journ. Nakakabilib ng sobra na nagpursigi rin ako para maging magaling sa ginagawa ko. Nung una, nagworkshop ako kasi gusto ko lang matuto pa ng lalo sa pagsusulat sa english. Wala akong plano magcontest nun. Pero dahil sa inyo ni ray2, nainspire na akong subukan. Buti na lang pala! haha. Sana mapagpatuloy mo yung writing career mo kahit comp sci ang course mo. :P At siyempre, lalung hindi kita makakalimutan dahil sa pamamagitan mo, at ni Rob at ng marami pang taong nakapalibot sa akin, mas lalo kong naintindihan kung bakit matagal ko nang minamahal ang relihiyon at mga paniniwala ko tungkol sa Kanya. Lumapit ako ng sobra, di pa man ganun kalapit, mas malapit pa rin ng di hamak ngayon kaysa dati. Sobrang dami kong tanong na gumugulo sakin for so long na sinagot niyo lang in a quick second. At lahat yun ay dahil sa inyo. For that, I owe you guys a lot. Thank you so much. :D

I guess all I want to say is that I'm overwhelmed by the fact that God made ways for me to become your friend. Blessing ka, sobra.

Sana madagdagan pa ng sobra-sobrang dami ang 18 years ng buhay mo dito sa mundo. Thanks for making a mark in my life. :D

5.19.2007

enrollment adventures # 2

block 13 ako. the Filipino Block. haha. unlike Nico, though, I'm not depressed about it. hehe. Nagustuhan ko nga yung block ko eh. kahit papano, babalik na ko sa wikang minamahal ko ng lubos. nagsawa na rin ako sa kasusulat sa ingles noh. Eng Journ pa lang at STR, buryong-buryo na ko eh. alangan namang hanggang college putaktihin pa rin ako ng mga: "Be consistent with your tenses, Ryan." bwahahaha.

----

Andami palang taga-Pisay sa I-med eh! as in! sa huling bilang ko, merong 15 na Pisay-Diliman, 3 na Pisay-Ilocos, 3 na Pisay-Bicol, 1 na Pisay-Cagayan, 1 na Pisay-Visayas, at 1 na Pisay-Davao.

naks! 24 out of 40 mula sa Pisay System! haha. masaya to. :P

----

wala na kong masabi. haha. sa totoo lang, ang adventure ko na lang tuwing enrollment ay yung pagcocommute mula sa bahay namin sa QC papunta sa manila. mantakin mo ba namang nung isang araw eh biglang tumigil yung MRT. akala ko nga sasabog na kami eh. hehe. umandar naman ulit, pero siyempre napeste yung mga tao. late na nga, mas lalo pang nalalate. :P

5.15.2007

Naniniwala ako. :)

Ikaw?

(Sinula ito ni Andrew Faner Torres. :) Alpha Company, Cadet 1st Lieutennant yan! hehe.)

---//

Bitin?
Andrew Torres

Ang Pilipinas ay minsang kinainggitan ng mga bansang nakapaligid dito dahil sa taglay nitong likas yaman at mamamayan. Ito lang naman ang tahanan ng mga taong nagbuwis ng buhay, nakipaglaban para sa kasarinlan at nagtagumpay. Mangyari ma'y magkaroon ng isang diktador, ang alab ng puso sa bawat Pilipino'y patuloy na nagliyab, sumigaw, lumaban at muli, nagwagi. Kaya't hindi na nakakagulat kung ang Pilipinas ay gawing inspirasyon para sa kaunlaran ng mga karatig bansa nito.

Ngunit ngayon.. Pilipinas. Isang bayang magiliw. Isang perlas sa dulong silangan. Ang minsa'y inspirasyon, ngayo'y isang alaala na nga lang ba?

Kahirapan. Kasalanan. Kadiliman. Wala na. Wala nang bukas. Wala nang pag-asa. Sabihin mo mang lumalakas ang piso sa dolyar, pakinggan mo naman ang daing ng mga taong palubog na ng palubog ang estado ng buhay. Di na ito bago sa yo. Malamang paglabas mo ng village mo, o kaya pag bumibiyahe ka papunta sa paaralan mo'y hindi pwedeng hindi ka makakita. Alam mo na ang tinutukoy ko.

Maaaring ito'y isang batang di mo malaman kung buhay pa't nakahilata sa hagdan ng MRT, nakakapit sa kanyang pinakamamahal at pinakaimportanteng gamit sa mundo. Hindi cellphone o laruan. Isang wasak na baso ng Waffle Time na siguro'y tinapon na ng isang mamimili sa Quezon Ave. Yun lang ang lalagyan niya ng baryang ihinulog ng isang aleng malamang ay lito rin kung may pulso pa nga ang bata.

Maaari naman itong isang pamilyang binabaklasan na ng kanilang minsa'y tinawag na tahanan. Ngayo'y di na nila alam kung saan na sila magsasalo-salo sa isang pakete ng pancit canton, o kaya'y kaning panis na sinabawan ng kape. Di na nila alam kung saan sila magkikita-kita pagkatapos nilang mag-iba-iba ng landas sa Pasig para magbenta ng basahan o ng sampaguita dahil ang kanilang bahay ay mga reta-retasong kahoy na lang.

[drama mode: OFF]

Wala? Mukha bang wala na talagang pag-asa? Di pwede. Bawal.

Naniniwala ako na hindi pa tapos ang lahat. Naniniwala akong ang Pilipinas ay isang God's work in progress. Naaalala mo ang mga Israelites nung nandun sila sa Egypt at silang lahat ay mga alila. Di naman bago ang kwentong ito. Moses. Pharaoh. ayun. Ganun din diba? Pero isa nga siyang proseso. Hindi naman naging malaya yung mga Israelitang yun nang ganun-ganun lang. Taon-taon din silang naghirap. At ngayon, naniniwala ako, sa perpektong timing ni God, ang ngayong kinakaawaang bansa nati'y muling mailalagay sa mapa at maididiscuss na rin ang Pilipinas sa SocSci2 ng mga taga-India o Japan. XD

Ang lahat ng ito'y hindi aksidente. Hindi aksidente na tayo'y isang kapuluan. Hindi aksidente na nasa kalagitnaan tayo ng mga bonggang bansa at mga isla at tayo'y hindi tinamaan ng tsunami na yan. Iniingatan tayo eh. Kasi ang Pilipinas ang magiging launching pad ng mga misyonaryong kakalat sa buong mundo. Ngayon pa nga lang nakakarinig na ko ng mga papuntang Africa eh. hehehe.. wenk. Hindi aksidente na Pilipinas ang pangalan ng bansa na to.. na ipinangalan kay Haring Philip ng Espanya.. na ipinangalan naman sa Philip na alagad ni Kristo.

Walang aksidente. Balang araw.. ang Pilipinas pa ang magpapakain ng mga nagugutom na bansa.. dahil sumosobra na tayo sa pagkain at baka mabulok lang ang stock natin dito. Balang araw.. may mag-aapply sa bahay namin na isang taga-ibang bansa para maging DH namin at maglalaba siya ng damit ko. XD Balang araw.. ang Pilipinas ang mangunguna sa pangangampanya ng isang malinis na eleksyon. Hahaha.. Mukha ba tong joke? Hindi ito joke.

Marami sigurong di maniniwala. Marami sigurong magbabasura ng post na to. Pero maniwala ka man o hindi, nasa henerasyon ka na magsisimula ng pagbabago, sa henerasyong gagamitin, sa henerasyong rebolusyonaryo. Di aksidente na Pilipinas lang ang opisyal na Kristyanong bansa sa Asya. Pag-isipan mo. Para saan pa nga ba?

--//

yup. tama siya. ito na ang henerasyong rebolusyonaryo! :)

5.12.2007

enrollment adventures # 1

haha. wala lang. natawa lang ako kasi nung nagpadental ako nung tuesday, tapos nakita nung dentist na intarmed course ko, sabi niya:

"Uy I-med! Kelangan ko bang mag-english???"

Hahahaha. Connection??

----

Mahirap magenroll sa UP-Manila dahil pakalat-kalat ang mga buildings nito. nakahalo ang Robinson's, ang DOJ, at marami pang iba. Hindi ko na nga alam minsan kung nasa UP grounds pa ba ko o hindi na eh. Tapos nakakaligaw. At parang lahat ng building dun luma. As in yung old spanish house yung dating tapo pagpasok mo may chandelier pang hindi gumagana na sasalubong sayo. hahaha.

----

tinanong nung isang doctor nung nagpa-medical ako: "Hindi mo ba inanong sa parents mo kung nabakunahan ka na? Hinanap at tiningnan mo ba yung baby book mo?"

haha. baby picture ko nga dalawa lang ang nagexist eh. yung isa kasama ko pa kuya ko. baby book pa kaya???

Kasalanan ni Cheska at Rob.

haha. eto na. may patag-tag pa kasing nalalalaman. :P

Each player of this games starts with 6 weird things about you. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well as state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.

1. Ang "Rob's suka" ko ay pork and beans. For some reason, nasusuka ako kapag iniisip ko ang pork and beans lalu na kapag naaamoy ko yun. seriously. :)

2. I'm half-deaf. Is that weird? I think so. Si Sir Vlad nga hindi makaget-over dyan eh. As in kapag may exam, ibubulong niya yung sagot sa left ear ko. Eh yun yung hindi nagfufunction. So much for bonus points. :P Tapos magtatatalon siya and all that kasi hindi ko narinig yung binulong niya kasi nga, duh, bingi nga yung tenga na yun. haha. tapos nalaman ko na half-deaf din si Ceasar at yung left ear niya din ang bingi! haha.

3. Pawisin ako. SOBRA. Di ba dani? :P As in kunwari galing ako sa isang air-condirtioned room tapos lumabas ako, tiyak, within a minute or two, pinapawisan na ako. tapos after around five minutes, tumatagaktak na pawis ko. Tapos pinapawisan din ako ng todo-todo kapag kinakabahan, nasasaktan ng matagal, etc.

4. Sa bahay namin, may isang rule: wag mong tatanggalan ng electric fan si Ryan. Kasi kapag naiinitan ako, nabibwisit ako ng sobra at nagiging pasigaw ako magsalita tapos hindi ako makapag-isip at all. As in hindi ako mapakali at wala akong magawang kahit ano. hehe.

5. Wala akong ibang t-shirt na pambahay kundi white t-shirt. as in yung plain na walang design at kung meron man, sobrang konti. imposibleng makita mo ko sa loob ng bahay namin na nakasuot ng ibang damit na hindi white t-shirt.

6. Kapag nag-iisip ako, kinakausap ko ang sarili ko. hahaha. Naobserbahan nga ata ni ma'am simpas at ni jackie yun eh. Tuwing exam, kinakausap ko ang sarili ko lalu na akpag hindi ko sigurado yung sagot o kaya ubod ng hirap nung tanong. Tipong:

"Sigurado ka ba sa letter A, Ryan? Pwede rin kasi yung letter B. Hindi naman porke't hindi tunog maganda, hindi na yun yung sagot."
"Eh kasi nga po, Mr. Ryan, mas logical yung letter A. "
"Bahala ka. Wag mo kong sisihin kapag B yung sagot. Tingin ko B yung tama."
"Hmmm. Sige na nga, B na lang. PWede rin naman eh."

Haha. Sinasabi ko yan sa sarili ko ah! hahahaha. Ewan ko kung bakit ko ginagawa yan. Siguro para masiguro ko talaga sa sarili ko na hindi ko dinadoubt yung sagot ko. Na agree yung buong katawan ko dun sa sagot ko. hehehe.

I tag Cecile, Maisie, Joji, Garrick, Ben, Catalan. :)

5.06.2007

I'm now Dark and Handsome.

there... All I need now is a few inches to add on to my height and girls will surely go wild for my extreme sex appeal. :)

Or , maybe not. hehe. basta ang kumontra sa handsome, insecure!

--//

pero di nga, kung dark at dark rin lang naman ang pag-uusapan, hindi ako pwedeng mawala sa kategoryang yun. Grabe naman kasi, pag ikinukumpara ko yung kulay ng braso ko sa kulay ng katawan ko (naka t-shirt kasi ako nun eh kaya hindi naapektuhan yung katawan ko ng galit na galit na sinag ng araw), sobrang layo. parang kape at gatas. hahaha.

at ang masaklap dun, hindi ako nagbeach. NAGPINTA AKO NG BUBONG. opo, kung inaakala mong normal na mangitim kapag pumunta ka sa beach, pwes, hindi ako nagpunta sa beach. NAGPINTA LANG AKO NG BUBONG.

ang saklap eh noh. yung skin tone ko nagtransform mula sa light brown hanggang double extra dark brown dahil lang sa pagpipinta ng bubong. hahahaha.

pero kung iniisip mo ngayon na sobrang lungkot ko dahil sa pagiging ita ko in a short span of time, pwes mali ka ulit.

lahat na nga yata ng tao dito sa bahay namin pinagalitan ako dahil sumama pa daw ako sa FEAD Work Camp namin sa Mendez, Cavite. (hindi ko ikukuwento kung anong mga details ng ginawa namin. nakaktamad. hahaha. punta na lang kayo sa blog ni Mark Jason. :P) tapos pag-uwi ko SOBRANG itim ko na. hindi ko naman maipaliwanag na kahit pa siguro umitim pa ko ng mas maitim pa sa kasalukuyang kulay ko ngayon, ok lang. kasi sa limang araw na yun, nakatulong ako.

opo mga pare, social work yung pinagkaabalahan ko. tumulong kami sa isang elementary school doon sa cavite. simple lang ginawa namin: nagpinta ng bubong, inayos yung classrooms at naglagay ng rain protection (in lay man's terms, trapal) dun sa classrooms. Yun lang. Simple, pero mahirap gawin, lalu na kung libre at ang tanging layunin mo lang ay makatulong.

Sa totoo lang, nung una, hindi ko naman pinasok yung work camp dahil gusto kong makatulong. para po kasi yun sa scholarship ko mga pare. required ang social work sa application process namin sa FEAD. at nag-aapply ako sa FEAD para may ipambayad ako sa Dorm namin sa Manila. Or else, meron na lang akong 165 pesos para pambili ng pagkain sa isang buong semester. kamusta naman yun? kaya nung una, determinado lang akong tapusin. para sa scholarship. yun lang.

pero alam niyo kasi, yung work camp na inattendan ko, nakakabilib. sobra. pagkatapos nung work camp, feeling ko umattend ako ng retreat pero mas malalim ng konti kasi hindi lang ako lumapit kay God, nakatulong din ako.

teka nga, teka nga. akala ko ba nagpinta lang kayo ng bubong? bakit ang lalim na ng realizations mo?

hehe. ewan. puro naman optional lahat ng practices of piety na ginawa namin. pero lahat kasi ng seniors (sila yung mga pasok na sa FEAD at hindi na applicants na sumama samin sa work camp), nakakabilib yung Catholic faith. kahit yung director namin. para bang bigla akong nauntog sa pader at tinanong ang sarili ko: "Bakit nga ba hindi ko sila katulad?" Bakit hanggang ngayon shaky ang faith ko. at bakit ba hindi ako nagbabasa ng Bible? Yung tipong ganun. Wala silang conscious effort para maapektuhan ka pero maapektuhan ka pa rin nonetheless.

hehe. tsaka I felt God again in one of those mental prayers that we did. ang sarap ng pakiramdam. :)

(note: 6 hours lang kami nagtatrabaho kada araw. after nun may activities, like mental prayers, get-togethers, games, etc.)

tsaka inexplain din nila sa isa sa mga talks na ginawa namin after working kung bakit kami nagwowork camp. ang pagkakaintindi ko (hehe, may ganun bigla. hindi ko na kasi natatandaan fully yung explanations), ang mga tao talagang ginawa para magtrabaho. kahit sa Bible iniimply na yun. We were created to work. kaya ang pinakasimple pero ang may isa sa malalaking impact na paraan ng pagtulong ay ang pagtatrabaho. parang yung ginawa namin. kung tutuusin simple lang ang pagpipintura ng bubong (mainit lang talaga ng sobra dahil yero yun at bukod sa sinag ng araw na tumatama sa balat mo, pinapalala pa yun ng reflection nung mga sinag sa yero. kaya siguradong masusunog ka) at pwede mo naman talagang bayaran na lang ang kahit sino para gawin yun. pero isipin mo, ang Pisay nga may budget na't lahat nahihirapan pa rin sila sa maintenance ng mga facilities, eh pano pa kaya yung Panungyan Elementary School? Eh mukha ngang nahihirapan na silang kumuha ng pera pambili ng libro eh, pambili pa kaya ng pintura at pagbayad sa isang taong magpipintura? kaya malaking tulong na rin kung magagawa mong mapinturahan yung bubong ng mga classroom nila ng libre. para naman kahit papano, alam mo na tatagal yung bubong a hindi dadating yun panahon a puputakihin sila ng tulo tuwing umuulan.

kaya pagkatapos ng talk na yun, napagtanto ko na dapat hindi ako nagpipintura ng bubong dahil para lang matapos na yung kelangan kong gawin para dun sa application ko sa FEAD. dapat, sa bawat stroke ng brush, inaalala ko na meron akong natutulungan kaya dapat ko siyang pagbutihan.

siguro dun ako namangha. ang pagtulong hindi kailangang "big difference" kaagad ang maiaambag sa komunidad. hindi importante kung big difference o small difference ang nagawa mong pagbabago. kahit yung maliit na bagay lang na napinturahan mo yung bubong, may impact yun. kahit gaano kaliit. basta you made a difference. and you helped people through that.

ang mahalaga, may mapapangiti ka sa nagawa mo, kahit isa lang.

kaya nga nagpalit na rin ako ng ambisyon eh. dati, sabi ko sa sarili ko paggraduate ko sa Pisay, gusto kong makagawa ng malaking pagbabago sa komunidad na kinagagalawan ko pagkatapos ko ng college. ngayon, gusto kong makagawa ng maliliit na pagbabago na magbibigay daan sa isang mas malaking pagbabago sa komunidad na kinagagalawan ko pagkatapos ko ng college.

naks. sabi ko sa inyo nakakabilib yung Work Camp na inaattendan ko eh. :)

kaya para sa mga nangaasar (ehem, joji, ehem. hahahaha. joke! namimiss na kita! :P malapit na birthday ni jeric!), masaya ako na maitim ako noh! Kasi kapalit ng skin tone ko ang pagngiti ng iba. :)

4.19.2007

UP ako, ikaw?

sabi ko kay ed, something is weird because i was never attracted by anything to go to ateneo. even the oh-so-elegant application form (that costs 500 pesos), the "good" environment (at least wala daw snatcher at catholic school siya), the 100% scholarship, and the fact that I will leave cheska, jecay, and rob did not affect me at all.

sabagay, UP ang kapalit ng lahat ng iyan eh.

and i guess, tama si dani. UP na ko simula't sapul. mas gusto ko maging iskolar ng bayan kesa maging, uhm, kulay blue. kaya kung hindi ako nakapasa sa intarmed, 50-50 pa rin ako sa MBB at ME ng ateneo. haha. buti na lang pala nakapasa ko. at least di ko na kelangan maginee-minee-my-nimu.

bakit? bakit hindi. para sakin, (ayan na naman yang mga nagbabasa ng blog ko na nagtatangkang magviolent-reaction, pwede ba, tinanggalan ko na ng comment option ang blog ko. haha. beh.), kahit manakawan ako ng cellphone o kahit never ipopromote ng UP ang relihiyon o mga paniniwala ko na matagal ko nang inaalagaan, aalagaan at mamahalin, yun pa rin siguro ang pinakamagandang environment. "it's the closest thing to real life" - jackie canlas (naks naman may quote pa. haha.)

hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko tong post na to. siguro gusto ko lang sabihin na gumawa ako ng desisyon base sa sarili kong pananaw at sa kung ano ba talaga ang gusto kong marating. kaya nga masaya na rin ako para sa mga kaibigan ko eh. kasi kahit na hindi ko na sila makakasama (kasi iiwan ko sila), alam kung yung tatahakin nila, yung gusto talaga nila. kaya Ed, saludo ako sa pagkuha mo ng math course. :)

sa huli, para sakin, UP ung rurok. at karangalan kong mag-aral do'n.

Iskolar ako ng bayan, ikaw?

:(

isa lang talaga ang bagay na makakasira ng araw ko in a split second.
shet.
i never asked for this.
its a curse you know.

4.18.2007

VLADdy joke!

haha. This post is a tribute to the greatest pisay teacher of all time: Sir Vladimir Lopez.
And to our wonderful pisay Econ Mag (that got a 103/100 group grade, btw. haha. :) ), entitled, MAXIMA: Pisay's Best Survival Guide.

i got this from Alba and Henson's article, entitled "Sir Vlad Expreiences". haha. punung-puno ng econ jokes! eto oh:

When Sir Vlad was driving with his friends, a physicist, a chemist, and a mathematician, he was caught by the MMDA because he is driving beyond the speed limit. Quickly, the physicist commented at the MMDA, “You should question the earth instead, because in our inertial frame the earth is rotating at the speed limit”. The chemist also commented “You should blame the engine, if the engine combust properly then adequate energy is released and you didn’t have to change gear”. The mathematician asked “Are you sure we are traveling at the speed limit?, because we are only approaching the speed limit and not touching it”. Shocked by his friends’ remarks, he decided to show off. He bribed the MMDA and by him lunch. The MMDA quickly let them go and left them. His friends were shocked. They asked him how he knew that he needed money. Sir Vlad replied “There is no such thing as a free lunch”.

hahaha. to pa:

A friend of Sir Vlad who became successful, develop a new permanent writing material named KARL. And Sir Vlad knew that his friend was a big fan of Karl Marx, he asked his friend, “Did you name your product after Karl Marx”. “No!” replied his friend. “Then why did you name your product KARL” Sir Vlad asked again. His friend replied “It is because Karl marks.”.

hahaha. eto pa!

President Macapagal Arroyo requested Sir Vlad, to compute for the countries’ GNP. While calculating for the countries’ GNP, Sir Vlad noticed the chicken manure as a Philippine Good. He quickly said, “The Philippine goods these days… it is so gross.”

One day, while shopping, Sir Vlad overheard a woman said, “What the heck! Prices of rubberbands are always changing. What is the reason behind this?!”. Sir Vlad answered the woman, “This is because rubberbands are elastic.”.

One day, Sir Vlad and Sir Job meet in the hallway. Irritated with Sir Job features, Sir Vlad said to Sir Job, “Get a new job”. When Sir Job realize this statement he replied “You are vladdy right!”.

haha. adik. :P enjoy.. :)

4.13.2007

M.D.

"Med students preffered"

haha. may nakalagay na ganyan dun sa dorm namin sa manila. kasama ko sina pito at joreb. tapos sina nico at KG nagcoconfirm pa. :) haha. masaya to!

ngayon lang talaga pumasok sa isip ko na wala na ko sa pisay. i've been doing a lot these days - shooting, tutoring people, etc - just to earn money reserves for college. kasi seryoso, ang mahal magdorm. kelangan ko ng isa pang scholarship para makakain. else, pambabayad ko na lang sa dorm.

pero hindi eh. hindi yung graduation, yung pagkatanggap ko ng news about the intarmed, yung pagpunta namin dun para makita yung dorm, o kahit yung mga nababasa ko na goodbye pisay entries ng batchmates ko ang nakapaguntog sa akin sa katotohanan na, hoy, hindi ka na pisay scholar.

kundi yung post ni cheska na hindi siya magiintarmed. tsaka ko lang napagtanto na, shet, oo nga pala, hindi ko na sila makakasama. sina cheska, jecay, walo sa barkada ko na naging parte ng buhay ko for so long and the rest of the batch. oo nga pala, tapos na ang high school.

i miss pisay already. especially the people that made it super special. bagong mga tao na naman makakasalamuha ko. bago na naman.

mamimiss ko kayong lahat. you guys just don't know how much i would.

alam mo ba, alumnus na ko ng pinakamasayang high school sa Pilipinas. graduate na ko sa lahat ng hirap. pero sana pala, hindi na lang.


7 years before real life comes. hope you guys will have a challenging yet lesson-filled pursuit of happyness. tsaka, till next time.


I WILL NOT FORGET.

cameo role

"dude, extra ka lang."

haha. ang sakit. it's like saying: you're unimportant, so don't act like as if you are.

pero no offense, totoo naman eh. nag-eextra lang kami for the movie. at, katulad ng sabi ni ma'am jams, a production talaga is all about waiting. ako, ang reklamo ko lang naman ay may mga tao samin na katulad ni christmas na nanggagaling pa from Laguna, spents 400 pesos to commute from there to pisay (take note, 200 lang ang bayad samin. so kulang pa pampamasahe.), spend 4 hours just to get to pisay, and then does nothing pagdating dun sa set. wala lang. kawawa naman siya di ba?

yun lang naman. sana lang hindi kami 8 hours naghihintay. sobra naman ata yun. 6 ng umaga kami papupuntahin tapos 4 kami magagamit? brutal. yun lang naman. nanghihingi lang kami na sana may plano talaga yung buong thing. yung, kung pwede malalaman namin kung ilang sequences kami magagamit for the day, kung magagamit ba talaga kami o hindi, ano yung expected time na magsisimula yung pagshoot nung sequence namin and all that, etc. sayang kasi yung oras eh. i do a lot of things nowadays to prepare for college. and i miss those things just because i want to be a part of this production. at dahil para sa pisay to. at dahil idol ko si aureus.

hindi kami nagpapaimportante. we just want a better, more planned schedule (grabe kaya, 16 sequences dapat tapos apat lang yung nagagawa. something's wrong.) tsaka yung paninindigan na kapag sinabi nila na 10pm makakauwi na kami, nakakauwi talaga kami at hindi aabot ng 230am bago kami talaga makauwi. sayang kaya sa load. paulit-ulit kaming magtetext sa parents namin na hindi pa tapos yung shooting. tsaka kawawa parents namin eh. sila yung naghihintay.

yun lang naman. hindi naman talaga nagrereklamo. kung feeling mo ganun, pwes basahin mo ulit at subukan mong basahin ng may consideration at mas malawak na understanding. nahihirapan kasi kami. hindi biro. we just don't want to quit because we're doing it for the school at nakakahiya lang talaga kay direk aureus na sobrang bait.

yun lang naman.

tsaka, isa pa, ako alam ko kung gaano kahirap mag-direk. naalala ko pa nga na nagagalit ako sa classmates ko dahil lang pagalagala sila eh habang naghihintay at kung bakit hindi sila mag-stay put sa isang lugar. kaya naiintindihan ko kung gaano kahirap magplano at magschedule. alam ko na may tendency talagang ang mga extra ay hindi mo mapapansin for most parts at di mo maaasikaso. pero yun nga. you can at least make the schedule more favorable for them. para di rin sila nahihirapan sa kahihintay. parang nung nagshoot kami para sa pinoy. ginawan ko ng paraan na lahat ng scenes na may extra, gagawin na lang in one day or at least mas maaga para makauwi na sila asap. ganun. tsaka come to think of it, kung nagagawa naman nila yung 16 sequences, we would have been of use more siguro.

ewan, sana lang mas maging maayos na. they called for a one week suspension of shooting eh. sana magawan na nila ng plano. it would be a great movie eh. :)

"come on, guys, i need my beauty sleep." -- sleeping beauty @ 2am

3.26.2007

revelation

if people thought you were the devil
but you knew you were never the devil
yet they still call you the devil
and they tease you as the devil
and they mock you as the devil
and they laugh at you as if you are the devil
even though you are not the devil
and the whole world thinks you are the devil
and you hate it so much that you vowed not to be the devil
and made sure that for everything you do you will not become the devil
even for what you say, you made sure it is not of the devil's
for you never wanted to be the devil
you never liked being called the devil
and you cried a thousand times everytime you are mistaken to be the devil
because you never were the devil
yet that is not what they see, instead a devil
even when you changed names to prevent being mistaken as the devil
even when you changed everything around you to not anymore be called the devil
amidst all those you were still mistaken as the devil
and you hated, a thousand time more, being called the devil
because you knew you never were the devil
and you never will be the devil
because you hate everything about the devil
and you don't want to do, as much as possible, anything that would affiliate you to the devil
because you have that long history with the devil
and that anything that would make the situation graver is unbearable
but now that you are asked to play as Tom,
is it not just right for me to feel uncomfortable?

219

I'm so proud. 100% graduates. lahat kami magkakasama sa graduation. isang buong batch. astig.

haha. At ang boring daw ng batch namin. konti lang daw kasi problems eh. :)

so to the batch that was made to SHINE and made to SOAR, kudos!

Go Batch 2007!

3.05.2007

Alam mo ba ang ibig sabihin ng "frustration"?

the past weeks have proven to me what frustration really is. ang dami kong ninais na makuha at makamit na hindi ko naaninag kahit konti. ang dami kong pinaghirapan na hindi nabigyan ng tamang justification. may mga bagay na akal ko ayan na, pero hindi pala.

no, this is not an entry to rant about life, about pisay, about whatever because once, in my entire life, the frustations did not own me at all. i own them.

"If you can let go of it, you own it. If you can't let go of it, it owns you." - sir vlad

somehow, the pains, no matter how intense they were, mattered no more. there were no bruises, no scars, nothing.

para akong may shield. parang everytime na may bad news na dadating, everytime may frustration na bago, someone would whisper in my ears: "kaya mo yan."

thanks God. I love you so much.

No comment(s)

my blog seems so quiet. unlike my previous one, where i would have at least one comment everytime i post, this one seems so barren. hay. ganun talaga yata ryan kapag TINAGGAL MO ANG TAGBOARD AT COMMENT OPTION NG BLOG MO.

haha. wala lang. i'm just not used to people not replying to what i say. and i'm not really regretting what i've done. (by the way, intentional ang pagtanggal ko ng tagboard at comment option ah). i just realized that by doing what i've done, i have removed other people's right to say what they have to say. in short, one way na ang bato ng kuro-kuro at pananaw sa snake pit na ito. and, it seems, well, somehow unfair.

pero bakit ba? nakakatrauma na rin kasi ang masyadong pagtanggap sa pananaw ng iba. minsan ang laki ng impluwensiya sayo, sa mga praan an madalas ay hindi nararamdaman o kahit alam man lamang ng nagbigay ng komento sa iyong sariling opinyon, na nabubulag ka sa kung ano nga pala ulit ang pinaninindigan mo. minsan kasi ikaw mismo, natatangalan nila ng karapatan na sabihin ang gusto mong sabihin at ipahayag sa mundong ito na malaya kang talaga.

at minsan naman rin, hindi mo lang talaga maamin na naduduwag ka sa kung anung pwedeng sabihin ng iba.

kaya oo, kung anuman sa dalawan yan ang dahilan, gusto ko na ganito na lang blog ko sa kasalukuyan, habang hindi pa nagiiba ang ihip ng hangin. mas gusto ko na lang na manatili itong tahimik. sumisigaw ng sariling pananaw, ngunit mag-isang naninindigan. walang kaaway. walang kakampi. mag-isa.

oo. namimiss ko na ang comments mo, ikaw na nagbabasa nito. sabagay, mukhang konti na lang naman kayo eh.

2.26.2007

Para sa Electron

Thanks Electron. Those were the best, uhm, “pagbubulungan tungkol sakin na naririnig ko pa rin” ever that you guys did. Those words touched my heart and made me figure out that, hey, I was never worthless. I love you guys!

Go Electron 07!

Graduation Tribute #1

I was inspired earlier by the fact that I'm gonna leave pisay soon so I wrote something like this. Hay. I would try to continue writing such tribute until graduation. :)

10 Things I learned in Pisay about leadership service to people:

Like Cheska, I should always remember that one is never unimportant. Everyone’s effort matters and makes a great deal of contribution in reaching a goal. I should never waste any my subject’s efforts no matter how small they may seem to be.

Like Jecay, I should learn how to talk to my subjects properly and not shout at them almost all the time. A compassionate approach also works well and makes sure that you’re not hated.

Like Dane, I should always listen to others, accept suggestions, and yet fail not to make my own decisions.

Like Clar, I should always lead my subjects for God and, if ever, to God. Remember that each of them is like brother/sister. I should always see God in them.

Like Ed, I should always love the group that I handle and fight for them.

Like Egg, my commands should always come with a smile and end with a joke. I should be approachable.

Like Joriel, I should always get along with my subjects but always carry an air of authority every time I need to.

Like what Sir Vlad said, I should always remember that the reason I would be able to lead is because my subjects would do half, if not all, of the job for me.

Because of AJ, I learned that you can never please every one with who you are. Know how to deal with it. Change for the better and accept criticisms for, after all, you are only human.

Like Rob, I should lead my subjects for them and because I love them; not because I just want to reach the goal, the position, the power, the fame or because I need help to attain he goal. Leadership is service to OTHER PEOPLE, not to self.

Thanks guys. You've made me better.

2.25.2007

And all I need was Sir Martin's blog...

...to write another blog entry. I don't know. Somehow, writing starts to become dull. I mean, the first draft for my econ articles, which should be feature stories by the way, sounded like a research RRL. Yak. I'm starting to turn into Rob. Haha. Joke. I think I'm worse than Rob now.

And yes, even with all the "blogworthy" events that happened in my life for the past few days were left un-blogged. hay.

So, before I comment on the Pisay elections controversy (hey, is The Science Scholar allowed to make this like a banner story or even just a news story? That'd be fun!), I would first give honor to the following events that made my life more interesting than it was:

--> MY FIRST FORMAL AUDITIONS. (excluding the SK one, and yes, complete with cameras and a script! waw! I suddenly became lenient to Theater Arts all over again!)

--> THE MOST SUCCESSFUL GK VISIT EVER OF OUR TEAM. That says it all.

--> SIR VLAD'S OPEN DISCUSSION CLASSES ABOUT NATIONALISM AND EVERYTHING THAT I EVER LOVED AND STOOD UP FOR. Amazing. Really.

--> THE "DRAMATIC" CAT GRADUATION. I would really miss my company. You guys are the best Model Company ever, and up to the last CAT activity, you guys proved that. Go Alpha!

There. Such wonderful things. Hay.

Now, with Sir Martin's blog, he had a post about a restructuralized SA Government and it was really impressive. Seriously. How I wish they would be implemented before we graduated. Hay. And Rob's suggestion of a student constitutional convention to draft the Student Alliance Constitution is exciting. I mean, think about it. WE can do that. And it would give such great lessons to us all. It's nice to know that Pisay is so free. (Ha! so for the readers out there who only think of pisay scholars as nothing but science geeks, think again! WE actually have freedom, you know, and WE can make changes happen. Can you? bwahaha.)

With the Pisay elections, I was, uhm, ok fine, disappointed that Guio didn't win. I don't know. I think he did well this year and would do well again, if given a chance, next year. Hay. But I'm not gonna be there next year so I'm not really supposed to be concerned at all.

Yet, with all the rumors about, uhm, the "unsatisfied losers", I can't help but say its pathetic. Asking for re-elections without sufficient proof that you have been cheated? I don't know. For me, if one really loves his or her batch (and not just the "group" he or she belongs to), he or she would help, regardless of whatever. Having no position at all never hinders anyone to make actions for the benefit of their batch. If one would insist on getting any position at all, then he or she can be compared to the worthles Filipino politicians of today - selfish. Besides, wouldn't it be pathetic to split a fantastic batch of people into two just because of an unaccepted election defeat (or something close to that?). Sayang naman ang batch niyo kung hahatiin niyo sa dalawa dahil lang may magkaibang pananaw o magkaibang pinaninindigan o kung anu pa man, gayong mas madami at mas maganda ang magagawa niyo kung iisa kayo.

I once regretted the fact that our batch only forms one party every year for the elections. Di ko akalain na may pagkakataon pala na masira ang isang batch kung may dalawang magkaibang partido ang tatakbo. As a pisay student, one should know and understand that in elections, there are losers, and yes, we are expected to be able to accept such faiths.

There. I'm gonna go back to our Econ Mag now.

2.20.2007

For the Copper Chloride, I love thee.

haha. go chem. i got 3 out of 4! 3 out of 4! waw!! akala ko pa wala akong tinama kahit isa. si sir de ocampo kasi ang discouraging magsalita. pero wala eh. ang bait ni God. :)

ang FRUSTRATING na ng teenpreneur para kay Cheska. at, oo, malapit na kong sumunod. eh kwento pa lang ni cheska, nakakafrustrate na. At this point, hindi ko na alam kung problema na siya ng ESA o ng team namin. Pero whichever, nanghihinayang ako sa mga planning effort ni cheska na nawawalang saysay dahil sa mga mentors namin mula sa ESA at sa ESA na rin mismo (funds! wah!). lalo na yung mga planning efforts ni cheska kasi sobrang essential ng oras para saming mga taga-pisay eh. hindi naman sa hindi rin busy yung mga taga-ESA pero yun nga, nakakainis minsan na ang labo nilang kausap na kung ano yung sinabi nila, iba yung nangyayari. nagugulo tuloy yung mga schedule nung mga tao. tapos sobrang busy pa naming 4th years ngayon kasi nga graduating at walang puso ang pisay. kaya ayan. it's not that everything should be blamed on them, pero yun nga. may mga pagkukulang na rin sila. and at this point, ginagawa na lang talaga namin 'to para kay mang roberto. kawawa naman kasi yung tao. walang trabaho at all. at nageenjoy din naman kami somehow. ayun. hay. at hindi lang yan, perio ng march 2! at yung teenpreneur ay march 2! great. saya.

haha. Adel is so going to win the SAPI award for best actress. hay. ang sarap ng pakiramdam kapag napapalabas mo yung talents nung ibang tao. :P

this post is useless, btw. it's made up of rants. hay. tuluyan na nga yatang nawala ang aking nakasanayang palagiang magsulat ng mga bagay na may saysay. nawawalan na rin tuloy ng kwenta ang blog na to. sori na. tao lang. :P

2.16.2007

makaBANSA

haha. ang laki ng epekto ng salitang ito sa akin. ang galing talaga ni Sir Vlad.

dahil bakit ng ba naman hindi makaBANSA at sa halip ay makabayan ang ginagamit natin bilang salitang katumbas ng salitang ingles na nationalism sa Filipino.

mas lalu tuloy naging malinaw na sa konsepto pa lamang ng nationalism, watk watak na kaagad ang pananaw ng mg aPilipino. mas nais nitong maging makabayan (ang bayan, tandaan ay mga maliliit na gurpo lamang. Halimbawa: Manila, Negros,, etbp.) kaysa maging makabansa na mas nagsasabi sa kung ano dapat ang maging ugali ng mga Pilipino.

grabe. mukhang ang mga huling talakayan sa asignaturang "Economics" ang magiging mga paborito ko sa lahat.

at oo, hanggang ngayon ay buong puso ko pa ring ipinagpapatuloy ang pagtupad sa hamon na ibinigay ni Sir Vlad sa amin kanina: ang magsalita gamit ang purong Filipino ng hindi nanghihiram ng mga salita mula sa wikang Ingles.

1.28.2007

A tribute to PeaNoy's Peanut Butter

The Teenpreneur Challenge was fun. Haha. Besides the fact that we were representing Pisay in a competition like this, I liked the fact that the whole competition has a deep sense of nationality with it. Ang astig nung video ng GK na pinakita nung host. I was overwhelmed by my fellowmen's nationalism. Kala ko kasi dati extinct na ang mga Pilipinong makabayan. Di pa pala. :P

At ang saya din nung ginawa namin. Nauna nga natapos yung Pisay dun sa First part nung challenge eh. For some reason, sobrang nakinig si Gian dun sa orientation na nung binigay na yung clue para dun sa unang puzzle, alam na kaagad niya yung sagot kahit hindi pa kami naglilibot para maghanap ng letters kasi sabi nung instructions yun lang daw ang paraan para malaman namin yung password. Haha.

At pagkatapos nun, dahil sa simpleng context clues, nakuha na rin kaagad nina Gino yung pangalawang password. Hindi man lang sila pinawisan. Tinype lang nila yung kung anumang word dun tapos tada! Haha. Pagbalik namin dun sa station namin after five minutes ng pagtakbo, tapos na kami kaagad. Effortless. Haha.

At siyempre yung final round nung contest, kelangan naming magimprove ng isang product mula sa GK. At ang product: Peanut Butter. Haha. Ang hirap pala gawan ng pangalan ng Peanut Butter. Haha. Ang naisip nung group nina Kat: KnockNuts. Naks naman. Tapos kami: PeaNoy's Peanut Butter. Hahahaha. At, siyempre, may jingle songs pa yang mga yan para makatulong sa advertisement, gaya ng:

sikat na sikat ang PeaNoy
Kahit sa'n magpunta
Kitang-kita mo naman na kinakain 'to.
Iba ang sarap ng PeaNoy
Kahit san magpunta (?)
Ipagmalaki mo ang PEANUT natin!

at....

(tono ng isapageting pababa)
palaman na masarap, masarap na masarap
sa tinapay masarap, masarap na masarap
pampabaon, pampamilya, pampapak-pampapak
peanut butter ng PeaNoy, masarap na masarap na masarap!

haha. galing no. sina Igi yung gumawa nung una tapos galing kay Dane yung isa pa. Haha.

Naasar lang ako dun sa huling tanong nung mga panelist namin. Inaapropriate kasi eh. Sabihin ba naman nila na baka unhygenic yung peanut butter galing sa GK kasi mahihirap yung gumawa. Eh hindi ko nga naiisip yun eh. Ang pangit lang kasi, kagaya nung sinabi ni Cheska, "tinutulungan nila yung mahihirap pero in the process dinidiscriminate din muna nila."

ayun. ang saya. :)

Salamat God.

I realized just now that my Simbang Gabi wish came true. haha. :D Salamat God. At least now, I have more options. Kahit magulo kung saan nga ba ko dapat pumasok, ok lang.

My mom was really happy. And I've never seen her feel so satisfied with my achievements since grade school graduation. At least ngayon, kahit hindi ko matutupad ang With Highest Honors na pangako ko sa kanya, napasaya ko na siya. Hehe.

Thanks God. That was overwhelming. :)

1.15.2007

Defending a faith

haha. i know my sister would still not stop reading my blog.

sige nga. ate rhea, basahin mo 'to :)

WARNING: The following text contains religious matters. If easily offended by such, please stop reading. PLEASE respect the opinion, the beliefs and the religion of the writer regarding this.

wala lang. naalala ko lang kasi yung kwento nung isang preacher nung retreat. yung tungkol dun sa isang lalaki na hinostage. tapos habang nakakulong siya at binabantayan nung hostage takers niya, ginawa niya ang lahat para magkaroon ng holy life - as in araw-araw siyang nagdadasal and all. tapos isang araw, nanaginip siya na nakatayo siya sa harap ni God. Nandun din yung isa sa mga hostage takers niya. Tapos tinuro siya nung nanghostage sa kanya at sinabing: "Ayan God oh. Siya yung taong hindi ako tinulungang makalapit sa'yo."

So nagulat yung lalaki. Akalain mo ba namang mukhang hinihiling pa ni God sa kanya ba ilapit niya yung mga nanghostage sa kanya kay God. E di ang hirap naman nun, di ba? Ang out-of-place tingnan na pagdadasalin mo yung mga, supposedly, "bad guys" dun sa storya. Pero, ayun, ginawa pa rin nung lalaki yung kagustuhan ni God. Eventually, nagawa naman niya at nagdadasal na sila nung mga hostage-takers niya ng sabay.

Ayun. Moral of the story: "Are you helping the people around you to be closer to God? Or are you doing nothing at all and letting them be?"

Dahil dito kaya sobrang thankful ako kay God sa pagbibigay niya sa akin ng mga kaibigan na may mga matatatag na faith at hihilahin ka pataas, papunta sa Kanya.

So anong kinalaman ng kapatid ko dito?

Well, I know my sister is starting to be lenient to another religion. Christian pa rin naman. Protestant. At maganda naman epekto sa kanya. And there's nothing wrong with that. Pero yun nga. Naalala ko yung kwento na kababanggit ko lang. At yung mga sinabi ni Rob na para sa mga taong hindi kinagisnan ang Catholicism, hindi kasalanan ang maging parte ng ibang religion. Kumbaga kung ang pamilya niyo eh likas na protestante at hindi niyo naman talaga nakilala kailan man ang pagiging katoliko, hindi iyon kasalanan.

Pero kung Katoliko ka, tapos lilipat ka sa ibang relihiyon, kasalanan yun. At, well, ayoko namang magkasala ang kapatid ko.

Kasi, masyado nating minamaliit ang Catholic Chruch, in the first place. Dahil na rin siguro sa The Da Vinci Code at kung anu-ano pang controversy, masyado nang nadumihan yung pangalan ng Simbahang Katoliko. Pakiramdam ko tuloy ang tngin ng iba sa relihiyon ko ay isang malaking joke.

But in the first place, the Catholic Church is the only Church founded by Christ, Himself. So if you have a strong belief in Christ, why are you doubting the Catholic Church?

Dyan papasok ang linyang: "Wala naman sa bible yan eh!" As in lahat na lang ata ng ginawa ng Simbahan, sinabihan ng linyang yan. But, then again, yung mga salita naman sa Bible kelangan pa rin ng interpretation, di ba? Kasi galing kay God yun. At yung knowledge ni God ay hindi kayang pantayan ng sinumang tao. Kaya kung anu man ang sabihin niya, yung makukuha lang natin o maiintindihan dun eh konti lang. Parang kapag nagsalita si einstein tungkol sa nuclear bomb. Malamang mawala tayo sa katinuan kapag sinubukan nating intindihin ang mga sinabi niya. Kaya kelangan natin ng isang interpreter na magsasabi sa atin na: nakakamatay ang atomic bomb.

Kaya sa Salita ng Diyos, kelangan pa rin natin ng interpreter. At isa yun sa mga trabaho ng Catholic Church - ang maging SOLE interpreter ng Salita ng Diyos. And being the Church founded by Christ, siyempre nandyan yung Holy Spirit para gabayan ang Simbahan sa trabaho na to.

Oo, lahat ng bagay na sinasabi ng iba na "wala sa Bible" ay interpretation ng Catholic Church. At buong puso akong naniniwala (with all due respect to all other religions), na ito ang tamang interpretasyon.

It's a shame the Catholic youth, somehow, tend to be blind when it comes to their own religion. Lagi na lang pag sinabing Catholic, para sa karamihan: corrupt, masyadong traditional, wala sa bible ang pinaggagagawa, etc. Ang pathetic. Kasi mas tinitingnan yung mga dark spots ng Catholic Church kesa sa kung ano talaga ito.

(Para kay Ate Rhea. Pasintabi sa ibang relihiyon ulit. Inuulit ko, opinyon at paniniwala ko ito.)
Tsaka hindi ako naniniwala sa sinabi mo na kapag Evangelical ka eh magiging mas religious / spiritual ka or something like that. Walang epekto ang relihiyon kapag talagang naniniwala ka sa Diyos. I have proven that. I have classmates that praise so wholeheartedly that you would feel their intense love for Christ. They also read the Bible. Hindi man nila saulo, they still do read the Bible. Hindi rin sila "traditional" mag-isip, kagaya ng iniisip ng marami. Moreover, they're all Catholics.

Hindi pa ako magaling sa pageexplain at pagdedefend. Madami pa kasi akong nakalimutan sa mga sinabi ni Rob (na, btw, ay inexplain sa kanya ng chaplain ng Pisay. :) ). Ayun. Eto na yung tulong ko. You still have the choice. I have made mine, already, and I'm happy about it. Gusto ko lang na, at least, may ginawa ako tungkol dito. :) Gud lak. :)


Masaya ako at naging Katoliko ako. Lalu na nung mas nabuksan yung isip ko sa kung ano ang totoo tungkol sa relihiyon. At mas lalu na nung binigyan ako ni God ng mga taong tutulong sakin para mas maintindihan ko 'to.

Kaya, God, salamat sa mga hinostage ko ah. :)

world without friction

...is chaotic.

seriously. bakit ba naman kasi ang lakas mang-trip ng eme at imbes na nanood na lang kami ng movie kung saan naging payapa pa marahil ang buhay namin eh nagpumilit na magice skating na lang para maiba naman daw.

masakit siya sa paa ah. at talagang maappreciate mo ang mu-sub-k sa physics. talagang pasasalamatan mo si God at binigyan niya tayo ng friction. well, at least, kaming mga hindi marunong ganun yung naramdaman. hehe.

it was fun though. i actually learned how to do it after some time. yun nga lang, kelangan kong matumba ng tatlong beses. at pinagpapawisan ako nun ah. imagine, sweating on top of ice! weird. haha.

and Dane is funny. hehe.

yun ang isa sa pinakamasayang eme gimmicks. salamat iel (happy birthday!!). at sa buong eme. :)